Past

1K 22 0
                                    

Flashback

Dara's POV

Iyak ako ng iyak nang malaman kong dead on arrival ang mommy ko sa ospital. Hindi ko matanggap. I lost my mom without me saving her.

Nasa university ako nang malaman ko ang nangyari. Tinawagan ako ni daddy na humahagulgol sa telepono habang kausap ako.

"Sandara, ang mommy mo, iniwan na tayo" rinig ko ang garalgal nyang boses.

Andito ako ngayon sa ospital kung saan dinala si mommy. I rushed towards my dad and hug him tightly.

"Daddy.." yun lang ang nasabi ko at di ko na napigil ang luha na kusang tumulo sa pisngi ko.

Pinilit akong pauwiin ni daddy kahit ayoko pang umuwi. Gusto ko pang makasama ng matagal si mommy. I saw how his eyes become misty.

"Anak please lang. Magpahinga ka na" sabi nya sakin at pinahatid na ko sa family driver namin.

Ilang araw akong hindi pumasok dahil na din sa pag aasikaso sa burol ng mommy ko. Simula ng umuwi si daddy sa ospital para ayusin ang mga bills and release ni mommy, hindi ko na sya makausap ng matino. He shut down his world to us. Lagi syang nagkukulong sa master bedroom. I even saw him one time na kausap ang picture ni mommy. Napaiyak ako. Naawa ako kay daddy. Naawa ako sa sarili ko.

Mommy, paano na kami? Bat mo kami iniwan? naiiyak na bulong ko sa sarili.

Sa mga araw na lumipas, napansin kong hindi man lang pumunta ang nobyo ko sa bahay. I called him multiple times pero laging out of coverage area. I decided to ignore it until I can no longer keep my annoyance.

Nobyo ko sya at dapat lang na nandito sya diba? Bakit hindi ko maramdaman yung pagmamahal nya kung kelan kelangan ko sya?

I decided to go to his house and regretted my decision.

Napatigil ako sa nakita ko.












I saw him kissing Kiko.
























Biglang kumirot ang puso ko. Bakit ganon?May nagawa ba kong mali? Bakit hinahalikan ni Jiyong si Kiko? Hindi pa din ako makagalaw sa nakita ko.  I turn my back nang natauhan ako, pero huli na, napansin na pala ako ni Jiyong.

"Dee!"

Hindi ako lumingon at pinagpatuloy ang paglalalakad ko papalayo.

"Wait, Dee. It's not what you're thinking" hinabol nya ko nang nakalabas na ko ng bahay nila.

"Seriously, Kwon? Sasabihin mo talaga sakin yan matapos ko makita ang ginawa nyo?" I feel betrayed. Sa halo halong emosyon, hindi ko na napigil ang pagpatak ng luha ko.

"Dee, hindi ganun" napapasabunot na sabi nito.

"Wala na tayo dapat pag usapan, balikan mo na yang nilalandi mo" tumalikod na ulit ako pero nahawig pa ng paningin ko si Kiko na nakangiti sakin.




--

Ilang araw na ang lumipas nang may mangyare sa bahay ni Ji. Araw araw din itong pumupunta sa bahay namin pero hindi ko sya magawang harapin.

Masama ang loob ko. Ilang araw din akong umiiyak at namumugto na ang mata ko. Nagaalala na din ang mga katulong sa bahay dahil sa inaasal namin ni daddy. Awang awa ako sa sarili ko. Lahat nalang ng mahal ko, iniiwan ako. Bakit?

Business Rival (Completed)Where stories live. Discover now