Chapter 5

17 2 3
                                    

Chapter 5
The Winged

Agad akong napabitaw sa kanya at lumayo ng bahagya, Nakita ko naman ang maliit na kahoy na nasa may gilid ko dinampot ko 'yun at humarap sa kanya.

"WALANG HIYA KA!" Malakas na sigaw ko. Wala akong pake kung may makarinig sa'kin pero inis ko siyang hinarap habang nakatutok sa kanya ang maliit na kahoy na hawak ko.

"Calm down, Miss" Saad nito habang pinapakalma ako pero mas nangingibabaw ang inis ko. Ang ginawa niya ay hindi makatarungan bigla na lang niya ako niyakap at dinala sa ilalim ng tubig. "Sorry, Miss kailangan ko lang gawin 'yun pasensya na."

"At bakit?! Paano na lang kung namatay ako! Maibabalik mo ba ang buhay ko?" Bulyaw ko habang nakatutok pa rin sa kanya ang hawak ko. Hindi ko maiwasan na mailang dahil hindi naman maipagkakaila na sobrang kisig nitong nilalang na nasa harap ko.

"J-just let me explain at huwag kang sumigaw baka marinig ka nila," Mahinang sabi nito na halos pabulong niyang sabihin naningkit lang ang mata ko na nakatingin sa kanya.

"Okay okay.. Sorry sa ginawa ko kasi kailangan ko lang talaga gawin 'yun dahil hinahabol ako ng mga kawal kailangan ko magtago," Daretsong sabi nito na bakas sa mukha niya ang pangamba. "Hays I don't need to explain myself anymore nauubusan na rin ako ng oras so kailangan ko na lang tanggalin ang alaala mo," Sabi nito.

"H-huh?" Takang tanong ko.

Nagulat ako ng mabilis itong nakarating sa harapan ko kaya naman medyo napapikit pa ako. Nang makalapit siya sa'kin pinantay niya ang mukha niya sa mukha ko bigla naman siya ngumiti at bahagyang kong nilayo ang mukha ko sa kanya.

Akmang aatras na sana ako papalayo sa kanya ng ipulupot niya ang kamay niya sa bewang ko at hinigit papalapit sa kanya. Napatingin ako sa kanya na nanlalaki ang dalawa kong mata habang siya naman nakatingin lang ng seryoso sa'kin.

"Sayang ang ganda mo pa naman sana," Nakangiting saad nito.

And the next thing I knew bigla na lang bumagsak ng dahan-dahan ang mga talukap ko at parang nakaramdam na rin ako ng antok. Bumigat na rin ang pakiramdam ko kasabay nang pagkawalan ko ng malay.

Bago ko tuluyan mapikit ang mata ko may huli pa siyang sinabi.

"See you again, Miss kahoy."

Wtf?

***

"Fliss?"

"Fliss?"

"FELICITY MOONSVILLE!"

Bigla na lang ako napabangon nang may sumigaw malapit sa may tainga ko kaya naman inis kong tinignan kung sino ang may gawa nun. Nakita ko namang si Keres na nasa gilid ko habang nakatingin lang sa'kin ito ng nagtataka.

Napahawak na lang ako sa may ulo ko nang makaramdam ako ng pagkakirot. Hindi ko alam kung bakit pero sobrang sakit ng ulo ko. Para bang binibiyak na hindi ko maintindihan.

"Bakit kaba sumisigaw?" Halos pabulong na sabi ko dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Napahawak na lang ako sa may batok ko. Ano ba nangyari? Hindi ko rin maintindihan sarili ko para bang may nakaligtaan ako.

"Wow hah! Ikaw na nga niligtas dahil sobrang tulog mantika kang babaita ka!"

"Niligtas? Huh? Saan?"

"Nakatulog ka malapit sa may lawa alam mo bang malapit kanang gawing hapunan nang mga asong lobo dun buti na nga lang at sinabihan ako ni Lolo na sundan ka dahil ang tagal-tagal mo mag-igib ng tubig,"

"Ako? Nakatulog sa may lawa?" Takang tanong ko sa sarili ko. Napatingin naman ako sa sarili ko dahil naramdaman kong basa ang suot ko. Bakit basa ang damit ko?

Glamorous Academy: Winged EmpressWhere stories live. Discover now