kabanata 28

922 15 0
                                    

Ellaine's PoV





Alas onse na ng gabi nang magising ako. And,  I feel that they are all asleep. Kaya, agad ko nang isinagawa ang plano kong pag alis sa bahay na ito.

Bumangon ako, at agad na binuksan ang bintana. Napalunok na lang ako nang makita ang medyo mataas na tatalunan ko. Nakadama ako ng takot, pero mas naaig ang lakas ng loob ko para gawin ito.

Ramdam ko ang ihip ng hangin na dumadampi sa aking balat, at ang kaba. Pero, isinawalang balaha ko ito, at unang hinulog ang maletang may lamang mga damit at iba ko pang gamit.

Sunod kong itinapon sa baba ang maletang naglalaman nung stuff toy na bigay sa akin ni Hae Jun, at ang sapatos na suot ko. At matapos ang lahat ng iyon, huminga ako ng malalim.

Ako na ang susunod na tatalon!

Bumilang ako ng tatlo sa isip ko. Isa, dalawa, tatlo!

Talon!

Napapikit na lang ako nang maramdamang para akong bumulusok. Hanggang sa naramdaman ko na lang na nakahiga na ako sa mga damo. At napakasakit ng likod, at ng braso ko!

Pero, pilit kong kinaya ang sakit na naramdaman ko. Imbis na sumigaw, npakagat labi na lang ako. Hindi ako pwedeng gumawa ng kahit na anong ingay.

Kahit masakit pa rin ang likod at braso ko ay pilit akong tumayo, sinuot ang aking sapatos at pinulot ang mga maleta ko, saka nagmamadaling umalis dito.

Lakad lang ako ng lakad. Buti na lamang at wala nang kahit na sino ang narito. Ilang minuto rin ang nailaan ko sa paglalakad at nakarating ako sa pinakaunang gate ng bahay.

Hindi ako nahirapang lumabas dahil hindi naman ito masyadong mataas at nakaya ko lang na akyatin.

Magkahalong takbo at lakad ang ginawa ko hanggang sa makarating ako sa mismong kalye. Doon ay naghanap at naghintay ako ng maaaring masakyan.

Mahigit kalahating oras rin ang nakalipas at may humintong taxi. Buti naman.

Agad na akong sumakay rito. Nagtanong ang driver na nasa mid-40's na siguro, at bading siya. Itinanong niya kung saan ako pupunta, pero wala akong maisagot.

Saan nga ba ako pupunta?

Ilang minuto rin akong nag isip, hanggang sa naunahan niya akong magsalita. 

"May paupahan kami ng sisteret ko. Binigay iyon nina lola sa amin nang mag migrate sila sa US." sabi niya.

Paupahan?

"Ay, sarrey ganda. In-advertise ko lang sayo. Kasi naman e, marami kang dalang maleta. Ang away siguro kayo ng jowabels mo no." dagdag. Jowa...bel?

"N-nako, wala ho akong jowa. Pero, n-naghahanap po ako ng m-m-mauupahan." talaga ba Ellaine?

Napaisip ako. Tutal, wala naman akong matitirahan, dito na lang ako, sa paupahan na sinasabi niya.

"Okeys. Siya nga pala, ako si Mader Della! Dello sa umaga, Della sa gabi! O diba, bongga!" sabay tawa niya.

Napatawa na lang rin ako, at napailing. Mader Della...

"E kung may pinapaupahan po kayo, bakit nagta-taxi driver ho kayo?" tanong ko sa kanya.

"Itong service ko ba? No... Para lang to sa mga boarders naming nagpapahatid. E gabi na nang nakita kita. And you know, maraming umaabuso sa ating mga kababaihan lalo na kapag tulog si haring araw. Kaya isinakay kita rito." paliwanag niya.

Kaya pala.

"Malapit na tayo, ganda." sabi niya, at maya maya pa ay huminto na ang taxi.

Nang sumilip ako sa bintana ay nakita ko ang may kalakihang gate. Muling umandar ang taxi, at pumasok na sa loob.

One More Night Where stories live. Discover now