Kariton, Tutong At PANSIT

1 1 0
                                    

"Kariton, Tutong at Pansit"

Warning: sensitive topic. Death and covid are mentioned in this story.
*******
Katahimikan.

Nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa bayan ng San Isidro. Ang dating buhay na buhay na bayan, ay ngayon sa pagtapat ng orasan sa alas sais, ay nawalan na ng bakas ng tao. Wala na ang bakas ng ingay at anumang nilalang. Kahit ang kalikasan ay tila nanahimik.

Patay lahat ng ilaw pagdating ng alas nuebe. Hindi naman sa tulog na lahat mamamayan, pero iba pa rin ang nakakapanindig-balahibo na sitwasyon ng bayan ng San Isidro kaya ganito na lamang ang sitwasyon nila.

Sa Ika-1 ng Marso, 2020 naianunsyo ang Enhanced Community Quarantined sa kanilang lalawigan, ngunit sa ikasapit ng Marso 14,2020 may apat na kaso ng virus ang nagpositibo sa tabing bayan lamang ng San Isidro. Kaya naman nag-lockdown na ang buong distrikto at lalawigan na kinabibilangan nito.

Nagbago ang takbo ng lahat, nawalan ng trabaho ang karamihan dahil sa pagsarado at pagtigil ng operasyon ng mga negosyo at establishment. Lahat ng klase ay ikenansela, at nagkaroon ng 24/7 curfew ang mga di nabibilang sa "frontliners" sa loob ng isang buwan.

Si Tatang Rikardo at ang kanyang walong-gulang na anak ay sa pang araw-araw na kabuhayan lamang ay naghihirap na maghanap ng pagkain at tubig. Ang munting kariton na ginagamit ni Tatang ay para sa pagbebenta ng gulay at prutas sa umaga at sa gabi ay kanilang munting tulugan.

Bilang isang indigent na mamamayan, sa tabi na lamang ng palengke sila natutulog at nakataklob ng tarpaulin na minsan ay nakita ni tatang sa tabi ng basurahan. Mahirap pa sa mahirap ang kalagayan ng mag-ama, na sa normal na araw palamang ay mahina na ang resistansiya ni Ciela, ang kanyang anak, paano pa kaya ngayong may virus na panigurado madaling mahawa sa mga mababa ang resistansiya.

Mahirap maging mahirap.

Quarantined nga ang komunidad, ngunit ang mag-ama ay walang bahay na mauuwian kada araw kung hindi ang munting kariton na nasa gilid ng kalsada lamang. Napaiyak si Tatang Rikardo ng mapatingin kay Ciela, paano na silang dalawa? Paano na kung sila'y mahawa habang nasa lansangan lang ang mag-ama? May milagro kayang dadating kung kailangan ng pampagamot para sa kanila?

Isandaan at Walumpu't limang piso. Yun na lamang ang laman ng pitaka ni Tatang. Sa apat na araw, singkwenta lamang ang nakuha niya mula sa benta ng mga gulay at prutas. Napabuntong hininga siya, napag-isip ng malalim. Saan siya kukuha ng pera?

"Anak, sige na kumain ka na. Alam kong nagugutom ka", pinaghandaan ni Tatang si Ciela ng pansit na halagang sampung piso at tutong na ibinigay ng libre ng karinderya. Ito na siguro ang pagkain nila sa buong araw. Ang pansit na minsan ay kulang pa para sa isang tao ay paghahatian pa nila.

"Itay, magandang hapon po. Ako po si Krishna, miyembro ng Tulong Nangangailangan ng Paaralan ng San Isidro. Ito po na po ang rasyon niyo", isang babaeng nasa edad 17 ang lumapit sa kariton nila. May dala itong malaking plastik na may mga delata, bigas, milo, kape at iba pang pagkain.

Rasyon? Para sa kanila? Hulog ba ito ng langit? Hindi nalaman ni Tatang na may ganito palang ipinamimigay sa kanilang bayan. Napaluha ng tuluyan ang 47 na gulang na ama sa saya.

"May awa nga ang Diyos", naibulong ni Tatang. Noong rumagsa ang balita ng CoVid 19, nagtaka pa siya at napatanong. Wala siyang malalaman kung hindi nagusisa ang bantay sa karinderyang pinagbibilhan niya.

Bakit naka mask ang lahat ng tao? Bakit tila karamihan sakanila ay maraming ipinamimili? Bakit laging may naghahanap ng alcohol at vitamins sa botika? Anong nangyayari?

"Wala po ba kayong natutulugan?", malungkot at nagaalalang tanong ng tanod ng barangay na kasama ng mga nagbibigay ng rasyon. Nagpaalam naman ito na kukuha ng kanilang temperatura. Itinapat ang thermal scanner sa mag-ama at sa gulat ng tanod, dumepensa bigla si Tatang at itinago ang anak sa kanyang likuran. Papatayin ba nila kami? Takot na tanong ng mag-ama sa sarili.

Through These Creative Nights | DrabblesWhere stories live. Discover now