Chapter 3

76 11 0
                                    

Sabado na ngayon at magpapaturo na ako kay daddy sa pagdrive ng kotse. Sabi nila, mahirap daw pero kapag pinapanood ko siya magmaneho ay parang madali lang.

Pagod na pagod ako sa practice namin sa loob ng tatlong araw na ‘yon last week. Nagkapaltos pa ako at dinadalangin ko na sana ay gumaling na. Hindi ko maiwasan na hindi mainggit sa candidate na sanay na sa ganito. Napapahanga niya ako pero nakaka-sana all. Tatlo sa mga candidates ang may six to seven inches na pageant heels. As in, pang-pageant talaga. Gano’n mismo ang nakikita kong gamit ng mga sumasali sa pageant competitions. Habang pinapanood ko sila rumampa sa stage, hindi ko maiwasan na kabahan para sa kanila. May isang candidate pa nga na natapilok. Mabuti na lang at nasalo agad ng partner.

During our practice, I saw his soft side. Inaalalayan ako ni Zhon habang rumarampa. May pagka-gentleman naman pala.

Around 9 na ako nagdesisyong bumaba para kumain ng umagahan. Naabutan ko sina mommy at daddy na nag-uusap ngunit agad silang natigilan nang makita ako.

Natataranta akong inabutan ng pagkain ni mommy habang si daddy ay umalis saglit para ipaghila ako ng upuan.

“Is there something wrong?”

“N-nothing. How was your feet?”

“You should eat na, baby. Tuturuan pa kita at may meeting pa ako mamayang ala una,” sabi naman ni daddy.

Agad kong inalis ang pagtataka at nagsimula na lamang kumain.

“Hintayin na lang kita sa labas,” wika ni daddy nang magpaalam ako para maligo.

Isang simpleng white T-shirt na may tatak na Simple Plan at sa ibaba nito ay ang picture ng banda. Tinernohan ko ‘yon ng denim shorts at black and white rubber shoes.

Mabilis na natapos ang pagtuturo sa akin ni daddy. Mabilis naman akong natuto. Sa susunod ay kukuha na lang ako ng lisensya.

Matapos namin kumain ay nagpaalam muna ako sa kanila na magpapahinga. Si daddy naman ay nagpaalam para sa meeting nya. Wala pa akong pahinga simula kahapon dahil buong araw kaming nagpractice. Last day na raw at dapat maperfect na. Isang introduction ‘yon at ang formation.

Agad akong dinalaw ng antok nang maramdaman ko ang lambot ng aking kama. Nagising na lang ako dahil sa tawag mula sa cellphone ko. Kinuha ko ‘yon agad at sinagot.

“Shayn?”

Nagulat ako dahil kilala niya ako. Parang nawala ang antok ko dahil doon.

“Who is this?”

“Bakit hindi naka-save ang number ko sa ‘yo!?”

Nagulat ako sa biglaang pagsigaw nya.

Tiningnan ko ang pangalan at—“Guille?!”

She groaned. “Yes! You did not notice my lovely voice.” Napairap na lang ako sa kawalan.

“Sorry. I didn’t mean to—okay. I just woke up,” I answered in a lazy voice.

“So, that just means you are not free today and gonna reschedule your shopping day.”

My forehead creased. “Shopping—what?”

She sighed loudly. “Of course! Your attires.”

I sighed in defeat. “Okay. Let us resched it tomorrow.”

“Fine. Tomorrow, then. Sorry for interrupting your oh-so-beautiful-deep-sleep. Bye!

Long Distance RelationShit - UNDER REVISIONWhere stories live. Discover now