Chapter 4

60 9 0
                                    

Sinabihan kami ni instructor Jen na maaga dapat kami bukas kaya heto ako ngayon nasa backstage, hinihintay ang HMUA ko. Habang si Zhon naman ay nakabihis na at mukhang konting retouch na lang mamaya. Perks of being a man.

“Sorry, medyo late.” Si Guille ‘yon.

Yes. Siya ang HMUA ko. Wala yata ‘tong hindi kayang gawin. Siya na ang nag-volunteer as my HMUA para less gastos at dahil mas may tiwala raw siya sa taste niya kaysa sa ibang HMUA. Kinuha naman niyang assistant ang secretary ng class namin.

“Magpalit ka na ng damit para hindi magulo ang buhok mo later,” utos niya.

Sinuot ko na ang pang production number na damit. Sinamahan naman ako ng assistant ko. Isang fitted na white cropped top v-neck shirt at isang white maong shorts. Agad akong lumabas nang matapos.

Sinimulan agad nilang ayusan ang buhok ko. Kinulot ni Guille ang buhok ko at ginawang ponytail. Sobrang sakit sa anit pero okay lang. Ganito pala ang tiis ganda na sinasabi nila. Pagkatapos sa buhok ay sinumulan naman sa mukha. Nilagyan ako ng contact lenses na brown.

“Pikit,” aniya.

Sinunod ko naman siya. Nilalagyan niya na ng kung ano-ano ang mukha ko. After almost one hour, natapos din.

“OMG! Ikaw ba talaga ‘yan? Gosh, I should congratulate myself for making you this too pretty as ever! Ah, and thank you for your simple face.”

I just pouted. Tiningnan ko nga ang sarili ko sa salamin at kahit ako ay nagulat. Hindi ko aakalain na mapapaganda niya ako nang ganito.

“I’m sure mai-inlove sa iyo si Zhon. Yiee!” secretary namin iyon, si Klea.

Ngumiwi na lang ako. Tiningnan kong muli ang itsura ko sa salamin at bagay na bagay sa akin ang fierce look na ginawa niya. Sumakto iyon sa naka-ponytail kong buhok. Parang ang taray ko pero sakto lang.

Nilingon ko ang mga babaeng candidates na kasama ko rito sa backstage. I smiled as I realized how gorgeous they are.

Narinig kong nagsisimula na ang event kaya sinuot ko na ang kumikinang na white heels ko. In a few minutes ay paniguradong tatawagin na kami para sa introduction dahil pinapakilala na ang mga judges.

Tinawag na rin si dean at nagsimula nang magsalita sa stage.

“Good morning, everyone. I am very happy that all students and teachers are here to join us to celebrate the 30th anniversary of our university. I don’t want it to take any longer. Candidates, don’t be nervous and goodluck! We are here to enjoy and have fun. So, let us now celebrate the 30th anniversary and start this event. Let us start on searching for our Senior High School Prince and Princess 2021!”

We clapped our hands.

Kaya mo ‘yan, Shayn. You can do it! Fighting!

Don’t be nervous. We know you can do it. Don’t worry about the audience and even the judges. Just do what we taught you and just enjoy the event. Goodluck! We’re just there, watching you.” Napangiti ako sa sinabing iyon ni Guille.

Tama siya. I should enjoy this event and not think about the audience.

“Tama si Guille, Shayn. Do not think about them. Isipin mong kami lang ang nanonood. Isipin mong hindi ito competition. You don’t have to be competitive like others. Just be there and enjoy.”

Tama sila. I should enjoy and just have fun. It would be my first time joining this so I must make this memorable for me yet I still have to do my best without any pressure.

“Thank you.” I smiled.

“Candidates, position!” Nakuha ni instructor Jen ang aming atensyon.

“Goodluck!” pahabol na sabi nilang dalawa sa akin.

Long Distance RelationShit - UNDER REVISIONWhere stories live. Discover now