Ngiti

1 1 0
                                    

"Alam mo ang ganda mo kapag nakangiti", sabi ni Lewis saakin habang nakatitig. Nakasandal mukha niya sa palad niya at nakaharap saakin.

Umakyat ata lahat ng dugo ko sa mukha ko at di ko napigilang mamula. Putspa nakakahiya. Pero syempre tago tago kilig lang. Pabebe ganun, di ako sumagot. Talagang pinigil ko ngumiti tas tumititig lang sa kanya.

"Ay, ang cold? Bakit walang reaction? Tsk. Hinihintay pa naman kita ngumiti ng kay laki", ika niya. Uwaaaah manahimik ka nga diyan baka halikan kita eh.

"Ayoko mag react. Baka may pahabol na charot eh", syempre kailangan sigurado tayo. Mahirap na ngayon eh. Puro banat pero may halong charot.

"Tss. Bakit ka naman maghihintay ng charot eh totoo naman sinabi ko?", sabi niya sabay irap. Aba daig pa babae. Arte nito. Hirap kaya noh, baka sabihin assuming tayo.

Pero dahil marupok ako kay crush, di ko napigilang kiligin nung lumihi siya ng tingin. Shocks ang gwapo talaga ng lalaking to. Pati side view makalaglag panty.

"Huy! Baka matunaw yan", epsi ng kaibigan ko sa gilid ko.

"Nasa seven eleven tayo para kumain ha di maglandian. Itong dalawang to kasura.", bitter nito, palibhasa may jowa na crush niya kama kailan lamang.

"Manahimik ka nga"

"Hayaan mo siya, pwedeng pwede ako titigan niyan buong magdamag.",ani ni crush sabay kindat. Di ko alam gagawin mukha na yata akong kamatis sa pula sa harap niya. Napatawa naman siya ng makitang namula ako at kinilig habang tumatayo para kunin yung drinks.

Punyeta krassssssss. Wag kang ganyan marupok ako.

"Alam mo" nguya "di ko maintindihan" nguya "kung bakit di pa rin kayo" nguya "samantalang landian kayo ng landian" nguya "galaw gal-"

Binatukan ng isa pa naming kasama ang gaga kong kaibigan. Ayan, napala mo haha.

"Aray!"

"Kung nakakasura landian ng dalawa, ikaw nakakasura ka rin. Tapusin mo nga muna yang pagkain sa bibig mo. Hindi yung nagsasalita ka puno bibig mo. Kababaing tao eh", at syempre. Simula na naman po yan ng sagutan nila. Nako, parang aso pusa tong dalawang to eh. Ket kailan di nauubusan ng pagaawayan.

Tapos na kaming kumain magkakaibigan at nasa labas na kami ni Lewis habang bumibili ng ice cream yung dalawa. Ganito lang talaga kami madalas, dinner namin after class sa convenience stores lang. Mahirap maging college student kailangan talaga tipid.

"Hoy, remember what i said about your smile a while ago? I really meant that. You should smile more. Di yung nakabusangot ka lagi. It doesn't suit your beautiful face", sabi niya saken habang nakasandal sa gilid. Namula nanaman ako ulit nang guluhin niya buhok ko with affection.

Shet, ano bang ginagawa mo saken Lewis? Nagti triple backflip ata puso ko sa saya.

"Sus, nambo bola pa", irap ko sa kanya sabay bawi tingin. Nakakahiya kainis. Pulang pula na ko nang makita ko sarili ko sa reflection ng pinto.

"I really meant it though haha. Iiwas ka pa tingin halata namang kinikilig", binigla ako nito ng hinablot niya ko para isuot sakin yung jacket niya sabay hug sakin ng mahigpit.

Aaaaaah.

I swear ang bango niya! Di ko alam ano sinapian dito pero i like this. HAHAHAHAHAHHAA ANG HAROT. Wala na rin ako nagawa kundi yakapin siya pabalik. Jusko, we're basically cuddling here outside.

He let me nuzzle in his broad and warm chest while he caress my head gently. We stayed like that for what felt like hours when in fact its just minutes.

"Soon, you'll be mine. When we'll graduate, I'll make you mine", he whispered to himself but narinig ko pa rin due to our closeness. Napatingala naman ako sa kanya sa gulat at kilig.

"Hmm? Bakit baby, may angal ka ba?", he chuckled while raising his goddamn eyebrows that just makes him a hundred times hotter.

Di rin ako nakasagot since the events that happened a few minutes ago still hadn't processed in my mind. Its too fast and its really making me crazy.

"It's quite embarrassing that you heard that. But i meant it, my future girlfriend", then without any warning, he kissed my forehead lovingly.

-WORK OF FICTION-

Through These Creative Nights | DrabblesWhere stories live. Discover now