Chapter 3

21 3 3
                                    

Chapter 3
No Control

"Bring it on," I said while smirking at them.

Pasimple akong tumingin sa relo ko. 27 points na lang ang natitira sa'kin. Hindi ko alam kung magwawagi ba ako pero naniniwala ako sa sarili ko na maipapanalo ito at tsaka ayoko naman sumama sa kambal na 'yun.

Hindi ko akalain na malakas pala sila at ang nakakainis pa dalawa silang humahabol sa'kin siguro habang nakikipaglaban ako nanunuod lang silang dalawa at hinihintay matapos ang laban ko.

Ako talaga target nila. Ayaw ba nila sa nakalaban ko? Batak na batak naman 'yun sigurado akong mag eenjoy sila na makasama 'yun keysa sa'kin. Malaking babae kaya 'yun. Napahinto ako sa pagtakbo ko mabilis kong  kinuha ang palaso at pinatamaan sa isa nagwagi naman ako na madaplisan ko 'to sa may kanang braso nito.

Tumakbo uli ako at kumuha ng bomb smoke sa may bulsa ko binitawan ko agad ito at narinig ko na lamang ang malakas na putok nito. Huminto naman ako sa pagtakbo. Maingat kong kinuha ang palaso ko mula sa likod akmang bibitawin ko na ito nang sumigaw ang isa sa mga taga nuod.

"SA LIKOD MO!" Malakas na sigaw nung babae at napangisi pa hindi ko agad nailagan 'yung suntok nung lalake kaya naman lumipad kamao nito sa may panga ko.

Parang nawalan ako ng balanse sa sobrang lakas ng pagkakasuntok niya. Biglang nanlabo ang mata ko pero umiling lang ako nang ilang saglit para bumalik sa normal ang paningin ko.

Mabilis akong tumakbo at nagpakawala uli ng tatlong bomb smoke kada isang bomb smoke ay tatlong minuto ang tinatagal nito kaya naman meron akong siyam na minuto para mabawasan ko sila ng puntos. Tumatakbo lang ako ng tumatakbo minsan nagbabato ako nang maliit na bato sa may gilid nila at kapag hinaharap nila ito ay tinatamaan ko sila ng pana sa may braso, hita, kamay at balikat.

"SA HARAP NINYO!" Sigaw pa nung babae kaya naman nung napansin nung kambal na nasa harap ako mabilis akong tumakbo papuntang likod at sinipa sila ng malakas.

Inis akong tumingin sa babaeng kanina pa nakikielam laking gulat ko na may sumugod na babae dito at sinakal ito nalagutan na lang ng ito ng hininga. Nakasuot sila ng magagarang damit na mukang pangmayaman at yung babaeng sumakal na nakapangsuot na magarang damit sa gilid nito ay merong lalake na ubod ng kagwapuhan.

Naningkit naman ang mata ko nang makitang nakatingin din ito sa'kin. Naramdaman ko na lang na parang may pasugod sa may harap ko mabilis akong yumuko at malakas na sinipa ito pero napahawak na lang ako sa may hita ko kung saan may sugat ito napalakas ata pag sipa ko.

Napadaing naman ako sa sakit. Hinigpitan ko lang ang pagkakatali ko sa may sugat ko para hindi ko maramdaman ang sakit. Naramdaman ko na lang na may mabigat na bagay ang humampas mula sa likod ko kaya naman napasubsob ako sa may sahig naramdaman kong may likido na tumutulo mula sa ilong ko.

"ARGHHHHHH" Malakas na sigaw ko na maramdamang ang sakit mula sa likod. Hindi ko alam pero parang binibiyak ang likod ko sa sobrang sakit nito.

Halos mangiyak na ako sa sobrang sakit at hapdi hindi ko na mapigilan ang sarili ko na mapaluha habang iniinda yung sakit ng likod ko. Para akong pinapatay sa nararamdaman ko ngayon.

"H-hindi maaari.." Rinig kong sabi nung lalake na humampas sa likod ko nabitawan nito ang hawak niya at bakas sa mukha niya ang takot at pangamba.

Glamorous Academy: Winged EmpressWhere stories live. Discover now