kabanata 14

304 75 8
                                    

 Kabanata 14: You promise her

Dumaan ako sa isang fast food chain upang bumili ng pagkain. I don't want to go to their empty handed. Isa 'yun sa mga bagay na lagi kong ginagawa kahit sa saan ako mapunta. I always bring something. Hindi ko na inabala ang sarili ko na i-text ang may-ari ng bahay na pupuntahan ko ngayon.

"Hi, good morning!" I greet their maid. Ngumiti naman agad ito sa'kin nang makilala niya ako.

The house is pretty huge in the morning. Malinaw ang kalangitan kaya mas maayos kong napagmamasdan ang kagandahan ng bahay. The modern design of this house screams luxury. Kahit sa bahay lamang ibase ay alam na mataas ang kinatatayuan sa lipunan ng mga taong nakatira dito.

"Bakit kayo nandito Ma'am?"

"Nandiyan ba si Pyrion?" Tanong ko dito. Nanatili akong nasa labas dahil nakasara pa rin ang gate na papasukan ng sasakyan ko.

Mabilis 'tong umiling. "Ilang araw na pong wala si sir... si Preya lamang po ang nasa loob ng bahay."

Marahan akong tumango sa kaniya. I am not aware on his duty. Kahit ang trabaho at responsibilidad ng deputy chief ay hindi ko lubusang alam. Ang alam ko lamang ay alagad siya ng batas. After that, I know slim to none.

"Pwede ba akong pumasok?" I suddenly asked. "Dadalhan ko lang ng pagkain si Preya."

"Opo Ma'am." Natataranta nitong binuksan ang gate na nasa harapan ko at pinapasok ako sa loob. Tumango lamang ako sa kaniya bago magmanehong muli.

Isang napakalaking garden ang bumungad sa'kin. I didn't appreciate this beauty the last I been here, maybe because the darkness of night hides it. Pero ngayon malaya kong nakikita kung gaano kaganda ang paligid. Ang mga berdeng damo na animo'y hindi napapabayaang diligan. Ang mga bulaklak na sumasayaw sa himig ng hangin. Hindi din nakalagpas sa paningin ko ang isang wishing well na pinapalibutan ng mga estatuwang dewende.

The parking lot is located at the back of the mansion. Kaya kailangan ko pang iikot ang sasakyan ko upang marating 'yun.

Sinalubong ako nang nakakabinging katahimikan nang makalabas ako ng sasakyan. Mukhang napakalungkot ng bahay na 'to. I pull myself together as I step near the back door. I am silently wishing that I would not get lost on my way to Preya. Hinawakan ko nang mahigpit ang paper bag na bitbit ko, may laman 'yung pagkain na inorder ko kanina.

"Preya!" I called as I reach the salas. "Preya, I am at the salas!"

Nilingon ko ang paligid ng bahay. Noong huling bumisita ako dito ay napakalat at napakagulo, ngayon animo'y walang bakas ng alikabok sa paligid.

"Ate Elay!"

Mabilis akong lumingon sa likuran ko nang marinig ko ang tinig niya. I saw a young girl running towards my direction. Puno ng pagkasabik ang mata nito. She jumps to hug me.

"Hey—"

"I thought you won't gonna visit me na," Mahinang saad nito. Halata ng slang sa paraan ng pagbigkas niya. You will know that she isn't raised in the country, judging by her accent.

I chuckled, "Medyo busy lang ako lately. Pero hindi naman pwedeng hindi kita bisitahin dito."

Bahagya nitong kinalas ang pagkakayakap niya sa'kin. Inabot ko sa kaniya ang dala-dala kong paper bag.

"For you," I said. "nag breakfast ka na ba?"

"Not yet." Nakangusong saad nito. "Alam mo Ate Elay, sabay nalang tayong mag breakfast! Kasi ako na lang 'yung kumakain mag-isa palagi."

Kumunot ang noo ko. Nang maglakad si Preya patungo sa isang center table dito sa salas ay sinundan ko na lamang siya. Umupo ako sa may tapat niya, habang nilalabas niya sa paperbag ang mga dala kong pagkain.

Buosni : Lie Of His Name (BS1)Where stories live. Discover now