Chapter 15

760 22 0
                                    

"O? Bakit naiiyak ka diyan?" mataray na tanong ni Amarissa.

Dahil sa sinabi niya'y sinamaan ko siya ng tingin bago niyakap. "Dalaga ka na talaga," I sniffed before I carefully backed away para hindi masira ang suot niya.

I guess the money James paid for the dress was worth it, saktong-sakto rin sa katawan ni Amarissa. Mukha nga siyang overdressed kung ikukumpara ko sa mga nakita ko kanina.

She looked like she was gonna celebrate her debut for Pete's sake! The deep blue color was cool to the eyes. She wore a petticoat underneath kaya lumobo ang sayal and kissed the floor only enough para hindi ito matapakan.

May mga detalye rin ng peacock feathers, fashioned with beads and glittering stones sa top at may mga stones rin sa skirt, scattered so it looked like the night sky.

"Let's go," minadali ko na siya kasi pupunta pa kami sa contest proper. I pulled her out with me at tulad ng sinabi ni James ay naghihintay nga siya sa labas.

Sumakay na kami sa sasakyan ni James. Pakiramdam ko nga, ako yung magco-contest because I was on the edge of my seat hanggang sa makarating kami sa venue.

Sa isang function hall ng hotel gaganapin ang contest. Nakahinga ako ng malalim nang nakitang may mga contestant pang nasa labas.

Some of them were murmuring something under their breath habang ang iba nama'y nakayuko at nagbabasa ng last minute.

"Amarissa Santos? Wala ba si Amarissa Santos?" The person, who I assume to be the project manager was saying pagpasok namin.

"Nandito po!" Riss called.

All eyes turned to her at kahit ang project manager ay panandaling natulala bago nagtawag ng bagong pangalan.

Nakahinga ako ng maayos at that moment nang nasigurado kong maayos na ang lahat.

"You look astonishing in that dress, Amarissa."

Sabay naming nilingon si James na kanina pa tahimik. I even forgot he was here!

"Thank you!"

"James." I called his name as if in warning.

Amarissa chuckled because of that. "Selosa mo naman ate."

"Sinasabi mo?" Tinaasan ko siya ng kilay before I pulled two vacant chairs closer. I gestured to the both of them to sit down habang naghahanap pa ako ng bakanteng upuan.

Pero naunahan na ako ni James na kunin ang isa pang upuan kaya umupo na lang rin ako sa kinuha ko.

"Saan ang punta niyo, ate? Bihis na bihis ah?"

Tiningnan ko ang suot kong pastel blouse at skirt which I partnered with my sandals. Mukha akong kagagaling lang sa isang informal na binyag dahil sa suot.

"You're even wearing make up!"

James was looking at me seriously, his eyes met mine after they raked my body at hindi ko matukoy kung paanong nanlamig ang tingin niya sakin.

Binasa ko ang aking labi. "Lalabas lang," tipid kong sagot.

"About the dress...babayaran ko." I told James.

I couldn't help but notice how he was wearing a button down white polo and black jeans. At least nag effort man lang siyang mag polo.

"You don't need to." If I was watching from afar, I'd think James was pissed. Kasi hindi nga siya masyadong nagsasalita but he also isn't this silent either!

"I insis—"

"Napaka-bossy mo naman ate!" singit ni Amarissa na nakikinig pala. Bossy ba talaga ako? Iyon rin ang sinabi ni James nung nakabalik na siya sa Pinas. "Nagmabuting loob na nga ang tao o pagkatapos mo siyang utus-utusan tapos ngayon halos utusan mo na siyang hayaan kang magbayad. Diba?"

Like Falling Rain // James Spencer FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon