kabanata 28

302 53 2
                                    

 

Kabanata 28: The Deputy's power

Nang marating namin ang safe house ng mga Tantay, agad kong binaba si Kresnitte sa sasakyan. I am carrying her while we are walking near the house.

"Kresnitte," Rinig kong tawag ng boses ng babae. Malayo ito mula sa kinatatayuan namin pero nakikilala ko pa rin kung sino 'to. "Tulog pa rin?"

"Napagod sa byahe ih." I mumbled at her.

Tumango na lamang siya. Tinapik ni Risimei ang balikat ko. "Your room is on second floor, pahinga ka muna doon. This place is protected and guarded, wala kang dapat ipag-alala dito."

"Aalis ka?"

She nodded, "Baka next month pa ako makauwi..."

I glance at Risimei. Hindi nakakagulat ang bagay na 'yun, Risimei is the Chief Executive Officer of RTN, but she loves to help others by herself. Ngumiti ako habang nakatingin sa kaniya. I never knew a patriotic woman more than Risimei.

"Ingat ka,"

Nagbiro pa si Risimei na magiging maayos lang daw siya. Lagi naman daw niyang nakakaharap si Kamatayan. Napailing na lang ako bago maglakad papasok sa safe house. There are some maids roaming around. Binati ako ng mga ito at binati ko sila pabalik.

"Saan po ang kwarto namin, Manang?" Magalang na tanong ko sa isang kasambahay.

She smiled at me. "Tara dito ija... at nang makapagpahinga ka na..."

The house of the Tantays are full symbols of war, blood and peace. Nakita ko ang mga espada na nakaukit sa pader, hindi mo ito mapapansin agad kung hindi mo titignang maigi. I see people helping each other. An explosion, killings, and mankind. I see that all in the wall.

Hindi ko alam ang ibig sabihin ng mga simbolo na 'to, pero natitiyak ko na may kaugnayan ito sa mga Tantay.

"Maayos na po kami dito," I said. Tinanong ng kasambahay kung may gusto ba kaming kainin o ipakuha sa kaniya. Mukhang sinabihan sila ni Risimei na asikasuhin kami.

Si Kresnitte na lamang ang titimplahan ko ng gatas. I will feed her when she awakes, but I think I need to sleep too. Masyado nang naubos ang lakas ko kanina.

I stare blankly at the ceiling before I fall asleep. So, he already knows that Kresnitte is his. Mukhang bago pa man ako umalis ng Pilipinas ay alam niya na ang bagay na 'yun. He is a Deputy Chief after all. Walang nakakapagtaka sa isang 'yun.

Muli kong binalingan ng tingin ang tulog kong anak. Napaka-amo ng mukha nito. I touches her face, I wanted to give her the life she deserves.

—o—

It's the second day we stayed on this safe house. Ngayong araw din kami aalis upang lumipad patungo sa Cuizzon Island, kung saan naninirahan ang mga Corro. My plan is to visit that island and go back to Thailand.

Kinakabahan ako pag malapit si Howard kay Kresnitte. Mas malaki ang tyansa na malaman ni Chin na nandito ang anak ko. But they already announce their wedding to the world, siguro wala naman nang pakialam si Chin sa'kin.

"Mommy, where to go?" Matatas na tanong ni Kresnitte sa'kin habang nagmamaneho.

I pressed my lips, "To your playmates,"

Kresnitte didn't asked any questions further. Nakita ko na lamang na hiniga niya ang ulo niya sa isang unan. Mukhang gusto niya nang matulog. Totoo nga 'yung sinasabi nila, a mother will sacrifice her life for her children.

I am lucky for having a money to take care of myself after pregnancy. Hindi biro ang stitches ko pagkatapos ipanganak si Kresnitte. Ang mga sugat ay napakatagal gumaling. Tunay nang nakabaon na sa hukay ang isang paa mo pag manganganak ka.

Buosni : Lie Of His Name (BS1)Where stories live. Discover now