Chapter 13

132 6 0
                                    

Para akong nabalik sa realidad nang makita ko si Rosé na masayang kausap si Lisa. They really looked like a happy couple. May kung anong bumara sa lalamunan ko habang pinagmamasdan silang dalawa sa malayo.

Tinext ako ni Lisa na sabay daw kaming maglalunch. Hindi ko naman alam na kasali pala si Rosie. Parang ampalaya ang kinain ko dahil sa sobrang pait ng nararamdaman ko.


"Alam mo ba Jennie na takot si Lisa sa thunder?" Nasa harap ko si Lisa habang katabi ko naman si Rosé.


"T-talaga ba?"


Masaya siyang tumango tango.


"Last week kasi, nagkayayaan ang mga friends ko at friends niya din mag sleepover sa mansyon ni Lisa." Panimula niya


Pinaglalaruan ko lang ang pagkaing nasa harapan ko. Isang iglap, ang gutom na naramdaman ko kanina biglang nawala.


Tiningnan ko si Lisa and he was looking at Rosé while smiling. Napapailing ito na parang may kung anong memorya ang lumabas sa isip niya.


Bitterness is what I feel as of this moment.


"Sakto naman naglalaro kami ng pong nang bumuhos ang malakas na ulan tapos may kasamang kidlat. Bigla siyang tumakbo sa kwarto niya at di na lumabas! HAHAHA"


Pinilit ko ang sarili kong makisabay sa tawa nilang dalawa kahit yung luha ko ay gusto rin sumabay sa agos ng pighati sa buhay ko.



"Thank you for staying by my side nung may kidlat"

Pain struck my heart.

Ang buo kong puso ay unti unting nawasak

Ngayon ko lang din napagtanto na wala akong alam sa buhay niya.


Ganito rin ba ang nangyari sa buhay ni Rosé noon? Puro pait ba ang nararamdaman niya? Bakit parang ibang iba naman to sa nakikita ko sa kanilang dalawa noon.


Bakit


Bakit


Parang ang sakit nung sa akin na nangyari?


Nakikihiram na nga lang ako ng buhay puro sakit pa sakin binigay.


What am I to you Lisa?

Palagi nalang ba akong out of the choices?



Bat ang hirap mong makuha?

Masama bang minahal kita?




Bago pa man lumabas ang luhang kanina ko pa pinipigilan ay nagpaalam na ako sa kanila.


"Naku may assignment pala k-kami sa SocSci. P-punta lang akong library. Sige una na k-ko" Ang mga mata ko ay naka Lisa lang nakatingin. Na para bang pilit siyang kinakausap gamit lamang ang wika ng mata


Pigilan mo ko Lisa promise mananatili ako

Pero narating ko nalang ang library na walang Lisa na pumigil. Bumuhos ang mga luhang nag uunahan sa paglabas. Bawat patak nito ay may kung anong emosyon na gustong gustong sabihin ng mga bibig ko pero natatakot ako kasi baka walang makaintindi ng nararamdaman ko.


Nagtungo ako sa pinakasulok na bahagi ng library at doon pinagpatuloy ang pag iyak.


Natigil ang paghikbi ko nang may maiinit na brasong bumalot sa katawan ko. Gulat na napatingin ako sa nag mamay-ari nito


Wish upon a Goddess [JENLISA fanfic]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora