KABANATA 2

660 153 19
                                    


 Kabanata 2: The Mad lover

"Nasa'n ka na?"

Nilingon ko muna ang cellphone ko na kanina ay binaba ko sa shot gun bago ibalik ang tingin sa kalsada. Hindi ko na pinatagal ang pananatili ko sa Manila, dahil habang nandoon ako... napakalaki ng posibilidad na mag krus nanaman ang landas namin ni Ierl.

I glace at the streetlight before answering, "Aurora,"

"Hmmm... good." I heard Chloe said, "ikaw lang mag-isa jan?"

"Khaning," Mariin na saad ko, "wala pang isang araw na nakakalayo sa'yo, miss mo nanaman ako?"

Napangiti ako nang marinig ko ang pagduwal niya sa kabilang linya, malakas 'yun at animo'y sinasadya niya talagang iparinig sa'kin na nandidiri siya sa sinabi ko. Hindi naman nakakapanibago ang bagay na 'yun, not to mention—mga sira ulo ang mga Burgurls.

I heard a sighed in other line, "Pero Lay... matanong ko lang, alam na ba ni tito na nakauwi ka na?"

That made me paused for a while. "He didn't know it yet."

Since a tragedy happened to my family, it changes a lot. Hindi ko sinisisi ang ama ko sa pagkamatay niya, hindi ako nagagalit sa kaniya dahil nawala si mommy sa'min at alam kong may kasalanan ang ama ko. Sadyang hindi ko pa talaga kaya... hindi ko pa kayang makausap siya.

"Lay..." May pag-aalalang saad ni Chloe.

Mukhang alam niya kung ano ang iniisip ko ngayon. "I am fine, Khaning. I can assure you that thing."

"It still hurt, doesn't it?"

Kinabig ko ang manebela, hindi ko na sinagot ang tanong ni Chloe. Binaling ko na lamang ang buong atensyon ko sa kalsada. Maraming bangin ang madadaanan ko kaya dapat ang buong atensyon ko ay nasa kalsada lamang.

"I'll hang up, baka ma-deads ako pag kinausap pa kita." Pilit akong tumawa bago ko patayin ang tawag.

Napabuntong hininga na lamang ako habang nakatingin sa labas. People often see me from the outside, praise me for my beauty and success. 'yung mga taong na nangangarap maging ako dahil sa tagumpay na tinatamasa ko ngayon ay walang alam ni isang bagay tungkol saakin. However, my squad never praise my beauty for they know who I am and what I been through. People who see the real me, praise me for my ability to handle great losses.

My life is full of shitty thing.

But if I were given a chance to experience it all over again. Honestly, I don't know how to answer that because I have no idea how I overcome it all.

Nang ihinto ko ang sasakyan ko sa tapat ng isang malaking bahay ay hindi ko napigilan ang pagtitig dito. Parang may mga palaso na bumaon sa balat ko habang nakatingin sa bahay na 'yun.

"Mommy..." I sobbed, "...I'm b-back..."

This house is a gift from my mother the day I turn 18. Nangingig man ang tuhod ko ay humakbang ako palabas. Sinalubong ako ng isang pool na puno na ng lumot. Gaano na nga ba katagal simula noong huling beses? Hindi ko na maalala, pero parang napakatagal na simula noong huli kong nabisita ang lugar na ito.

'Wag kang mag-tatampo sa'kin, mommy. Muli kong nilingon ang paligid, ang mga halaman na noo'y namumulaklak sa ganda ay wala na. Silang lahat ay nalanta, gusto kong tanungin kung dahil ba 'yun sa kalungkutan na bumalot sa bahay na ito simula noong araw na lisanin niya na ang mundo? Pero halaman sila... at hindi ako. Ngunit mayroon kaming pagkakatulad, namatay sila dahil nawala na ang nag-aalaga sa kanila noong namatay si mommy habang kasabay nilang pinatay ang batang babae na nanangis sa gilid nya habang binabawian siya ng buhay.

Buosni : Lie Of His Name (BS1)Where stories live. Discover now