Chapter 5

74 7 0
                                    

Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa school. Sa daan pa lang ay marami nang nagco-congrats sa akin dahil daw sa pagkapanalo ko kahapon at deserve ko raw iyon. Ngunit sa paglalakad, may nakita akong ipis. Yes, a cockroach. Peste kase ang nandito. Aga-aga, nagpapakita ang ipis. Wala bang insecticide na ginagamit dito?

“Oh, there’s termite again! Hindi pa ba sapat ang ginagamit na insecticide dito?”

Ah, so may ginagamit naman pala.

“Hindi sapat para sa iyo. Alam mo, pinapatamaan mo lang ang sarili mo,” matamlay kong tugon.

“Ah, talaga? Pinapatamaan? Eh, hindi nga lang ako natamaan, wala ngang galos eh. Besides, I can't feel any pain.” Napairap na lang ako sa hangin.

”Hindi naman kase tatalab sa iyo. Hindi naman kase insecticide ang para sa ‘yo.”

“Eh, ano?” Haha! Sumakay ang baliw.

“M.H. Iyon ang para sa ‘yo. Don’t worry kase hindi ka naman no’n sasaktan, tutulungan ka pa,” may diin na pagkakabigkas ko sabay iniwan siyang nakatanga.

Masaya na ang araw ko. Mabuti nga sa ‘yong ipis ka! Doon ka sa malayo lumandi—ay este lumanding.

Nasa hallway pa lang ako papunta sa classroom ay nakatanggap na naman ako ng mga papuri para sa aking pagkapanalo. Ang iba pa'y nagtatanong kung pwede ko raw ba silang maging kaibigan. Hindi ko naman tinanggihan iyon dahil nakakahiya naman kung aking tatanggihan. May katulad naman ng ipis na nakausap ko kanina na hindi tanggap sa aking pagkapanalo. Kesyo hindi ko raw deserve iyon. At sa dinami-rami ng kanilang dahilan, isa lang ang nakapukaw ng atensiyon ko. Kesyo mas tanggap pa raw nila ang dating Senior High Princess dito. Mas maganda raw iyon kaysa sa akin at napakabait hindi raw tulad ko na mukhang mataray at hindi mahilig makipag-usap. Tsk! Eh, sino ba kase iyon at kahapon pa nila ako kinukumpara roon? At saka pake ko naman. At nasaan ba ang babaeng ‘yon? Wala naman dito e. Ngayon ko lang nalaman na may dati na palang Senior High Princess dito. Ibig sabihin lang noon, palagi na nilang ginagawa ang theme ng pageant na iyon.

Pagkapasok sa room namin, agad akong sinalubong ni Guille. Nagulat pa ako sa bigla niyang pagsalubong.

“Good morning, Shayn! Kumusta na paa mo?" bungad niya sa akin.

“Medyo okay na.”

Agad akong umupo dahil medyo masakit pa rin talaga ang paa ko. Nagkapaltos ako at hindi pa gumagaling. Hindi nga sana ako papasok ngayon dahil sa pag-aalala ni mommy pero sinabi ko na lang na umaayos na.

Mabilis na natapos ang oras at dumating na ang lunch break namin. Ngayon ay tinatahak na namin ang daan papuntang cafeteria. Nagrecess naman ako kanina pero kaunti lang ang kinain ko dahil wala ako sa mood kaninang kumain. Iniisip ko kase ang sinabi ni mommy. Talagang pinupush niya pa rin ako magboyfriend. At ang kinaiinis ko ngayon ay bakit si Zhon ang gusto niya para sa akin?

“Hoy, Shayn! Kanina pa kita tinatanong, tulala ka naman diyan. Ano bang iniisip mo?”

Halaa! Tulala na pala ako! Nakuu! Yari na ako nito! Baka kung ano na ang isipin nito!

“H-Huh? H-Hindi ah!” depensa ko.

“Oh, sige nga. Ano bang sinabi ko?”

“Ah...a-ano! ‘Y-Yong...ano!––”

“Oh, ‘diba hindi ka naman nakikinig. Ang sabi ko congrats dahil sikat ka na.”

“Huh? A-anong sikat?”

“Ah, okay. May soc med ka ba?”

Nagsalubong ang aking mga kilay. “FB, yeah. Bakit?”

Napasapo siya sa noo. “Hindi ka active? Insta, wala?”

Long Distance RelationShit - UNDER REVISIONOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz