{Sergio Von Wolfencreed}
Dalawang araw na ang lumipas pinadala ako ng aking pinsan, Upang maging mensahero patungo sa kapitolyo ng kaharian ng mga tao. Tinatawag namin itong Kaharian ng tao ngunit may nararapat itong pangalan. Kaharian ng Utopia.
Ako ngayon ay kasalukuyang nakasakay sa isang maliit na dragon at lumilipad kami sa himpapawid, Ang dragon na ito ay ang aking munting alaga na nabili ko sa isang palaro na ruleta. 2% lang ang tiyansa na makabunot ng isang itlog ng dragon at ang natitirang pursiyento ay mga higanteng butiki'ng mabibilis ang paa o mga sisiw na sa loob ng dalawang taon magiging sinlaki na ng puno'ng masagana sa pataba.
Masuwerte ako't saakin napunta ang itlog ng Dragon. Dahil sa paliit na paliit na lupain ng kaharian ng Utopia, Sa labas ng kaharian at sa pader na nagproprotekta saamin laban sa mga demonyo, mahihirapan kana maghanap ng mga dragon dahil halos sakop na ng mga demonyo ang halos kalahati ng mundo, Pero ang mga Dragon ay hindi mahihinang nilalang.
Sila ang nangunguna at naghaharing lahi sa mundong ito at malamang sa labas ng utopia, Lumalaban parin ang kanilang lahi laban sa mga mapangaping demonyo. Hindi lang ang kaharian ng Utopia ang lumabanan sa mga ito. Kaya kasama ko ang aking dragon na pinangalanan ko'ng 'Arsath' ang ibig sabihin saaming linguwahe ay 'The Eternal', Hango sakanyang mabangis na paguugali.
Saakin lang maamo si Arsath at wala ng iba kahit na ang aking pinsan na si Alesteir ay hindi nito kasundo, pero ang asawa ni Alesteir na si Alondra ay nagawa nitong paamuhin. Ito ay dahil sa angking abilidad ng mga Foxkin, Sila ang nasabing Banal na tulay ng kalikasan at buhay sa Mortal na kalupaan. Sa oras na matanaw ko ang higanteng pader ng Kaharian ng Utopia, bumaba kami ni Arseth sa isang maliit na Burol at duon kuna inilagay ang tali sa leeg niya at hinatak papasok sa gate ng kaharian kung saan sinalubong kami ng mga alertong sundalo at itinutok saakin ang mga patalim ng kanilang sibat.
Sa oras na gawin nila ito, Naalarma si Arsath at sumubok na kagatin ang mga patalim ng kanilang sibat pero dahil saaking kalmadong pagiisip iniharang ko ang aking braso sa bunganga nito upang pigilan ang paggalaw ng kanyang bunganga.
" Arsath!!" Sigaw ko ng pangalan niya upang pakalmahin at ipakita ang pagiging superyor ko sa argumentong ito. Nanahimik nalang si Arsath at yumuko. Ang mga nangangatog na mga sundalo ay pinadaan kami nang ipakita ko ang isang medalyon na pinagkaloob ng Hari sa lider ng baryo ng mga Beastmen. Ang medal ni Alesteir.
Sa pagpasok namin sa kaharian ang tahimik na ibinibigay na pakiramdam ng labas ng pader ng kaharian ay napuno ng ingay ng mga taong masayang bumibili at nagkwekwentuhan. Sa tirik ng init ng araw. Nagpatuloy ako sa paglalakad at itinalukbong ang aking roba para itago ang aking tenga. Dahil sa mga nakaraang hindi pagkakaunawaan ng mga tao at beastmens, Hindi parin kami tanggap ng mga tao. Kaming mga mapagmataas at mapagmalaking lahi ay yumuko sa mga tao upang makatanggap ng proteksiyon sakanilang naglalakihang mga pader.
Ilang oras din ang itinagal ng aming paglalakad halos hindi kuna mabilang ang mga karuwahe na tulaktulak ng kung ano anong mga naglalakihang mga nilalang na nakatali sa karuwahe at mga taong hawak-hawak ang kanilang sanggol at maliliit na anak, Naalala ko ang aking anak na nasa sinapupunan palang ng aking asawa tulad ng kay Alesteir. Ang aking asawa ay isang hamak na Wolfkin, Kaya umaasa ako na ang lalabas sakanyang sinapupunan ay isang malakas at malusog na sanggol.
Sa aking paglalakad hindi ko inaasahan na makakasalubong ko ang isang Higanteng istatwa na hatakhatak ng higanteng bagon na hinahatak ng naglalakihang mga Lizardmens at Golem na kinokontrol ng mga Wizards sakay sakay ng mga karuwaheng nakapalibot sa bagon na karga-karga ang higanteng istatwa sa isa namapayapa at nagbigong mga bayaning naki-isa sa lupa.
Ang mga Lizardmens ay hindi katulad naming mga Beastmens. Tinuturin silang alipin hindi tulad naming binili at pinaghirapan ang kalayaan sa mga tao gamit ang aming sariling lakas. Dahil ito sa napakatahimik na pamumuhay ng mga Lizardmens. Kilala sila dahil sakanilang taglay na kawalan ng dahilan sa pamumuhay, utos lang ng mga tao ang nagpapatuloy sakanila na mabuhay.
BINABASA MO ANG
Fate's Gate: Doom Saga
Fantasy"FG:DS" Namatay siya sa aktong pagtatanggol sa kanyang mundo laban sa kamay ng mga Demonyo bilang bayani, Ito ay dahil siya ang pinili ng Diyosa ng Lawa ngunit sa oras na tumapak siya sa Banal na Kalupaan sa kabilang buhay. Ang Lupain ng mga namaya...