Chapter 6

13 1 3
                                    

Chapter 6
Desicion

"Pakawalan mo na ang kaibigan ko," Nanghihinang sabi ko ngumisi lang ito ng malademonyo at sumenyas sa dalawa niyang kasamahan.

Napahawak ako sa kamay nang lalake na nasa harap ko tumitig ako sa mata niya na siyang ikinakunot nang noo niya.

Alam kong mali.

Sobrang mali.

"Pakawalan mo na kami at papayag na ako na sumapi sainyo basta huwag niyo lang sasaktan ang aking lolo pati na rin ang kaibigan ko," Seryosong saad ko habang nakatingin sa kanila.

"FLISS! Nililinlang ka lang nila huwag ka papayag! Magagalit sayo ang lolo mo at pwede mo ring ikapahamak ang desisyon mong 'to," Galit na sigaw sa'kin si Keres napatingin naman ako sa kanya na nanghihina gustuhin ko mang protektahan siya at si lolo pero hindi ko magawa lalo na't hindi pako bihasa na gamitin ang kapangyarihan ko.

Gusto ko magalit sa sarili ko dahil alam ko dadating ang araw na pagsisisihan kong tong desisyon ko. Napapikit na lang ako at napaluha habang nakatitig kay Keres.

Patawad.

Nagsisigaw naman si Keres tumalikod dahil ayaw ko makita ang magiging reaksyon niya dahil alam kong pwedeng magbago ang desisyon ko, "Burahin niyo na ang alaala niya," Malamig na sabi ko.

"Fliss! Nahihibang kana ba? Huwag mo gagawin 'to Fliss!"

"Ano ba bitawan niyo 'ko!"

"Fliss! Akala ko ba magkaibigan tayo? Bakit ginagawa mo ito sa'kin! Dadating din ang araw na kapag bumalik ang alaala ko sisiguraduhin ko na hindi na kaibigan ang turing ko sa'yo!" Bulyaw nito.

Hindi ko alam pero sobrang nasaktan ako sa sinabi niya parang kahapon lang masaya pa kami tapos ito ngayon kaya minsan ayoko maging masaya kasi alam kong may kapalit. Napatakip na lang ako sa tainga ko nang marinig ko ang malakas niyang sigaw.

Patawarin mo sana ako Keres.

***

"Fliss, kanina mo pako hindi pinapansin may problema ba?"

"Wala naman,"

Matapos ang nangyare kanina sa may gubat binura nila ang alaala ni Keres napagdesisyunan ko na rin na sumapi sa kanila kapalit ng buhay nila ni Lolo nang makauwi kami ng bahay nakita ko namang maayos lang si lolo.

Nang maramdaman ni Keres na wala ako sa mood makipagusap ay iniwan na lang niya ako magisa dito sa may likuran ng aming bahay. Kung tutuusin hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyare. Hindi ko rin makalimutan ang mga sinabi ni Keres kanina sobra akong nasaktan hindi ba niya maintindihan ang aking desisyon?

Ginagawa ko lang naman ito para sa kanya at kay lolo dahil ayaw kong mawala sila sa'kin at ayokong mapahamak sila. Pero bakit parang kasalanan ko pa rin ang lahat? Sumugal lang naman ako dahil mahal ko sila.

Agad kong pinunasan ang luhang pumatak sa may pisngi ko napagdesisyunan ko na lang na pumunta ng lawa para mapagisa at magisip. Nagusap din kami ni Falkor kung ano ang gagawin ko dahil sa nakipagsunduan ako sa kanila kailangan ko gawin ang kagustuhan nila kahit na labag man ito sa aking loob.

Kailangan ko lang makapasok sa eskwelahan. Ang eskwelahan na pinapangarap ko Glamorous Academy ang pangalan ng eskwelahan na gusto kong pasukin halos lahat nang mga tao dito sa aming Bayan ay gustong makapagaral dun.

Kaso natatanging may mga dugong bughaw lamang ang pwedeng makapagaral dito pero may mga iba naman na nakakapasok kung sila ay magaling makipaglaban at humawak nang mga sandata. Kailangan mo rin isugal ang buhay nila kung ikaw ay tapat sa kanila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 26, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Glamorous Academy: Winged EmpressWhere stories live. Discover now