Chapter 1

136 16 7
                                    

Walang gana akong pumasok. Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kahapon. Sinabi ko na ‘yon kay mommy at agad pinaalam kay dean. Janitor pala ‘yon sa CU.

Nauna na akong umalis no’n sa room dahil nagkukuwentuhan pa ang lima. Wala pa yata silang balak umuwi. Habang naglalakad pababa ng building, nakaramdam ako ng kakaiba. Parang may sumusunod sa akin. Binilisan ko ang lakad kahit pa parang hihikain na naman ako. Nang hindi ko na maramdaman iyon ay tumigil ako. Pinunasan ang namuong pawis sa noo. Nakarating ako sa unang palapag na walang nangyaring masama sa akin. Pinapaypayan ko ang aking sarili habang naglalakad sa passage. Maya-maya pa ay may biglang sumulpot na lalaki at agad na inakbayan ako. Sa gulat ay malakas kong tinabig ‘yon at binilisan ang paglalakad. Hindi pa pala ako nakaligtas at mariin nitong kinuha ang aking kamay at hinila ako pabalik sa puwesto ko. Isinandal ako nito sa dingding malapit lang sa may hagdanan. Nagulat ako sa binulong nito.

“Miss, ang sexy mo sa uniporme mo,” sabay kindat nito.

Mas lalo akong nagalit kaya sinipa ko ang kaniyang pinakainiingat-ingatan. Dahil doon, nabitawan niya ako at napahiyaw sa sakit. Hindi na ako nagtagal doon at agad umalis dahil baka gumanti ito sa akin. Nakailang hakbang na ako nang sumigaw si Guille.

“OMG! What happened?!” She instantly looked at me, giving me questioning look.

Sinabi ko naman agad sa kaniya ang totoong nangyari dahilan para manahimik ang lahat.

Matapos ang ilang segundong katahimikan, nagulat ako sa biglaang paghagalpak ng tawa ni Zhon na nakahawak pa sa tiyan niya.

May nakakatawa ba rito!?

“Eh, bakit naman sinipa mo? Sana pinagbigyan mo na lang sa gusto.” Doon pa ako mas nagulat.

Pinapanood lang kami no’ng tatlo habang si Guille ay sinampal si Zhon. Iniinda pa rin no’ng lalaki ang sakit sa parteng ‘yon.

“Oh, nanahimik ka? Pinagsisihan mo ‘no? Mga babae nga naman, pakipot pa. Nilalapitan na nga, umaayaw pa.”

Sinuntok agad siya ni Jique na inawat agad no’ng dalawa.

“Dalhin niyo kay dean itong lalaki,” utos ni Guille.

Naiwan kaming apat dito. Ako, Guille, Xerd, at ang walang kwentang si Zhon.

“Mag-sorry ka.”

“Guille, nagpapatawa ka ba?”

Lalong sumeryoso ang aura ni Guille. “Sa tingin mo, nagpapatawa ako? May nakakatawa ba rito, Cliff?”

“Una na ako. Hindi ako tatanggap ng sorry sa walang kwentang taong ‘tulad niya,” malamig kong sabad. Nakipag-fist bump ako sa kanila maliban kay Zhon bago ako umalis.

Long Distance RelationShit - UNDER REVISIONWhere stories live. Discover now