17. Pinky Promise

492 32 8
                                    

Chapter 17: Pinky Promise

Landon

Imbes na dalhin si Zara sa Hospital o sa Physchiatrist, mas nagpumilit at ginusto na lamang niyang manatali muna sa loob ng bahay niya para makapagpahinga. Alam na nina Mama, Tito Ferdy at Kuya Cody 'yong nangyari kaya agaran silang pumunta rito sa bahay para asikasuhin si Zara. Kasalukuyang nililinis ni Kuya Cody 'yong mga dugo't buhok na nagkalat sa banyo, samantalang si Mama at Tito Ferdy naman ay nilalagyan ng gamot ang sugat ni Zara sa pulso.

"Papaikutan ko na lang nitong benda ang pulso mo at tapos na," sambit ni Mama. Nakahiga lamang si Zara sa kama niya habang tahimik na pinapanood si Mama sa ginagawa nito. Ako naman, nakaupo lang sa paanan ng kama niya at tahimik lang ding nanonood. Nakapagpalit na rin kami pareho ng mga damit namin. "Ayos na," nakangiting sabi ni Mama kay Zara sabay tayo. "Huwag mo na itong uulitin, ha? Mabuti na lang dahil hindi gaano kalalim 'yong mga sugat mo. Grabe, hindi ko inaasahan na ganitong sitwasyon pa kita unang makikilala." Bahagya akong natawa dahil sa sinabi niya.

"Iha, sigurado ka bang ayos ka lang dito? Ayaw mo talagang pumuntang hospital?" tanong ni Tito Ferdy.

Maliit na umiling si Zara. "Hindi na po. Matutulog na lang po ako rito."

"Pero bukas, sa ayaw o sa gusto mo, pupunta tayong psychiatrist, kailangan nating malaman kung anong klaseng kundisyon ang meron ka. Alam kong depresiyon iyan pero kailangan nating malaman kung gaano na kalala at kung paano nating mas madaling masosolusyunan," wika ko.

Ilan segundo niya akong tiningnan bago marahang tumango. Saktong pagtango niya, paglabas naman ni Kuya Cody sa loob ng banyo, senyales na tapos na niya itong linisin.

"Zara, alam mo bang physical abused 'yong ginagawa sa iyo ng nanay mo? Nakasulat ito sa batas na bawal saktan ang kanilang mga anak. Zara, anytime puwede natin siyang i-report sa inuuku-"

"Huwag po!" Nagsimulang kuminang ang mga mata ni Zara na nagbabadyang lumuha. "Ayaw ko pong ipa-report si Mama. Baka makulong siya. At ayaw ko po siyang makulong dahil sa akin. Ayaw ko po. Nanay ko po iyon. Kahit sinasaktan niya ako, mahal ko po iyon. Walang katumbas 'yong pananakit niya sa buhay na ibinigay niya sa akin. Huwag niyo po siyang ipakulong. Huwag po, pakiusap. Baka mas lalo niya lang ako sisihin na sinara ko po ang buhay niya. Huwag po. Please!" Sa isang iglap, tuluyang nang umagos ang mga luha niya sa mga mata. Bigla ako nag-alala. Lalapit na agad sana ako sa kanya pero nauhan na ako ni Mama.

"Shh. Huwag kang mag-alala. Sige, hindi natin siya ipapakulong. Tahan na. Shh," saad ni Mama para pakalmahim si Zara mula sa pag-iyak nito habang nakahawak sa magkabilang pisngi. Pagkatapos, niyakap niya si Zara.

Napatingin ako kay Tito Ferdy at napatingin din siya sa akin. "Tito, sa tingin ko, mas mabuting huwag muna nating pag-usapan iyan. Magulo pa po ang isip niya. Isipin muna natin ngayon kung paano natin mapagagaling at mapapasaya siya."

"Pasensiya na. Nag-aalala lang ako. Kawawa kasi siya, baka maulit na naman."

Napalunok ako ng laway. "Hindi po iyon. Hindi po natin hahayaang maulit iyon. Ilalayo na natin siya. Sisiguraduhin ko po iyon."

Napatingin ako kay Kuya Cody nang marinig ko itong humagikgik sa isang tabi. Sinamaan ko siya ng tingin. Bwiset ito. Siguradong umiisip na naman ito ng kalokohan para asarin na naman ako kay Zara. Pero hinayaan ko na lng din kasi alam kong may topak na iyang sa utak.

-

Nang dumaan ang dalawang oras at siniguradong nakakain na si Zara ng almusal ay nagsialisan na sina Mama, Tito Ferdy at Kuya Cody. Kaya ang nangyari, naiwan kaming dalawa ni Zara sa loob ng kuwarto niya. Bumalik na ulit sa pagkakahiga si Zara at nagtalukbong ng manipis na kumot para matulog. Samantalang ako naman, hindi pa rin umaalis sa kung saan ako nakaupo kanina pa. Gusto ko siyang bantayan kaya nagpaiwan ako rito.

Napatingin ako sa paligid nang mapansin kong maliwag pa pala dahil bukas pa rin 'yong ordinaryong ilaw kaya tumayo ako at hinanap kung nasaan 'yong remote ng LED lights. Baka kasi nasisilaw si Zara. Nang mahanap ko ito sa ibabaw ng lamesa, pinatay ko muna 'yong ordinaryong ilaw para pailawan 'yong LED lights. Ginamit ko 'yong remote para pindutin 'yong paborito niyang kulay. Tulad ng sabi niya sa akin, kulay dilaw ang nagbibigay gaan sa sarili niya kahit papaano. Umaasa ako sa simpleng ganitong paraan.

Umupo muli ako sa kama.

Pansin kong gumalaw siya at dahan-dahan niyang tinanggal 'yong kumot na nakatalukbong sa kanya. Nakakunot ang noo nito nang tumingin siya sa akin. "Bakit mo pinatay? Buhayin mo ulit 'yong pinaka ilaw. Medyo madilim, eh."

"Bakit? Akala ko, natutulog ka?"

"Hindi. Nagsusulat ako dito sa notebook na ibinigay mo. Kaya nagtalukbong ako ng kumot kasi baka mabasa mo," aniya.

Napatawa na lamang ako at napailing-iling ng ulo. Agad akong tumayo at binuhay 'yong ordinaryong ilaw.

-

Nag-request ako kay Mama na kung puwede bang dito muna ako matulog sa bahay ni Zara ngayong gabi, pumayag naman siya pero ang bilin niya sa akin ay dapat tamang oras pa rin ang pag-inom ko ng gamot at huwag na huwag daw akong tatabi kay Zara sa pagtulog. Mahirap na. Baka hindi mapigilan ang mga sarili. Baka may bagong buhay ang sumibol.

Kanina, kada-tatlong oras kaming binibisita ni Mama at Tito Ferdy para dalhan ng pagkain at para dalhin na rin 'yong bag ko na may laman na mga gamot. Nakakatuwa man isipin pero palihim akong umiinom ng gamot para hindi mahalata ni Zara. Hindi naman niya ako nahuhuli kasi palagi siyang tulog.

"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong niya sa akin.

"Hindi. Dito lang ako at babantayan ka."

"Hindi mo naman kai—"

Pinutol ko ang sinabi niya. "Kailangan, Zara. Ikaw rin may sabi kanina na hindi mo mapigilan para saktan mo ang sarili mo kaya mas mabuting bantayan kita."

Napayuko ito ng ulo. "Naaawa ka ba sa akin?" tanong niya.

Inabot ko ang kamay nito. "Matapang ka, Zara. Pero sa ngayon, hayaan mong alagaan at bantayan kita. Ayaw kong mangyari ulit 'yong nangyari kanina at 'yong kahapon. Lalaban ka—lalaban tayo. Ayaw kong mawala ka. Be positive, Zara. Kaya mo iyan at nandito lang ako. Sasamahan kita. Hindi ako mawawala sa tabi mo."

"P-Pangako?" itinaas nito ang kaniyang kamay at ikiniyom ang apat na daliri, itinira lamang ang hinliliit. Napatawa ako dahil gusto niya pa lang mag-pinky promise.

Ngumiti ako sa kanya at kinapitan 'yong daliri niyang iyon gamit ang hinliliit ko rin. "Pangako."

"Salamat!" Nagulat ako nang yakapin niya ako bigla kaya ilan segundo pa ang tumagal bago ko siyang nayakap pabalik.

Hindi ko man alam kung ano puno't dulo kung bakit binubugbog siya ng nanay niya pero sinisigurado kong palagi lang akong nandito sa tabi niya. Ako ang magiging anghel o sundalo niya. Alam ko kasi na hindi lang sa trabaho ni Zara ang dahilan kung bakit binugbog siya nito. Malakas ang pakiramdam ko na meron pang mas malalim na dahilan pero hindi ko muna iyon itatanong kay Zara ngayon. Hihintayin ko siyang mismo ang magsabi no'n sa akin.

Nag-init ang loob-loob ko at napaawang ako ng bibig nang maramdaman kong isiksik niya pa ang sarili niya sa akin. Pero sinubukan kong isinawalang-bahala lang iyon kahit pa na medyo nakakailang.

"Zara?"

"Uhmm..."

"Sa susunod na uulitin mong maglaslas ng braso, tutulungan na kita."

Bahagya siyang lumayo at humarap sa akin.

"Ano? Paanong tulong?"

"Kukuha ako ng lagari at lalagariin natin iyang braso mo, gusto mo iyon?" Natawa ako.

"Baliw!" Mahina niyang hinampas ang dibdib ko.

"Aray! Oh, kung ayaw mong lagariin ko 'yang braso mo, huwag mo na 'tong uulitin, okay?" Pinilit kong hawakan ang baba niya.

---------

wish i could see your smileWhere stories live. Discover now