16. Stop

288 35 15
                                    

Chapter 16: Stop

Landon

Halos treinta minutos na akong nakaupo dito sa gilid ng pintuan at nakasandal ang ulo sa pader. Hindi ko pa naiisipan para umuwi dahil nagbabaka sakali pa akong buksan niya agad ang pintuan ng kuwarto niya. Hindi ako aalis dito, hangga't hindi kami nagkakaayos, hangga't hindi ko pa naka-klaro na hindi ko sinuway ang napagkasunduan namin noon, hangga't hindi pa siya tumatahan.

Idinikit ko muli ang aking kaliwang tainga sa pintuan para pakinggan kung umiiyak pa ba siya, bigla kasing parang tumahimik. Hindi katulad kanina, rinig na rinig ang paghagulgol niya kahit hindi ko itapat ang tainga sa pinto.

"Zara..." tawag ko sa pangalan niya at mahinang kumatok ng dalawang beses. "Naiyak ka pa ba?.."

Wala akong natanggap na kahit anong sagot galing sa kanya. Pero, narinig ko siyang humihikbi-hikbi. Ibig sabihin, hindi pa rin siya tumatahan.

"Zara.. Nandito lang ako."

Napasandal ulit ako sa pader. Makulit na kung makulit pero hindi ko maiwasan para mag-alala sa kanya. Sa halos isang buwan ko na siyang nakakasama, kabisado ko kung gaano kanegatibo ang kaniyang pag-iisip. Ayaw ko man isipin pero hindi imposible na may gawin siyang bagay na ikapapahamak ng sarili niya. In case man gawin niya iyon, nakabantay ako para pigilan siya.

"Landon!" Napatingin ako sa bintana nang marinig ko ang boses ni Mama mula sa labas ng bahay. "Anak!" Marahas akong napakamot ng ulo ko, alam kong pauuwiin na niya ako. Nakakainis.

"Landon, 1 PM na! Kailangan mo nang kumain dahil kailangan mo nang uminom ng gamot! Alam mo naman na masama para sa iyo na ma-late ng pag-inom ng gamot, 'di ba? Umuwi ka na muna!"

Nanglaki ang mga mata ko nang marinig ko ang mga sinabi ni Mama. Karipas na 'ko sa pagtakbo hanggang makarating ako ng front door. Halos habulin ko ang hininga ko nang buksan ko ito.

"Oh? Ba't ganyan ang mukha mo?" tanong niya sa akin.

Napanguso ako kay Mama. "'Ma, huwag niyo nang ipagsigawan 'yong tungkol sa pag-inom ko ng gamot. Baka marinig ni Zara. Alam niyo namang itinatago ko nga 'yong sakit ko sa kanya, 'di po ba?"

Napangiwi siya. "Ay, sorry, anak," paumanhin niya. "Tara, kain ka muna."

Kahit ayaw ko pa munang umuwi, hindi rin pala pu-puwede iyong kagustuhan kong iyon. Panandalian ko munang iiwan si Zara at bibilisan ko na lang kumain para makabalik ako agad sa bahay niya. At kapag nakabalik na ako, magdadala ako ng pagkain para sa kaniya, piraso ng mga papel at gitara.

-

"'Ma?" tawag ko kay Mama habang nanonood siya ng TV sa sala. Ako na lang ang kumakain ng tanghalin dahil silang tatlo nina Tito Ferdy at Kuya Cody ay mga tapos na kanina pa.

"Ano iyon?"

"Puwede po bang dito na lang kumain si Zara araw-araw?"

Kumunot ang noo nito. "Bakit?"

"Biscuit lang po kasi 'yong madalas niyang kinakain."

Nagulat siya. "Totoo? O s'ya, ayos lang. Dito na lang siya kumain. Puwedeng-puwede naman iyon dahil tuwing kumakain naman tayo ay palaging may natitirang sobra. Walang problema."

Ngumiti ako sa kanya. "Salamat po."

"Sus, huwag kang mag-alala. Palagi akong magluluto ng mga masasarap na ulam para tumaba-taba manlang ang Zara mo. Gusto mo lang yata siyang makasamang kumain dito, eh."

"'Ma! Hindi. Gusto ko lang siyang tulungan," suway ko sa kanya.

"Sus," kumurba ang nakakaloko niyang ngiti sa labi. Hindi na lang ako umimik, bagkus mas binilisan ko pang kumain para iwasan na lang siya at makaalis na.

wish i could see your smileWhere stories live. Discover now