Chapter 19

671 18 2
                                    

Kanina ko pa tinitingnan ang number ni James sa cellphone ko, iniisip kung tatawag ba ako o hindi.

Kung kanina'y mapait ang pakiramdam ko, ngayon nama'y tila pinagsakluban ako ng langit at lupa dahil sa nalaman.

Mahina kasi talaga ang puso ni Ate. Kaya nga hindi siya nakakatrabaho kahit kita naman naming gusto niya.

Kahit gaano ko man kagustong makauwi agad ay hindi ko magagawa. Dumiretso na raw kasi si Papa sa Laguna at nakalimutan na akong puntahan dahil sa pag-aalala.

Hanggang ngayo'y hindi pa ako nakakaalis sa shed dahil sa lakas ng ulan at dahil punuan rin ang mga jeep na dumadaan.

Bumuntong hininga ako as I pressed on the call button.

There was a certain comfort that came with doing something normal even when the circumstances surrounding it are everything but.

I wasn't expecting him to answer.

Well, at least a large part of me didn't.

Napatunayan na ng tawag ni Riss sa akin na hindi maganda ang dala ng ulan na ito at mukhang magiging impossibleng kahit ang problema man lang namin ni James ang maayos. But then again, there was always that sliver of hope.

I felt like I was there but not really. Na tila ba katawan ko lang ang naroon pero ang totoong ako ay nakamatyag lamang sa isang gilid. The echo of chatter and cars and the violent patter of rain felt distant.

And then there were the rings from the call. Patuloy na nag-ring ang aking phone hanggang  sa napunta na naman ito sa operator.

I was right, hindi nga siya sasagot.

I decided to try. There's no harm in trying. At para rin may magawa ako habang naghihintay ng masasakyan.

It was after the 5th ring nang sinagot na niya.

That alone filled me with excitement at napaayos ako ng upo.

"James!" I called.

Walang sumagot.

"Ayos na ba tayo?"

Wala pa rin.

Gusto kong magreklamo. Kasi ano naman ang point ng pagsagot niya sa tawag ko kung hindi siya magsasalita?

Pero hindi ko ginawa. At least sinagot niya. This time, he chose to answer me instead of ignoring my calls for the past days.

Ang sakit.

The realization of everything dawned on me. Here I was semi-stranded, ignored by my best friend, who's also the same person I love, after months of spending almost every hour available together. In addition to that, I also had a sister an hour or so away, in a dangerous state of God knows what.

Hindi ko napansing naiiyak na pala ako kung hindi ko lang kinailangang suminghot. I glanced at the phone, inakalang binabaan na ako ng tawag ni James pero hindi pa pala.

"James?" tawag ko ulit. And again, walang sumagot.

He could've answered this call by mistake, like how booty calls originate o baka nga sinagot niya lang ito para matigil sa kari-ring ang cellphone but somehow, I knew he was listening.

"P-pwede bang..." I swallowed the lump in my throat at tumingala para hindi magtuloy tuloy ang pagtulo ng luha ko. "C-can you come here? Please?"

Please, James.

Kahit magkaayos lang tayong dalawa because my sister's condition was out of my control.

"I just need someone right now. Na-ospital kasi si a—"

Like Falling Rain // James Spencer FFWhere stories live. Discover now