kabanata 11

329 91 2
                                    

Kabanata 11: First Date

"Finally, a warp!"

Hindi ko maiwasang mapangiti sa buong team nang matapos na namin ang two-day long photoshoot na 'to. Nakita ko ang stylist na nag he-head bang sa taas ng mini stage na pinag picturan ko kanina. Ang make-up artist naman ay kumakanta sa gilid niya habang hawak ang isang brush.

I chuckled, "Direct, kanta ka daw!"

Nakita ko ang pag-iling ng photographer na 'to. "Tigilan niya ako!"

Alfredo dances at the center. Mukha itong party animal na ngayon na lang ulit nakapag-party. Napailing nalang habang pinagmamasdan ang buong team. Markus Salvador is a local photographer, he is Filipino. Unlike Roger Lim with a reputation, Salvador is lighter to work with. Sana lamang mag patuloy ang career niya at umabot sa ibang bansa. He has a lot of things to offer.

"Shiela, hindi ka sasama sa team celebration mamaya?" Markus asked me as he saw me pick my bag.

Marahan akong umiling. "Proxy ko muna si Alfredo, next time sasama na 'ko sa inyo."

"Why naman ganon mare?" The make-up artist asked me.

Napunta sa'kin ang atensyon ng buong team ni Salvador. Kung ganito lang siguro lahat ng photographer ay walang dapat ikatakot ang mga baguhang modelo.

"I need to attend KC's cosmetic launching." Nakangiting saad ko sa kanila. "My friends are expecting me there, pasensiya na."

"Sa susunod sumama ka ha," Markus said before I leave.

"Next time! Direct!" I wave my hand to the whole team. "Isang karangalan na makatrabaho kayong lahat, salamat. Kayo na munang bahala kay Alfredo ah, hanapan niyo ng magiging jowa."

Narinig ko ang tawanan ng buong team bago ako tuluyang umalis. I have a two-day long shoot with them, but they are so light to be with. Mahirap ang mga shoot namin, may mga shoot na kailangan nakasabit ako sa lubid, nasa loob ako ng maliit na aquarium at marami pang iba. Pero sa kabila n'yun, parang mas napagod pa ako sa ilang oras na shoot kasama si Roger Lim.

They are fun to be with. Mukhang mayroon na akong personal favorite.

"Pwede akong mag party, Shiela?"

Bahagya kong nilingon ang likuran ko habang naglalakad. "Bakit naman hindi?"

Patungo ako ngayon sa pinag-parking-an ng sasakyan ko. Ang bakla naman na nasa likuran ko ay sunod ng sunod sa'kin na nakangiting parang bata.

"Hala! Baka kailangan mo 'ko doon sa launching—"

"Burgurls are there, Alfredo." Tumigil ako sa paglalakad nang nasa pintuan na ako ng sasakyan ko. "I'll be fine. Tsaka deserve mo ng reward pagkatapos ng mahabang Linggo na puno ng trabaho."

Natigilan si Alfredo sa tinuran ko. Imbis na sagutin siya ay pinaandar ko nalang ang sasakyan.

KC's cosmetic is launching Burgurls Series Lipstick Collection. Si KC mismo ang nag timpla ng mga lipstick, siya rin ang namili ng bawat kulay n'yun... sabi pa nga niya ang bawat kulay ay tugma sa ugali namin. Kahit na pagod ako galing sa shoot ay hindi ko mapapalagpas ang pagkakataon na makita ang collection na 'yun.

Alam kong pinaghirapan ni KC ng sobra ang pag lalaunch nito. I am proud of her. With a smile in my lips, I drove the car to venue.

Isa si KC sa may pinakamalaking pangalan sa industriyang 'to, natitiyak ko na dudumugin ng tao ang venue. Saglit kong inayos ang sarili ko sa harapan ng salamin bago ako lumabas ng sasakyan.

"Lay!" I heard Chloe's voice.

I look at her direction. Nakita ko ang maputing babae na lumalapit sa'kin, may hawak-hawak itong camera. Well, that camera is the indication of Chloe's identity.

Buosni : Lie Of His Name (BS1)Where stories live. Discover now