Club

837 23 2
                                    

THIRD POV

"Tangina ni Jiyong, kunwari ayaw sumama, pero sya ngayon nagpapakasaya" usal ni Top sabay inom ng whiskey.

"Bakit magkasama sila ni milabs sa dj booth?" nagmumukmok na sabi naman ni Seungri.

"Pota si Jiyong, close na kay CL haha" natatawa namang sabi ni Youngbae habang pinanunuod sila Jiyong sa baba.

Nasa VIP room sila ng club at nasa baba naman ang dj booth kaya malaya nilang nakikita kung anu ang ginagawa ng boss nila.

"Ako dapat andun, hyung!" nagseselos na sabi ni Seungri habang lumalagok ng alak na iniinom nya.

"Yari" bulong na sabi ni Youngbae habang nakamasid pa din sa baba.

Hindi naman ito nakaligtas sa pandinig ni Daesung na tahimik lang nakikinig sa kanila.

"Bakit hyung? Anung problema?" tanung ni Daesung kay Youngbae.

Hindi naman kagad nakasagot si Youngbae kaya tumayo na sila Seungri para makiusyoso.

"Si Dara Noona!" gulat na sabi ni Seungri.

"Uy, sino yung chx na katabi nya?" tanung naman ni Top.

"Park Bom, isa sa talent manager ni Dara" sagot naman ni Daesung.

"Nakakaramdam ako ng away" usal ni Youngbae at humarap sa mga kaibigan nya.

Nakita naman ni Youngbae na pababa ng hagdan si Seungri.

"San punta nun?" tanung nito kay Daesung.

"Sasalubungin nya daw sila Dara noona" sagot naman nito.

"What?" takang tanung ni Youngbae.

"Pota, pano pag nagkita si Dara tska Jiyong?" natatarantang tanung ulit ni Youngbae na ikibit balikat lang ni Daesung.

Lumingon naman sya sa gawi ni Top na busy sa pag inom ng alak.

"Fuck" sabi nalang ng binata.

DARA's POV

Kakarating lang namin sa club ni Bom at busy na ang mga mata ko sa kakatingin kung nasaan si CL.

"Noona! Noona!" dahil sa lakas ng sound sa loob ng club, hindi ko msyadong marinig na may tumatawag na pala sakin.

"Dara noona!" rinig kong tawag sakin nang nasa likod ko.

Agad akong humarap kung sino man ang tumawag sa pangalan ko at tinaasan ko ito ng kilay na ngiting ngiti nang makita ako.

"Bom, who is he?" bulong ko kay Bom.

"That's CL's panda" matapos marinig kay Bom ang sagot, agad akong lumingon sa lalaking nasa harap ko at malawak kong nginitian.

"Hi! Do I know you?" tanung ko ulit sa kausap ko para hindi mapaghalataang kilala ko na sya.

"Ah, Seungri! Advertising Manager of Kwon Ent" malawak din ngiting sagot nito.

"Ohhh, Hi! Are you with someone?" nakangiti pa ding tanung ko.

"Yes, noona. Kung gusto nyo, pwede kayo makijoin samin, nsa VIP room kami" nakangiti pa ding sagot nito.

Nagkatinginan naman kami ni Bom sa alok nya at tumango ito sakin.

"Sure! By the way, let me introduce you to my friend..." sabi ko at naputol nang sumingit si Seungri sa sasabihin ko.

"Yes, I know her! Former model-singer Park Bom who graduated in Harvard same as yours and currently a Talent Manager in your company" tuloy tuloy na sabi nito.

Business Rival (Completed)Where stories live. Discover now