kabanata 26

287 53 4
                                    

 

Kabanata26: Pyrion's Killer

Sa buhay natin, may mga pagkakataon na pipiliin nating tumakbo, papalayo... papalayo sa lahat ng bagay na may potensiyal na saktan tayo. Isa sa maraming rason kung bakit natin ito ginagawa ay dahil takot na tayo muling masaktan. Ayaw na nating mag mukhang kaawa sa harapan ng iba.

Walang masama sa paglayo, kung alam mo naman na ito ay para sa ikabubuti mo.

"Kailan ka uuwi?"

Nakatayo ako ngayon sa veranda. Napapalibutan ako ng napakaraming mga puno. Damang-dama ko ang lamig ng paghaplos ng hangin sa balat ko. Napangiti ako nang marinig ko ang tinig mula sa kabilang linya. Hindi naman sa nanibago ako dahil lagi ko naman silang nakakausap sa telepono at nakikita kapag naisipan nilang bisitahin ako dito.

I pressed my lips before answering. "When I am fully healed."

Sunod-sunod na mura ang narinig ko mula sa kabilang linya. Tinawanan ko na lamang ang kaibigan ko. Even Alfredo looks for me every time. Hinanapan ko siya ng mga models na maimamanage niya habang nandito ako sa Thailand, pero hindi niya pwedeng malaman ang contacts ko. That's an agreement I made with my squad.

Mas mapapadali ang pagtatago ko pag ganon. Kilala ni Howard si Alfredo. Alam ko na pwede niyang pag tanungan ito.

"hmmm... how is he?" Mahinang tanong ko.

"Noong unang taon mo na umalis, halos araw-araw niyang iniikot ang mga bahay ng Burgurl. He is asking about you too." The seriousness of the voice of Esha gives me chill. "Muntik na nga kaming maawa sa kaniya, not until we learn that three of their mansions burned. Sobrang dami niyang death threat, Lay."

"Okay lang ba siya—"

"Lay, tandan mo, you left because of Kresnitte safety." Esha mumbled. "Tsaka, eto pa pala... nakarecieve si KC ng invitation sa kasal nila ni Chin. That will happen more than a month after this day."

Natigilan ako sa sinabi niya. Tatlong taon na... tatlong taon na rin simula nang umalis ako sa Pilipinas. Kagaya ng plinano namin noon, hindi ako na trace ni Howard. That's possible to the help of RO.

"Lay..." Esha mumbled because of silent. "...Bibisitahin namin ang kambal ni Khaning... Maybe three years is already enough, don't you think so?"

Tumingin ako sa likuran ko nang marinig ko ang yabag ng isang bata. Hindi ko maiwasang mapangiti habang nakatingin sa kaniya. She looks like his father. Sinenyasan ko si Kresnitte na maglakad patungo sa'kin. My smile widens as she follows me.

"Mommy!" She adorably said.

"Felicity Kresnitte!" Napailing ako nang marinig ko ang excitement ni Esha. "Ninang meme is here—"

Agad kong inangat ang anak ko. She grow so fast. Hindi ko alam kung paano ko nakayanan ang lahat ng pangyayare na naganap noon. Pero pag nakatingin ako kay Kresnitte, parang nawawala lahat ng sakit.

"Kailan mo iuuwi 'yan dito?" Esha asked after talking to my daugther.

Pilit akong napangiti. "Baka kunin siya sa'kin..."

"Lay, that's been three years ago. Mas ligtas na ngayon." Esha reminded me.

——o——

Hindi ko magawang kumalma habang nakatingin sa mga bagahe ko. Tama ba 'tong desisyon ko? Kaya ko bang iwan si Howard nang mag-isa dito? Maybe he will be needing me. Baka pwede pa naming mapag-usapan lahat. Baka pwede pa naming maayos 'yung mga bagay.

My thoughts were cut by the knock on the door. Dahan-dahan akong tumayo. Ayokong may mangyare nanamang masama sa'kin at sa batang nasa sinapupunan ko. Ayoko na mawala siya.

Buosni : Lie Of His Name (BS1)Where stories live. Discover now