Chapter 2

35 4 6
                                    

Chapter 2
See It Through

Unang hakbang ko pa lang alam kong wala nang atrasan pa. Nandito na ako may magagawa paba ako? para kay lolo rin naman ito akalain mo 'yun dalawang sakong dinero ang makukuha ko kung sakali mang manalo ako.

Tumingin ako sa aking paligid. Lahat nang taong nandito ay nagsisigawan yung iba may binabanggit pa na pangalan at sinisigaw pa kumbaga pampalakas loob. Karamihan siguro nandito ay mga nagpustahan.

Napahinga naman ako ng malalim sana talaga kayanin ko. Naglakad ako papuntang gitna alam ko may mga makakalaban rin ako pero wala pa sila. Siguro kailangan pa ng grand entrance? napailing na lang ako sa mga naiisip ko.

Mas lalong lumakas ang ingay nung inanunsyo yung pangalan nang babae na makakalaban ko. Napatingin naman ako sa gilid ko kung saan kusang bumukas ang pintuan at niluwa ang babaeng may suot na pang sandata at may malaking dalang espada na sa tingin ko ay napakabigat dahil sumayad pa ang patalim nito sa sahig.

Ilang metro rin ang layo nito sa'kin. Mapangasar itong ngumiti sa'kin para bang tinatakot ako kaya naman tinignan ko lang siyang nakasimangot at walang gana. Wala naman talaga akong gana lalo na ang tagal lumabas nung iba atat na atat na akong makuha ang dalawang sako ng dinero.

Sa kabilang banda naman may lalakeng naglakad papunta samin. Maangas itong naglalakad at nakasabit pa sa balikat niya ang dalawang armas niya. Nang makapwesto siya sa kinaroroonan niya malagkit itong tumingin sa'kin sabay kindat napangwi na lang ako at hindi siya pinansin. Halata rin kasi sa mukha niya na matanda na siya at tumutulo pa ang laway. Yikes!

Sa harap ko naman may dalawang lalake ang naglalakad. Magkaparehas sila ng mukha at pagewang gewang pa ang lakad muntik na ako mapatawa ng malakas kasi parehas sila natapilok papunta sa pwesto nila. Lumakas ang tawa nang mga tao na nandito sa loob ng matapilok ang dalawang kambal agad naman sila tumayo at yumuko para humingi ng paumanhin.

Nawala ang ingay nang may nagsalita mula sa itaas sa may bandang gitna namin, "Ngayon sa harap ninyo ang apat na maglalaro sa aming paligsahan. Bawat isa sa kanila ay mayroong puntos na mahigit isang daan." Saad nito.

"Matira matibay ang siyang mananalo. Sa pagsali pa lamang ninyo sa aming paligsahan alam niyo na ang una naming patakaran. Hindi namin sagot o hawak ang buhay ninyo. Wala kaming magagawa kung sugatan man sila o patay sila." Anunsyo nito.

Napatingin naman kaming lahat dun sa babaeng nagtaas nang kamay 'yung may dalang malaking espada, "Ibig sabihin nito pwede kami pumatay?" Seryosong saad nito at napatingin sa'kin sabay ngisi inirapan ko lang siya at hindi pinansin.

"Depende kung 'yun ang makakapagubos sa kanya nang puntos," Sagot naman sa kanya nung matandang na nasa harapan namin.

Nagulat ako nang ikumpas ng matanda ang dalawa niyang kamay at bigla na lang nagbago ang paligid namin. Biglang nagsitaasan ang pader kung kanina kaya namin itong abutin ngayon hindi na at ang mga tao rin kumbaga nasa taas sila at kami nasa baba pinapanuod nila.

May mga lumabas rin na mga bakal na patusok mula sa pader talagang patayan ang pinasok ko sabi ko sa aking isipan. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na kabahan. Hindi dahil sa mga kalaban ko kundi dahil sa ingay ng mga taong nandito hindi ba pwedeng manuod na lang sila nang tahimik. Tss.

"Para sa mga manlalaro bawal gumamit na kahit na anong mahika. Gamitin ang pisikal na lakas at pwersa. Ang mahuling gumamit ng mahika ay siyang mabibigyan nang parusa."

Nagulat ako nang may lumabas na parang relo sa kanang kamay ko, "Diyan niyo malalaman kung nabawasan ang puntos niyo at kung ilang puntos na lang natitira sainyo. Goodluck!" Sabi nung matanda at bigla na lang naglaho sa harapan namin.

Glamorous Academy: Winged EmpressWhere stories live. Discover now