Lyrics of 'Aayusin Kita' written by Landon

543 25 8
                                    

Aayusin Kita

Landon Edward Santos
(Nick_Black02)

Nais kong maglakbay
Sa dating ikaw
Hawakan lang ang aking kamay
Ako ang iyong magiging bantay

Asaan na ang tunay na ikaw?
Gusto kong makita
Gusto kong maramdaman
Kahit sa isang segundo lamang

Ohh . . .

Asaan ang ligaya sa iyong mga mata?
Na tila, naging salungat

Pipilitin kang ayusin
Kahit sinisira ka nila ulit
Huwag matakot
Naniniwala akong kaya kitang baguhin
Kahit anong mangyari
Kahit ako'y mahulog pa
Sa iyo

Sa mundong puno ng parusa
Sa akin ay dapat ika'y aasa
Sa mundong puno ng dilim
Ako ay nagmimistulang bituwin

Asaan na ang tunay na ikaw?
Gusto kong makita
Gusto kong maramdaman
Kahit sa isang sugundo lamang

Pipilitin kang ayusin
Kahit sinisira ka nila ulit
Huwag matakot
Naniniwala akong kaya kitang baguhin
Kahit anong mangyari
Kahit ako'y mahulog
Sa iyo

Ililipad tayo ng eroplanong papel sa himpapawid
Magsasaya tayo na tila'y ito na ang huli nating sandali
Kumapit ka nang maghigpit
Heto na
Malapit na tayo
Nakikita ko na ang liwanag sa iyong mukha
Pero baking ganoon?
Unti-unti ring nawala?

Ohh . . .

Paano ko mababago ang mundo?
Paano tatapalan ang sugat na tuloy sa pag-agos?
Mahirap pero hindi ako titigil

Dahil . . .

Pipilitin kang ayusin
Kahit sinisira ka nila ulit
Huwag matakot
Naniniwala akong kaya kitang baguhin
Kahit anong mangyari
Kahit damdami'y hindi napigilang malaglag
Sa iyo

Oh . . .

Marami kang halaga rito
Huwag mong kalilimutan iyan
Sirain ka ng mundo,
Nandito naman ako
Para ayusin ko
Ikaw ang uunahin kaysa sa sarili

Aayusin kita
Simula sa iyong puso
Papunta sa iyong labi
Para makita ang iyong mga ngiti

------

Guys! Meron na siyang tono pero hindi ako singer kaya hindi niyo mapakikinggan iyon. Hahaha. Comment naman po kayo ng reaction sa kantang ginawa ko? Thank u.

wish i could see your smileWhere stories live. Discover now