kabanata 18

1.1K 19 1
                                    

Steve's POV



Kiel and I decided to go to Ford's condo. Bakit? Sasabihin lang namin na may photoshoot at fanmeeting kami mamaya.

"Kailangan ba talaga nating pumunta do'n sa condo niya? Pasaway ka rin e. Baka sermonan ka no'n. Diba, sayo na assign yung trabahong yon?" tanong ni Kiel.

Napangiti na lang ako. Napadalas na kasi ang pagpunta ko kina tita Veronica, especially that Ellaine is there. And, I said na gagawin namin ang lahat ng gusto niya.

Nang makarating kami sa condo ay agad naming in-enter ang passcode. Tapos pumasok na kami. Saka ko lang naalala na nasa airport pa siguro si Ford. Kasi, ang P.A. niya ang nakita namin.

And then, we saw a lady. Is she... his P.A.?

"I-ikaw ba si Lorice?" tanong ni Kiel nang makapasok kami sa loob ng unit niya.

"Wow. You're supposed to be my P. A. kung hindi lang kita binigay kay Fordie."

Yes, isa sana sa amin ni Kiel ang magiging amo niya.

"Awrrf!"

"FUDGE!" sabay naming sinabi. Agad namang lumapit si Fudge sa amin. Goodness! I missed this cute dog!

"Why you two are here?"

Nandito na siya! Ford!

"Hi Ford..." sabay naming sabi ni Kiel. Pero,  pinagtaasan lang kami ni Ford ng kilay.

"E kasi... May photoshoot at fanmeeting tayo mamaya." sabi ni Kiel.

"Pwede namang i-text niyo na lang sa akin hindi ba?" hays, lumabas na naman ang pagka savage niya.

"Sorry, alam mo namang hindi kami ganyan. We want to sent this message personally. Haha. Siya nga pala... Pasalubong naman galing Bangkok, Ford." biro ko sa kanya.

Nakita ko na lang siyang napailing. "Pasalubong? Okay. Parehong nag sign ang entertainment company at ang channel sa atin. Now, happy?"

"Ano ba yan... Sana sumama ako sayo doon no." I just pouted. 

"Well, Steve, sayo naman talaga yung trabahong yon. Di mo lang inasikaso." Hehe, sorry naman Fordie.

"I'm... just busy with her." I'm very very busy, with Ellaine.

"Ewan ko sayo."

Maya maya pa ay tumayo na kami ni Kiel. Saka kami naglakad papalabas ng unit. "Sige na, aalis na kami. See you later Ford!" with smiles and hand wave.

"Bye bye." ngumiti lang sa amin si Lorice.  "Bye Fudge!"

At umalis na talaga kami.

"STEVE, SAAN ka ba kasi nagpupunta at nawawala ka minsan?"tanong ni kiel habang papalabas kami ng condominium.

Ngumiti ako. Siguro naman, matataguan to ng secret no.

"I actually like a girl, and I'm courting her." liligawan pa nga lang. Pero, parang ganon na rin yon.

"T-talaga? Himala! Buti naman at naisipan mo yan-- wait... I thought you are in a relationship with Maureen?"

"We just... broke up."

Then, he tapped my shoulder. "Sorry, bro. Alam na ba nina Drag yan?" tanong niya.

Hindi ko pa sinasabi. I dont know. I guess, malalaman rin nila yon. Madali naman yang makakalap ng info e.

"Teka, saan naman ang punta mo ngayon?" tanong ulit ni Kiel sa akin.

"Sa date ko." Date kaya ang tawag dun sa gagawin namin?

Basta.

"Bilis maka move on a. Pero okay na rin yan, support pa rin kami sayo." he said, and I smiled.

"Sige, babalik muna ako sa building. Kita kits mamaya." he said and I nodded, then we separated ways.

Anong oras na ba?

Napatingin ako sa aking relo. And thanks dahil maaga pa. I have more time to be with Ellaine before our photoshoot and fanmeet.

Agad na akong nagmaneho ng sasakyan. Hindi na ako magsasayang ng oras. I'm super excited to see Ellaine again.

NANG makarating at makapasok na ako sa bahay nina Yohan, nagtaka ako dahil parang ibang tao ang nagtuturo sa kanya ngayon.

I know Ellaine's fashion. Chick and classy. And this woman wears only a simple dress. Pero, nang humarap ito, bumungad sa akin ang kanyang napakagandang mukha, na walang make up.

But, she resembles Marie. No, she's like Marie. Pero, imposible. Malayo ang mga kilos niya kaysa sa mga kilos ni Marie.

Hays. Stop that, Steve.

Tinitigan ko pa siya ng ilang segundo. And I am right. She's really really really beautiful without make up.

"Pangit ba?" rinig kong tanong niya.

"Hindi. Super ganda mo." at dahil sa sinabi ko, napangiti siya.

And I smiled too. Mas bagay sa kanya ang ganyang damit. Simple pero tingin ko, mas komportable siya sa suot niya.

"Makakapaghintay ka pa ba? May dalawang maiiksing session pa ako kay Yohan e." sabi niya.

"Oo naman. I can wait."

And she smiled again.

Nakatingin lang ako habang tinuturuan niya si Yohan. And the way she teach Yohan reminds me and that girl, Marie. She used to teach me tagalog before, and even gives me answers, lalo na kung tagalog.

I sighed.

I waited until they are done. Saka kami nagpaalam kina tita Veronica. Nagtaka ako kung bakit hindi siya nagdala ng kotse. Sabi niya naman, baka makalibre siya ng hatid sa bahay nila mula sa akin.

Na palagi ko nang gagawin.

Nang makasakay sa kotse ay kaagad na akong nagmaneho. And at the same time, nagkwento na naman siya.

"Si mama ang nakaisip nito. Gusto rin kasi niya na komportable ako kaya heto. Pero, hindi to alam nina papa." sabi niya.

Napansin ko nga. Even her shoes, flat shoes na ang gamit niya. Pero mas mainam na iyan, kaysa naman sa mga damit na hindi siya komportable.

"Saan mo gustong pumunta?" tanong ko.

"Saan kaya? Ewan. Kain na lang ulit tayo." sabi niya at ngumiti sa akin.

"Okay."

All what you want, pretty.

One More Night Where stories live. Discover now