Prologue

7.9K 111 10
                                    

"Hoy ampon!." narinig na naman niya ang boses na ayaw niyang marinig.

Kahit ayaw niyang lumingon ay napilitan siya dahil alam niya ang kayang gawin ni Stanley kapag hindi siya sumunod. Sa sobra atang pagkasuklam nito sa kanya ay kaya siya nitong itulak sa hagdan kung saan siya ngayon nakatayo.

"Bakit?." tanong niya rito. Nakasandal ito sa hamba ng pintuan ng kwarto nito.

Sana lang ay wala itong binabalak na masama sa kanya dahil wala ang mga magulang nila, pati na rin ang kuya Gideon at Kuya Denver nila. Wala siyang kakampi sa bahay.

Buti sana kung nasa campus siya kahit paano ay may tagapagtanggol siya rito, ang best friend niyang si Layla pati na rin ang kuya Andrew niya, isa sa mga barkada ni Stanley.

Sinenyasan siya nitong lumapit. Napilitan naman siyang lapitan ito.

Nangasim ang mukha niya ng makitang may hawak itong sigarilyo.

"Hindi ka pwedeng manigarilyo sa loob ng bahay." hindi niya alam kung saan nangaling ang lakas ng loob niyang sabihin iyon.

Nagsalubong agad ang kilay nito.
"Ano bang pakialam mo huh!." napayuko na lang siya ng pagalitan siya nito.

"S-sorry."

"Akin na palad mo." utos nito.

Nilahad naman niya ang palad niya rito.

"Wala kase akong ashtray dito kaya sayo na lang." muntik na siyang masigaw ng ipagpag nito ang abo ng sigarilyo sa palad niya.

Mabilis niyang tinago ang palad rito at umatras. Nanunuot pa sa palad nuya ang init ng abo ng sigarilyo. Natatakot siya sa maari pa nitong gawin. Sanay na siya na laging pinapahirapan ni Stanley pero ibang usapan na kung papasuin siya nito.

"Ang arte mo naman. Akin na ang palad mo." utos nito.

Pero inilingan niya lang ito.
"Please, ayoko Kuya." lalo naman atang nagbaga ang galit nito sa kanya.

"Don't call me that! Fvck come here hindi pa akong tapos manigarilyo." pero nagmatigas siya. Tumalikod na siya rito para tumakbo papunta sa kwarto niya ngunit pinagbantaan na naman siya nito.

"You can run Giselle, but expect your burned out dresses tomorrow. Including your uniform by the way. " automatic siyang napalingon dito para malaman kung nagbibiro lang ito pero malamig lang itong nakatingin sa kanya.

Alam na alam niyang kaya nitong gawin iyon. Alam niyang kaya niya rin itong isumbong pero lalo lang lumalala ang mga ganti nito sa kanya. Kaya ganon na lamang ang takot niyang suwayin ito.

Unti-unting ngumisi ang mga mapupulang labi nito ng magumpisa siyang lumapit rito. Inilahad niya ang isang palad niya.

"Good girl." uyam pa nito bago nagpagpag ng upos ng sigarilyo.

Kagat labi niyang tiniis ang sakit na dala ng mga maiinit na abong nalalaglag mula sa sigarilyo nito pati na rin ang mabahong usok nito. Pang ilan na ba ito sa pagpapahirap ni Stanley sa kanya, hindi na niya mabilang. Mula palang nong bata sila ay pinapahirapan na siya nito, ito na ang personal torturer niya. Kahit kailan ata ay hindi ito magsasawang makita siyang umiiyak at magmakaawa dito.

"Nagkakalaman ka na rin, Giselle." puno ng malisyosong tingin ang pinukol nito sa kanya lalo na sa gawing dibdib at bewang niya.

"Pati rin dito." napasinghap siya ng pisilin nito ang pang-upo niya.

"Ano ba!." pinilit niyang labanan ang panginginig ng boses niya. Pilit niyang pinapatatagan ang sarili dahil ayaw niyang umiyak sa harap nito.

Tumawa lang ito.
"Ang arte! Sabagay baka virgin ka pa, wala naman kaseng pwedeng magkagusto sayo. " pang-aasar nito.

"Meron. Maraming gustong manligaw sa akin!." pagsisinungaling niya. May mga gustong manliligaw naman sa kanya sa campus pero hindi naman madami.

Nagdilim naman ang paningin nito.
"Sino sila at isa-isa kong lulumpuhin!." angil nito sa mukha niya. Hindi niya mapigilang mapaigik sa higpit ng pagkakahawak nito sa balikat niya. Ano mang oras ay ramdam niyang lulubog na ang kuko nito sa balat niya.

"M-masakit,.. Stanley." pabalang naman siya nitong binitawan.

Galit pa rin ang ekspresyon ng mukha nito. Kung bakit ito galit ay hindi niya alam ang dahilan.

"Subukan mo lang sagutin ang isa sa mga iyon, dalawa kayong dadalhin ko sa impyerno!."

"Hindi mo ako pwedeng diktahan sa bagay na iyon!." ganti naman niya rito ngunit mabilis niyang pinagsisihan ang ginawa ng hawakan at diinan nito ang palad niyang may mga paso.

Ngumisi ito.
"Matapang ka na. Huwag ka lang papahuli sa akin Giselle." tuluyan na siyang napaiyak sa sakit ng ginagawa nito.

Talo na naman siya rito. Bakit ba ang hina-hina niya? Kelan kaya siya mananalo rito? Kelan niya ba maipagtatanggol ang sarili niya rito?

Nang pakawalan nito ang kamay niya ay mabilis siyang tumakbo sa kwarto niya. Doon niya iniyak ang lahat ng sakit at galit niya kay Stanley.

. . .

ABS 4: My Stepbrother, Stanley ThroneWhere stories live. Discover now