Chapter 41

1.1K 33 26
                                    

"Let's talk."

I was suddenly very conscious about my whole body. Ni ang konting paggalaw ng kanyang kamay sa aking bewang ay ramdam na ramdam ko.

His eyes caught mine, kaya ngayo'y hindi ko na magawang umiwas.

Ito! Ito ang dahilan kung bakit sinisigurado kong hindi kami ganito kalapit tuwing nag-uusap! My mind would always sway out of topic!

"Let me go! Hindi tayo makakapag-usap ng matino kung ganito ka!" Sinubukan kong hilahin ang aking kamay palayo sa hawak niya pero kahit anong hila ko'y tila wala lang sa kanya.

My eyes widened in alarm when I felt his grip on my waist tighten.

"When I'm like what?" he drawled.

Ilang mura ang lumabas sa aking isip nang marinig na ginagamit niya na ang tonong iyon. We could've spared ourselves from pain if it was this easy to make me feel weak. I could feel myself starting to give in, ang mga mata ko'y bahagyang namumungay na.

He pulled me closer as if the space between us a few seconds ago were light years apart. Dahil sa lapit nami'y nakapatong na ang kanyang baba sa aking balikat and I could feel him down there na mas lalong ikinapula ng aking mukha.

I was no virgin, we both knew that. Pero sa tagal kong hindi nakaranas ng anumang may kinalaman sa kamunduhang ligaya't parang ganoon na rin ako.

"Like this?" aniya. His warm breath kissed the slope of my neck at muntik na akong bumigay sa oras na iyon.

He was being so touchy, that much was obvious.

"You manipulative son of a—"

Natigilan ako sa sinasabi nang naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa aking balikat. Kahit hindi ko siya nakikita nang maayos ay ramdam ko ang ngiti sa kanyang labi.

I was right about the smile when I heard him chuckle. "I leave for a month and you're this violent. Ano bang pinakain ni Amarissa sa'yo?"

His eyebrow raised slightly in amusement when he noticed my half-lidded eyes kaya nagmadali akong lumayo. "Stop trying to change the subject!"

Hindi siya nagsalita at mukhang hinihintay lamang ang sunod kong sasabihin. His gaze settled on his mirror at nang sundan ko ang tinitingnan niya'y nalamang kita pala doon ang repleksyon ng sasakyan ni Jacob.

The amusement disappeared from his face.

"Let me out," pag-ulit ko.

Nang sinalubong na niya ang aking mga mata'y seryoso na rin siya. Not a trace of amusement from a minute ago.

"And then what? Bigla ka na lang maglalaho?" He frowned a bit at that. "I'm not letting you disappear again if that's what your planning."

"Wow! Matapos mo akong balewalain ng halos isang linggo, iyan ang sasabihin mo sakin?!"

"I didn't ignore you, we talked." Mas lalong dumagdag sa aking inis ang pagiging kalmado ni James while I was almost losing my mind here.

"Iba kasi 'yon!" Suminghap ako at tumingala nang nagbantang tumulo ang aking luha. A wave of sadness, frustration, fear, and regret hit me once again. Was I really losing him?

Mahina niya akong inangat at ipinosisyon kaya ngayo'y diretso na akong nakaharap sa kanya. Sinubukan niyang hulihin ang aking mata pero nang napagtantong hindi niya magagawa dahil umiiwas ako'y inabot ang aking pisngi para iharap sa kanya.

Bumuntong hininga siya nang makita ang naluluha kong mga mata. Bago pa man siya makapagsalita'y inunahan ko na.

"Kung hindi ka na lang sana nagsinungaling at sinabing may nililigawan ka nga—"

Like Falling Rain // James Spencer FFWhere stories live. Discover now