Prologue

57 3 0
                                    

"Aray!" daing ko. Mataas ang pagkakatumba ko kaya tumayo naman ako at napahimas na lang sa pangupo ko, ang sakit naman sabi ko sa isip ko.

"Ulitin mo," Striktong sabi sa'kin ni lolo. Nandito kami ngayon sa labas ng bahay at nagsasanay kung paano humawak ng espada.

Nahihirapan kasi akong hawakan ito bukod sa mabigat siya ay nahihirapan ako igalaw ang katawan ko masyadong mabigat kaya hindi kaya ng braso ko pati na ang kamay ko.

"Fliss, hindi tama ang paghawak ng espada." Malamig na sabi ni lolo sa'kin kaya naman naibaba ko agad ang espada na hawak ko at napatingin sa kanya, "Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na ganito ang tamang paghawak," Inis na sabi nito at kinuha ang espada na hawak ko.

Kinuha niya ito at tumayo sa harapan ko. Sa kanang kamay niya kinukumpas sa ere ang espada na parang magaan na magaan lang. Napapamangha na lang ako dahil sa galing na paghawak ni lolo sa espada.

Mabilis siyang umikot sabay tinutok ang espada sa'kin, "Fliss, habang hawak mo ang iyong espada dapat alam mo kung saan mo ito itututok. You must know where your direction is."

"Lagi mong tatandaan, Fliss. Hindi ka humawak ng espada para lang makipaglaban," Seryong saad nito habang kinukumpas sa ere ang espada patungo sa kaliwa, "Humawak ka nito upang makamit ang hustisya at kapayapaan. Gumagamit ka ng sandata hindi lang para makipaglaban gumagamit ka nito para protektahan ang iyong sarili mula sa kapahamakan."

"Kaya kita sinasanay humawak nito apo dahil ang paghawak ng espada ay hindi basta-basta lamang." Seryosong sabi nito. Mabilis siyang umikot ng dalawang beses papunta sa'kin at naramdaman ko na lang ang malakas na hangin ang papunta sa'kin kasabay na ang pagtutok ni lolo sa aking baba ang espada.

"Tandaan mo, Fliss. Ang espada ay sumisimbolo ng katapangan at walang inuurungan kaya kita sinasanay dahil gusto kong lumaki kang matapang at handang harapin ang panganib sa buhay."

***

"Apo, lagi kang mag-iingat. Tandaan mo ang mga bilin ko huwag na huwag mo itong kakalimutan." Payo nito sa'kin. Nandito kami ngayon sa tapat nang gate ng school na papasukan ko ngayong taon, ito kasi ang pangarap ko buti na lang pinayagan ako ni lolo na dito magaral.

"Opo, lolo. Salamat po ulit." Nakangiti na sabi ko at niyakap siya ng mahigpit. Naramdaman ko naman ang kamay niya na tumatapik sa aking balikat kaya naman napayakap na lang ako.

"Oh siya sige na pumasok kana 'yung kwintas mo huwag mong iiwanan iyan kung saan-saan," Paalala nito kaya naman ngumiti at napahawak sa kwintas na ginawa ni lolo.

Nandito kasi 'yung espada ko na nakatago. Kinuha ko naman ang mga gamit ko at nagsimula nang maglakad. Napahinto naman at tumingin kay lolo.

Ngumiti ako rito at nag thumbs up pa. Huminga ako ng malalim at naglakad na papasok.




***

@poúchiedemiii

Glamorous Academy: Winged EmpressWhere stories live. Discover now