{Urfang Alestair Von Wolfencreed}
Iminulat ko ang aking mga mata. Nagbihis ako at nagtungo sa baba. Dapat ba akong matuwa dahil Dumating na ang araw ng aking kaarawan? o dapat ba ako malungkot dahil, wala paring nagbabago at tila mas lalo pa'ng naging Haunted House ang bahay ko dahil ako lang ang narito. Umagang-umaga at iniwan nila ako dito mag-isa? ano ba ang plano nila? Supresa? o kaya naman! Prank? Hmm. Habang iniisip ko ito, Nakarinig ako ng malakas na pagkabasag na tunog mula saaking kuwarto.
Agad na pumunta ako dito, ang nagaantay saakin ay masmalala pa sa surpresa. Isang patalim ang siyang bumasag saaking salamin at ngayon ay nakatarak na sa lapag at may nakatali dito'ng sulat. Pinilas ko ang nakataling sulat dito at binasa, ang mga letrang nakasulat dito ay nakakatakot dahil ang sulat ay hindi isinulat gamit ang tinta, kung hindi sariwa at basa-basa pa'ng dugo.
" Pumunta ka sa Kainan nila Luna! Mamayang tanghali! Kung hindi mo ito! gagawin! puputulin ko ya'ng Junjun mo at itatali kita ng patiwarik sa gubat tutal paborito mo naman ito'ng tambayan" Hindi ako makapaniwala saaking nabasa, halatang surpresa ito pero hindi na ako sigurado kung surpresa ito para saaking kaarawan o gusto lang nila ako'ng makitang magdusa. Hindi nagtagal isang bato ang tumama saakin na mukhang nanggaling sa labas at ibinato ito ng malakas. Sinalo ko ang bato at napansin na may nakadikit dito na sulat.
" Pumunta ka sa Foxkin Village, Papatayin kita
-Ugino" Ito ang nakasulat dito.
Nilukot ko ang parehong sulat at itinapon saaking basag na bintana, hindi ko maiwasang marindi dahil ang mga basag-basag na piraso ng mga bubug mula sa bintana ay kumalat saaking kuwarto at nadamay pati ang aking malambot at komportableng higaan.
Hindi na nakakapagtaka ang nakasulat dito. Dapat na ba ako'ng matakot? sunod-sunod na banta na saaking buhay ang aking natatanggap na sulat.
" Hays....Papaano naman kaya ako pupunta sa Foxkin Village? Hindi ko kaya'ng magwarp o teleport inaasahan ba nilang lakarin ko ito?" Anyway hindi kunalang minansin ang mga nakakatawa nilang hiling. Dahil hindi ko makita si Zeer kahit saan, Walang magtatali ng buhok ko'ng hanggang likod na ang haba. Hindi din ako marunong magtrintas ng tulad sa ginagawa ni Zeer kaya't kumuha ako ng tale at pinuson nalang ito.
Saaking pagbaba naririnig ko ang isang mahinang katok, binuksan ko ito at tumambad saakin si Uncle Sergio.
" Yo! Birthday boy!"
" Hmph...Ano po ang ipinunta niyo dito? Uncle? "
" Gusto ko lang hingin ang opinion"
" Para saan?"
Pinapasok ko si Uncle at pinaupo sa upuan namin. Pinagtimpla ko siya ng maiinom at dito na ako nakinig, gusto niya'ng hingin ang aking hiling tungkol sa utos ng hari walong taon na ang nakakalipas. Lilikha ang Hari ng isang grupo o hukbo na may espesiyal na kakayahan, ang apat na sulok ay magpapartsipa kasama na kami dito. Nag-iisip si Uncle kung ipapadala niya ba ang lahat ng mga kabataang Wolfkin sa kapitolyo ng Utopia o Hindi.
" Mas-mabuti pa'ng sumunod na lang tayo, masama na kung susuwayin natin ang utos ng hari"
" Pe-pero....Pati si Tifa- "
" Ayun ba ang inaalala mo Uncle? paalala ko lang, minsan nang ginulpi ng anak mo Ako at ang halos lahat ng kalalakihan na nanggliligaw sakanya"
Natawa nalang si Uncle Sergio sa pagkarinig nito.
" Ehem...May nais ako'ng hilingin saiyo, Ang Beast Forest ay binubuo ng Limang angkan, Wolfkin, Foxkin, Rabbitmen, Birdfolk at ang huli ay ang Lizardmens na walang interes sa utos ng hari, Ang mga Lizardmens ay purong mandirigma, nakalaban natin ang kanilang lahi sa agawan sa silangang kontinente, ilang daang taon na ang lumipas, ayaw nilang sumunod sa utos ng hari dahil ginagawang alipin ang kanilang lahi sa Utopia" Paliwanag saakin ni Uncle, hindi ko alam kung bakit niya sinasabi saakin ang mahahalaga at maselan na bagay na ito.
BINABASA MO ANG
Fate's Gate: Doom Saga
Fantasy"FG:DS" Namatay siya sa aktong pagtatanggol sa kanyang mundo laban sa kamay ng mga Demonyo bilang bayani, Ito ay dahil siya ang pinili ng Diyosa ng Lawa ngunit sa oras na tumapak siya sa Banal na Kalupaan sa kabilang buhay. Ang Lupain ng mga namaya...