kabanata 38

895 20 0
                                    

Steve's POV


"Girlfriend mo pa lang ako noong nakaraang araw. Tapos ngayon, engage na tayo. At balak mong pakasalan ako sa huwes bukas?" tanong niya sa akin.

Yes, we're gonna get married tomorrow.

Now, I'm still hugging her, habang nakahiga kami sa kama. Napangiti lang ako sa narinig ko sa kanya. But, its true. I'm gonna marry her tomorrow, sa huwes na muna.

And its gonna be so private. Ni hindi alam nina Dragon, Kiel at Ford ang gagawin namin. Even my family. Hindi nila alam ito. Only Dave, Av and dad knows na nag propose ako. Pero, ni isa sa kanila ay hindi ko sinabihang pakakasalan ko na siya agad agad.

Gusto ko na kasi siyang maitali na sa akin kaya pakakasalan ko na si Ellaine. Dahil ayaw ko rin namang mapahamak siya.

I already promised to her na poprotektahan ko siya laban sa pamilya niya. And I already starting the plan that I have in my mind.

"Ang bilis naman yata no'n, Steve." rinig kong sabi niya.

"No, Ellaine. Dapat nga, dati ko pang nagawa ang bagay na ito. Pero, nilayo ka nila sa akin. Kaya ngayon, hindi ko na hahayaang magkahiwalay pa tayo."

Dahil doon ay nakita ko siyang ngumiti.

"Bahala ka na nga." she said.

Naalala ko, malapit na nga pala ang kasal nina Ford at Lorice. Grabe talaga. Akala ko, hindi na magkaka-love life yung taong yon. Akala ko, hindi na rin siya babalik sa pagiging palangiti.

Pero, bumalik ang dating Ford dahil kay Lorice. Siguro, sobrang lakas ng tama niya kay Lorice at bumait ulit. Hays.

Imbitado kaming dalawa ni Ellaine sa kasal nila. Buti nga, hindi ko nakalimutan. Kaya, sinabi ko na sa kanya.

"Siya nga pala, we're invited to Ford's wedding in Bohol." sabi ko. Napatango lang siya.

"Pero, bago tayo pumunta roon, I want to spend time with you, hanggang sa dumating yung araw ng kasal nila. Magpapaalam ako kina mom na dito muna ako kasama ka. I'm sure they will understand."

"Sige. Mas okay yon, kasi may magluluto na ng almusal namin." she said. Dahil doon ay natawa ako.

"Dont worry, even luch and dinner, sagot ko na."

"Ayos." mas napangiti ako dahil doon.

I just carressed her hair, and she closed her eyes.

"Pretty?"

"Bakit?"

"Thank you for accepting my proposal." sabi ko. Hindi siya sumagot pero ngumiti lang siya. Dahil doon ay napangitli na lang din ako.

I'm still carressing her hair, and look at her beautiful face. Nang mapansin kong nakatulog na siyang muli, hinalikan ko ang kanyang noo.

Saka ako napabuntong hininga.

Yakap-yakap ko pa rin siya hanggang ngayon. At habang ginagawa ko iyon, iniisip ko kung ano ba ang pwedeng gawin ng pamilya niya sa kanya.

Dahil doon ay muli kong naalala ang mga sinabi niya sa akin. Yung sinabi niyang dahilan kung bakit nagkawalay kami sa loob ng maraming taon, ang pagkakaroon namin ng anak noon, at ang balak ng pamilya niyang ipakasal siya sa iba ngayon.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang buhay na dinadanas ni Ellaine. She's a victim of rape and abuse, and a very young mother before. Pero, pakiramdam ko, kahit na nangyari sa kanya iyon ay wala pa ring pakialam ang pamilya niya sa kanya, maliban sa mama Desa niya.

I kissed her forehead again. Sorry Ellaine, sorry.

Sorry if I didnt have the chance to protect you in every harm that you encountered before. Sorry if I wasn't at your side when you need someone to lean on. Sorry if I  didn't found you so early. Sorry for everything, Marie.

Noong nawala siya, I blame myself for everything. Kaya ngayon, babawi ako. Hindi ko na hahayaang mawala pa siya sa akin sa pangalawang pagkakataon. I'm gonna marry her.

I'm gonna be her husband tomorrow.








Third Person's POV

"HINDI NIYO pa rin siya nahahanap?" tanong ng ama ni Benjamin. Tanging pagyuko lamang ang sagot nilang lahat. Dahil ngayon ay hindi pa rin nila mahanap si Ellaine.

Good thing Ellaine's phone is not with her. At na-detect man na ginamit niya ang ATM cards niya ay wala na rin itong laman. They couldnt find her anymore.

Tanging hawak na lang nila ay ang footage kung saan siya nakita sa isang mall, at yun lang. They even waited her to visit her mother's grave. Pero, hindi rin nila nakita si Ellaine.

Walang ni isang bagay na makapagsasabi kung bumisita ba rito ang anak niya o hindi. Now, they're hopeless.

Buti na lang at may malaking problemang kinakaharap ang mga Daucers.

"Nasaan na ba kasi ang babaeng iyon? Hindi ba talaga siya nag-iisip?" galit na turan ni Cora.

"Gusto niya siguro tayong mapahamak!" segunda naman ng asawa nitong si Randy.

Silang lahat ay nandito't magkakasama. Hinahanap pa rin nila si Ellaine. Araw araw silang naghahanap ng mga bakas ni Ellaine. They even try to find her in Veronica's residence. Buti na lang at hindi na muna nagparamdam si Ellaine sa mga ito. She's more safe, for now.

Maliban sa nakitang footage at walang laman niyang bank account, wala na silang nakita pang iba.

"Ma, mamamatay na ba talaga tayo?" tanong ni Conie na kinakabahan na ng sobra.

"Shut up. Hindi tayo mamamatay. Basta, make a way to find that woman! Para hindi magkalat ang dugo mo sa sahig ng bahay na to." wika ng kanyang ina, na halata rin ang takot sa boses nito.

Poor Ellaine. She doesnt know whats this all. Inosente siya mula sa napakalaking utang ng pamilya niya sa mga Daucers. Yet she's the one na ipambabayad dito.

Maya maya pa ay lumapit si Georgia sa kanyang ina. Nakangiti ito na para bang nanalo sa loto, hindi gaya ng kapamilya niyang busangot ang mukha dahil sa problemang ito.

"Why are you smiling?" tanong ng kanyang lola kay Georgia.

Hindi siya sumagot. Ngunit ibigay lamang niya ang tablet na hawak niya. At nang tingnan ito nina Benjamin at ng magulang, tila ba nadagdagan ng kaunti ang pagka-kampante nilang makuhang muli si Ellaine.

"How dare that woman is!" agad na nasabi ng kanyang lola dahil sa nakita. Ngayon ay kasalukuyan na nilang pinapanood ang proposal video nina Ellaine at Steve.

Na-copyrighted man ang parte ng video na ito ay nakakuha pa rin si Georgia ng kopya nito.

"Saan mo nakuha ang video na to?" tanong ni Benjamin sa kanya.

"I just saw it in a website. Na-download ko yan before that site suddenly shut down." paliwanag niya.

"Hindi ito pwedeng makita ng mga Daucers." sambit ng kapatid ni Benjamin na si Sally.

"Don't worry, hindi nila ito makikita. Make a copy of this Randy. Then give it to me." sabi ni Benjamin, at iniwanan na silang lahat sa marangyang sala ng bahay.

Benjamin walks away from his family. Nang makalayo ay agad niyang tinawagan ang private investigator na siya ring naging dahilan kung bakit nabuko sina Ellaine.

"Remember that man na kasama ng anak ko? Imbestigahan mo siya. Alamin mo ang lahat lahat ng tungkol sa kanya. And give all those infos to me immediately." sabi nito, at agad na nagbaba ng telepono.

Bumuga ng marahas na hininga si Benjamin. How dare you to do this, Ellaine? You're getting married, pero sinagot mo ang lalaking iyon without our permission?! 

Do you really want us dead?

No, hindi iyan mangyayari. Because, I feel that we're gonna find you. Mahahanap ka na namin, at lalabas ka na sa pinagtataguan mo.

And when I find you, matitikman mo muna ang pabaon naming parusa bago ka namin ibigay sa mga Daucers.

Just wait.

One More Night Where stories live. Discover now