Chapter 4

23 3 2
                                    

Chapter 4
Most Wanted

Masaya kaming naglalakbay ni Keres habang may dala-dala kaming mga pagkaen. Nung nanalo kasi ako sa paligsahan ayun pumunta kami sa Bayan Sulier upang mamili ng mga pagkain at kagamitan.

"Dun naman tayo Fliss! Nakakatuwa naman grabe para tayong mayaman sa ginagawa natin tamang bili lang nang mga masasarap na pagkain," Natutuwang saad nito at niyuyugyog ang braso ko kaya naman napatawa ako.

"Haha tara!" Masayang saad ko.

"Alin ba ang gusto mo dito?" Tanong ko sa kanya andito kasi kami sa pamilihan ng mga kwintas pero hindi lang ito bastang ordinaryong kwintas.

"Ito gusto ko," Sabay hawak nito sa kwintas na may nakasabit pang maliit na dragon. "Ikaw ano sa'yo?" Tanong nito sa'kin.

"Hanap lang ako,"

Hindi naman ako mahilig sa mga gantong bagay pero dahil nanalo kami sige na nga bibili na rin ako. Maraming mga kwintas dito nandito lang kami sa may labas kasi mura na ang mga binebenta dito sa loob kasi mga mamahalin na.

Maraming magaganda pero hindi ko matipuhan kaya naman pumunta naman ako sa iba pang parte pa ng mga kwintas. May mga kwintas na kung saan may mga hugis pa ito.

Napadako naman ang tingin ko sa kwintas na nakasabit sa may gilid mukang hindi ito binebenta. Hugis bilog ito at kumikislap pa na kulay asul sa ibabaw nito ay may hugis na pakpak.

"Bibilhin mo ba ito neng?" Tanong sa'kin ng matandang babae

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Bibilhin mo ba ito neng?" Tanong sa'kin ng matandang babae.

"Magkano po?" Tanong ko habang nakatingin sa kwints na hawak niya ewan ko ba pero iba pakiramdam ko sa kwintas na ito.

"Dalawang dinero," Napatango naman ako kasi ang mura lang.

"Sige po kukunin ko na lang,"

"Ano, Fliss? Tagal mo naman maghanap may napili kana ba?" Tanong nito sa'kin ng makalapit siya.

"Oo, ito po ang baya—" Napahinto ako nang mawala sa harapan ko ang matanda. Nakita ko na lang na nakasabit pa rin ang kwintas sa may gilid nito. Kumunot ang noo ko at nagtaka.

Huh?

"Halika na," Sabi ni Keres at kinuha ang kwintas na nagustuhan ko sabay hila sa braso ko.

Nasaan na 'yung matandang babae?

***

"Maraming salamat po!" Masiglang sabi ni Keres umalis na kami sa tindahan na iyon. Hindi pa rin mawala sa isip ko 'yung matandang babae. Sino kaya 'yun?

Nagikot-ikot pa kami ni Keres sa bayan at namili. Bumili na rin ako ng pangangailangan ko para sa sunod na linggo na papasukan ko. Handang handa na kasi ako at nasasabik buti na lang pinayagan na ako ni Lolo na magaral sa eskwelahan na pangarap ko.

"Fliss, Huwag mo sana ako kakalimutan ah."

"Bakit naman kita kakalimutan?" Takang tanong ko.

"Kasi malapit mo na matupad ang pangarap mo na makapagaral sa eskwelahan na gusto mo at kapag nangyare 'yun baka makalimutan mo na 'ko," Malungkot na sabi nito.

Glamorous Academy: Winged EmpressWhere stories live. Discover now