Chapter 14

151 5 0
                                    

A/N

Update ako kasi natuwa lang ako sa votes HAHAHAHAHAHA. Yun lang












I've been ignoring Lisa for days now. Hindi ako pumupunta sa lugar na alam kong pinupuntahan niya. Maaga din akong umuuwi ng bahay kasama si Kai. Tuwing nasa labas naman siya ng classroom ko kasama si Rosé ay palagi akong may excuse para hindi sila makasama sa pag lunch.


And speaking of Kai, eto siya ngayon kinakain ang ang baon na niluto ni Witchy. Nagulat na nga lang ako noong binigay niya sakin ang baunan. She's a good aunt, mas lamang lang siguro ang kasungitan niya.

"Kai baka nakakalimutan mong ako ang may-ari niyang kinakain mo." I almost rolled my eyes at him nang makita kong may mga nagkalat na kanin sa bandang labi niya

He didn't mind but the pieces bothers me a lot. Kaya naman dumukwang ako sa kaniya at tinanggal ang mga butil ng kanin. Napatigil naman siya sa pagnguya at sandaling natulala.

Natawa lang ako sa mukha niya.

He finished the food na parang isang batang hindi nakakain ng dalawang araw. He closed my lunch box before giving it back to me.

"Thank you sa patupperware mo Kai" I said sarcastically but he only laugh at me

Matagal pa kaming nag uusap ni Kai ng kung ano ano. And yes he also knew about the wish upon the goddess part. He said he is the wisher's karma.

"Do you sleep in your palace?" I asked curiously

He nodded

"We sleep not because we needed it but just for a hobby"

"So are you a God or something?" He rolled his eyes on me

"Of course! I am the God of Karma. I'm the good side of your darkest desire" He murmured


We talk about those things before the bell rang. Naunang tumayo si Kai bago niya nilahad sa akin ang kamay niya. I reached for it and used his hands for support.

Hinatid niya ako sa classroom ko bago nagpaalam. Nang buksan ko na ang pinto ay may nahagip ako na anino ng isang tao. Nasa gilid ito ng classroom ko. Pero di ko na iyon pinansin at tuluyan nang pumasok ng silid.







Umuwi ako nang mag-isa dahil si Kai ay pinatawag ng God of all Sht na si YG.

Pagpasok ko ng bahay ay naabutan ko si Witchy na nakabihis at may dalang maleta. Napatingin siya sakin at hinila ang maleta papalapit sakin.

"Oh Jen pupunta muna ako sa probinsya namin sa Zamboanga del Sur. Mawawala ako ng limang araw. May allowance na din kong iniwan sa kwarto mo tsaka nakapag grocery na din ako para sa limang araw mo. Mag iingat ka dito." Bilin ni Witchy

Tumango lang ako at hinatid na siya sa labas. May taxi naman agad na huminto. Nang makaalis na ang taxi ay saka lang ako pumasok sa loob ng bahay.

Nagbihis ako ng pambahay at nahiga sa kama. Hindi ko namalayan ang pag pikit ng aking mga mata.

Nang magising ako ay halos wala akong makita dahil sa dilim ng kwarto ko.

Gabi na pala.

I said to myself.

Bumaba na ako ng kwarto at nagtungo sa kusina. Nakita kong may nakatabon sa mesa. Pagbukas ko ay agad nahagip ng aking ilong ang amoy ng shrimp. Dun ko lang naramdaman ang gutom.

Agad akong naghain ng kanin at nagsimula nang kumain. Nang matapos ay hinugasan ko na ang mga pinggan at nilagay sa lagayan ang natirang ulam.

Paakyat na ako sa kwarto nang may marinig akong boses sa labas. Pamilyar ang boses kaya lumapit ako sa binta sa may pinto at hinawi ang kurtinang nakatabin doon.

Laking gulat ko nang makita ko si Lisa na nasa labas. Nagdadalawang isip ako kung lalabasin ko ba o hahayaan siya don.

Binalik ko ang tingin sa kaniya.

Hindi ko namalayan na palabas na pala ako ng pinto. Nabaling ang tingin ni Lisa sa akin at agad umayos ng tayo. Pagkalapit ko palang sa kaniya ay agad bumungad sakin ang amoy ng alak.

"A-anong ginagawa mo dito?" I asked him

Lumapit siya sa akin kaya agad akong napaatras ng hakbang. Bumalatay ang kung anong emosyon sa kaniyang mukha.

"Am I not allowed to be here?" He asked me back.

Hinawan niya ang kaniyang batok bago humakbang palapit sa akin. This time I don't have the strength to move. Im too overwhelmed by the fact na andito siya sa harap ko.

"Si Kai lang ba ang pwedeng pumunta dito?" His words were like a venom of the deadliest snake in the world.

"I fuckin' missed you! I-ikaw hindi mo man lang ba ako namiss?" He whispered the last words to me.





He is getting closer and closer on me and my heart is starting to have a beat race of it's own.




He raised his left hand and gently caressed my cheek down to my jaw. He rested his hand in the back of my neck.




"May nagawa ba akong m-mali?" he continues

Napalunok ako.

His eyes went down because of my move.

He leans closer and started sniffing my neck. Naramdaman ko ang nagsisitaasang balahibo sa batok ko.

"Oh how I missed your smell." He then pulls me closer and now our body is only inches apart.

"How your soft body feels into mine" His voice is becoming raspy and yet so erotic to my ears.

He lean his face closer to mine. Our lips are almost touching. I can feel his hot breath on me. His breath is a mixture of cool mint and alcohol.



Parang nabalik ako sa realidad. Bahagya ko siya tinulak.




"L-lasing ka Lisa" Humakbang siya pabalik sa akin


"You know drunk people are the honest ones" He gave me his famous smile.


He caress my face. Looked at me like I was a precious stone.


"I am not supposed to feel this" His right hand starts playing with my hair.



"Why are you ignoring me love?" He whisper

Hindi ako makasagot---not that I want to answer it.



"Seeing you happy with someone makes me wanna punch him" Lisa's face leans closer to mine before giving me a peck on my forehead.

He rested his forehead in mine. He closed his eyes and took a deep breath. We are so close that my heart is beating fast. This is what I've been dreaming for years. Abot kamay ko na siya and yet I am not fully happy.





"I should be the one making you happy and not him." Hinawakan niya ang magkabila kong pisnge. Pinakatitigan niya ako.




"Ako lang dapat Jennie. Ako lang" And before I know it, his lips are already in mine.













Wish upon a Goddess [JENLISA fanfic]Where stories live. Discover now