13. This Awkward Feeling

550 37 16
                                    

Chapter 13: This Awkward Feeling

Landon

Nang mapasarap ang pagkanta, ginamit niya ang dulo ng walis tambo bilang isang microphone. Tila, feel na feel ang ginagawa. Kung makikita ko lang siguro ang mukha niya, siguradong nakapikit ito.

Bahagya akong napangiti. Hindi ko inakalang may itinatago rin pala siyang ka-weirduhan sa katawan. Hindi pa rin siya tumatalikod kaya hindi niya pa rin ako napapansin. Siguro kapag nalaman niyang kanina ko pa siya pinapanood sa likuran niya, guho ang mundo nito.

"You changed my life in the moment, I'll never be the same, no--"

Nang nasa birit part na siya ng kanta, nagulat ako nang bigla siyang pumiyok. Natigilan ako at sunod, hindi ko na napigilan ang sarili para humagalpak ng tawa. Ang ganda na sana ng boses niya pero bakit pa siya pumiyok?

Dahil sa pagkahagalpak ko, napahinto siya sa pagkanta at sa wakas, napalingon na siya sa akin. Gulat ang lumitaw sa mukha nito. "K-kanina ka pa and'yan?"

"Saglit lang, tatawa muna ako." Hindi ko siya sinagot bagkus nagpatuloy pa ako sa pagtawa. Gusto ko man pigilan na huwag matawa pero ang hirap dahil tila, um-echo na kasi sa utak ko 'yong pagpiyok niya. Napahawak ako sa tiyan dahil sa pananakit nito.

"Huwag kang tumawa! Nakakainis!"

Nagpahid ako ng luha sa ibaba ng mga mata ko. Nang mag-subside na ang tawa at ang luha ko, nakangiting pilyo akong tumingin nang deretso sa kanya. "Akala ko, matatapatan na ni Zara Guerrero ang isang Asian's Popstar Royalty na si Sarah Geronimo. Pero bakit ka pa pumiyok?" natatawa kong pang-aasar sa kanya.

"I-Ibig sabihin, kanina mo pa nga ako naririnig na kumakanta? Naku, b-bakit hindi ka kumatok?" nakangiwi ang bibig nito habang nagtatanong.

"Fortunately, yes. Kasalanan ko ba naka-awang ang pintuan mo?"

Bumilog ang mga mata niya at napahawak ng labi. "Hala. Nakakahiya."

"Ba't ka naman mahihiya? Kaboses mo nga si Sarah G, eh. Siguro sa kaniya ka pinaglihi ng nanay mo, 'no? Hindi lang kayo magkaboses dahil magkatunog pa ang mga pangalan niyo. Siya si Sarah G. at dahil ikaw si Zara Guerrero, ikaw naman si Zara G. Ang lupit!"

"Ang corny, ah! Ang dami mong alam!" Napailag ako nang ibato niya sa akin 'yong walis tambong hawak niya. "Tulungan mo na lang akong magwalis! Kalimutan mo na lang 'yong boses ko."

Maliit akong natawa habang pinupulot 'yong walis tambo sa sahig. Ang cute ng reaksyon niya, hiyang-hiya talaga siya at parang naaasar. "Zara, serysoso nga, hindi ko inakala na magaling ka palang kumanta. Hindi mo manlang sinabi sa akin na may talent ka palang ganyan. Pero kaunting practice para iwas ang piyok.

"Nagkakamali ka lang ng pagkakarinig! Pangit ang boses ko. Saka, huwag mo nga ako asarin sa pagkapiyok ko." Pumunta ito sa bandang kusina kaya sinundan ko siya.

"Sus, pa-humble."

"Puwede ba, Landon? Tigilan mo ako!"

Dahil likas sa akin ang pagiging makulit, hindi ko pinakinggan ang sinabi niya. "Sayang talaga kung hindi ka pumiyok, perfect na sana. Kanta ka nga ulit!"

"Ayaw ko!"

Sumandal ako sa gilid ng pader habang nakahalukipkip. "Alam mo bang sabi ni Papa God, kapag hindi mo raw pinahalagaan at patuloy mo lang itinatago iyang talento mo, babawiin niya."

"Ayos lang iyon kasi wala akong pakialam," matigas na sambit niya nang hindi tumitingin sa akin. Abala siya pag-aayos ng plastik ng basura, wari ko'y itatapon niya ito sa labas.

wish i could see your smileWhere stories live. Discover now