{Yahno}
"Hindi ko inaasahan na aabot sa ganito ang sitwasiyon na ito, Sa lahat ng pwedeng makaalitan ng prinsesa sa Onigoroshi, bakit ikaw pa Niriharu?" Tanong ko saaking sarili.
" Prinsesa? Siya pala ang prinsesa! maaari ko ba'ng malaman kung ano ang pangalan ng Prinsesa ng Utopia?" tanong ni Urfang saaking gilid. Habang nagkakaroon ng kaguluhan sa gitna ng tanggapan, nagtatago kami ni Urfang sa gilid, naka simpleng tago kami sa pinakamalapit na lamesa at pareho'ng nanonood simula palang ng una'ng dumating ang aming mga bisita sa tanggapan.
" Princess Rahelia Asmael Lithios Trillium, ayan ang pangalan niya, Nuong bata pa ang prinsesa, lagi ito'ng sakitin at sinusugod sa Alchemist Wizard ng Kaharian, Walang iba kung hindi si Akila Gijikata Noburo, siya ang numero unang tagalikha ng iba't-ibang gamot sa kaharian, malamang naririto ang Prinsesa upang makita sa huling beses ang babaeng nagpagaling sakanya nuong bata pa siya" tugon ko kay Urfang.
" Oh! Hindi ko alam na may koneksiyon ka sakanila, as expected sa former leader ng 'Raven' " wika niya saakin. Habang pinapanood namin ang pangyayari, naririto kami'ng dalawa at pinagsasaluhan ang isang napakalaking balot ng paborito ko'ng pagkain. Ang mga binti ng Night Tarantulas. Medyo mabuhok-buhok pa gaano ang mga binti nito pero masmasarap pa ito lalo dahil mararamdaman mo ang paggasgas nito saiyo'ng bibig at lalamunan.
"Crunch Crunch Crunch.... Hindi na ito masama, perpekto sa panonood ng pilikula" wika nito habang nakikidukot saaking Night Tarantula Legs. Ang isang nilalang na kumakain ng paborito nitong pagkain ay normal na ayaw nito'ng may makikihati sakanya pero hindi ako, minsan lang ako magkaroon ng kasama sa pagkain ng aking paborito'ng pagkain. This boy understand me.
" See? Night Tarantulas are the best! Pagtapos ng nakakapagod na sunod-sunod na trabaho ay ito nalang ang nagpaparelax saakin " wika ko dito.
" Pero sigurado kaba'ng ayus lang mag Relax sa sitwasiyong ito? I mean nagpapatayan na ang Prinsesa at pati narin yung Self Proclaimed Sadist Queen niyo!" wika saakin ni Urfang. Sa totoo lang hindi kuna alam ang mangyayari sa Onigoroshi kung ang katuwaan na ito ay mauwi sa isang malagim na insidente.
Pero isa lang ang masasabi ko sakanilang laban, ang bawat pagkrus ng kanilang ispada sa isa't isa ay nagiging aral para sakanila, bawat pagtama ng kanilang ispada sa ispada sa kalaban ay siyang nagtuturo sakanila'ng dalawa tungkol sakanilang kalaban. Malaki ang pagkaiba ng nag-iisip na kalaban kaysa sa mga demonyo'ng walang utak at sumusunod lang sa i-isang utos ng kanilang mga pinuno. Kaya masasabi na isa'ng matinding laban at maaari'ng maging patas ang kalaban.
" Ano na Prinsesa!" Sigaw ni Niriharu. Lumalabas nanaman ang kademonyohan nito. Bawat lakas ng pwersa ng kanyang pagwasiwas ay masasabi mo'ng tunay at seryoso siyang saktan ang prinsesa. Ngunit sa tagal kunang nakikita ang paraan ni Niriharu sa pakikipaglaban, hindi ko pa siya nakikitang magseryoso ng napakatindi. Sa gitna ng laban, isang nakangiting halimaw ang nakikita ko na napapaligiran ng bangkay at wisik ng dugo sa kaliwa't-kanan.
Ang prinsesa naman ay may kakaibang galaw, tila limitado at tumpak ang kanyang bawat galiw, kabaliktaran ng paraan ni Niriharu na makalat at brutal na magalaw. Tila ang prinsesa ay may sinusunod na turo at sumusunod sa tapak ng mga libro na tungkol sa edukasiyon ng paghawak ng ispada. Pero inaasahan ko ito dahil sa kanyang sinabi na kasalukuyang disipolo siya ng isang Royal Knight.
" [Projecting Magic: Swords] Huwag ka magmadali'ng matalo!"pagbalik ni Prinsesa sa kayabangang pinapakita ni Niriharu habang nagpapalitan sila ng pagkumpas ng ispada, Naisingit ni Prinsesa ang pagkakataon upang makagamit ng mahika, Sandamak-mak na ispada ang lumabas sakanyang likod, hindi lang basta ispada, kung hindi mga ispadang gawa sa mahika at sarili niya'ng mahika. Ang mga ispada'ng ito ay kusang gumagalaw at sumusubok na hiwain si Niriharu. Subalit kulang pa ang dami at mabagal pa ang mga ito kasama na ang Prinsesa, nagagawa'ng salagin at ilagan ito ni Niriharu ng napakabilis, para ba'ng hindi ito nahihirapan at nagagawa pa niyang ngumiti kahit na maiihantulad na ito sa isang laban na 'isa laban sa marami'.
BINABASA MO ANG
Fate's Gate: Doom Saga
Fantasy"FG:DS" Namatay siya sa aktong pagtatanggol sa kanyang mundo laban sa kamay ng mga Demonyo bilang bayani, Ito ay dahil siya ang pinili ng Diyosa ng Lawa ngunit sa oras na tumapak siya sa Banal na Kalupaan sa kabilang buhay. Ang Lupain ng mga namaya...