Chapter 7

821 29 3
                                    

Pagdating ko'y sakto ring papaalis na si Honey,  ang papalitan namin ng shift nina Thea at Julia. Wala pa ang dalawa tulad nang nabanggit nila nung isang araw kasi may gagawin pa raw kaya mag-isa na muna ako.

I didn't have a problem with that though dahil maaga pa rin naman. Most students still have class right now at napaaga lang ako kasi nag text ang prof ng last subject namin at sinabing hindi daw siya papasok ngayon.

Tinanguan lamang ako ni Honey bago tuluyang umalis, leaving me alone in the counter. Wala ngayon si Miss Sacha, which surprised me with the way she's been monitoring the cafe in the past few days.

Unang dumating si Thea at nakapasok na siya sa likod para makapagbihis nang pumasok si James sa loob ng cafe.

I warily looked at the door connecting to the back, hinihintay na matapos na sa pagbibihis si Thea.

Ano ba kasi ang ginagawa niya dito at this time? Ang aga niya ngayon ah?

Hindi ako mapakali as I shifted my weight from one foot to another. Kahit na alam ko sa sariling ginagawa ko lang naman ang trabaho sa pakikipag-usap sa kanya'y bibigyan lang rin naman iyon ng malisya ni Miss Sacha.

"Arya," he called.

I refused to meet his eyes at nagkunyari na lang na may ginagawa ako sa counter.

"I'm sorry sir, our cashier will attend to you in a short while." Ipinagpatuloy ko ang paglilinis, kahit na halos kumikinang na ang marble ng counter.

Kahit na wala si Miss Sacha'y may CCTV naman sa likuran ko. Kaya hindi niya ako pwedeng sabihang "nanlandi" kung hindi naman kitang kinakausap ko siya.

But I was pretty sure that if he stayed longer, she was gonna go nuts.

"Don't shit me, I know you don't assign roles," malamig niyang ani.

Bumuntong hininga ako at pagod na sinalubong ang kanyang mga mata. I knew that he was frustrated as much as I was kasi biglaan lang ang mga nanagyari but the job was just really important for me.

James' eyes were filled with confusion, like he was looking at a problem he's trying very hard to solve.

"Oy Arya, sched mo nang magtapon ng basura ma—"

Dumiretso na ako sa gilid para lapitan ang coffeemaker at hinayaan na si Thea na lumapit para kunin ang kanyang order.

"Good afternoon! Welcome to La Casa de Belle! May I take your order sir?" ani Thea matapos tumikhim.

A few seconds passed at hindi nagsalita si James. I glanced at him only to avoid his eyes again kasi nanatili lamang siyang nakatayo doon, nakatitig sa akin. His lips were set in a thin line.

Thea released a breath kaya bumaling na ako sa kanya. James was already nowhere in sight at kararating lang rin ni Julia.

"O? Anong nangyari? Mukha kayong nakakita ng aswang ah?" Julia asked.

"Wala ka bang number nung James, Ars?" Humalukipkip si Thea habang nakasandal sa counter.

"Hoy, Thea! Ikaw! Alam mong namomroblema nga tong si Arya tapos number pa talaga nung lalaki ang iniisip mo."

Aawayin na sana ni Thea si Julia nang sinagot ko na ang tanong niya. "Meron."

"E bakit hindi mo i-text at sabihing wag siyang tumambay dito sa cafe? Wala naman sigurong pakialam si Miss Sacha kung maglaplapan man kayo basta hindi dito." Umirap si Thea bago hinarap ang bagong customer namin na mukhang teenager pa, her eyes were wide in surprise, narinig siguro ang sinabi niya.

Like Falling Rain // James Spencer FFDonde viven las historias. Descúbrelo ahora