19. Just Shout It Out

325 29 5
                                    

Chapter 19: Just Shout It Out

Landon

Tulad kahapon, dito ulit ako sa bahay niya magpapalipas ng gabi para mabantayan siya. Napainom ko na siya ng gamot at nakainom na rin ako ng sarili kong gamot.

Hating gabi na pero hindi pa rin ako madalaw-dalaw ng antok kaya heto ako, nakatulala sa kisame. Ewan ko ba pero gumugulo pa rin sa isipan ko 'yong mga sinabi ni Zara sa akin kanina. Hindi ko alam na may plano pala siyang pumuntang ibang bansa. Nakakabigla man pero nagagawa kong unawain na lang iyon.

"Landon?" Rinig kong tawag niya sa pangalan ko. May kasamang pagtataka nang tumingin ako sa kanya kasi akala ko'y tulog na siya.

"Uhm?.." tugon ko sabay hikab.

"Tulog ka na ba?"

"Oo."

"Talaga?"

"Oo nga. Nanaginip na nga ako, eh."

"Eh, ba't ka nagsasalita?"

Napatawa ako nang bahagya. "Siyempre, ganoon ako kapag kailangan mo ako. Kahit tulog, tutugon para sa 'yo. Ikaw, ba't gising ka pa?"

"E di, wow," komento niya. "Hindi rin ako makatulog. Nagugutom ako," aniya.

"Gusto mo bang kumain?"

"Siyempre, nagugutom nga ako, 'di ba?" pagpipilosopo niya sa akin.

Napakamot na lamang ako ng ulo at saka dahan-dahang bumangon mula sa sofa. Aminado ako na kahit hindi ako makatulog, tinatamad na ang buong katawan ko para bumangon pa pero wala akong magagawa kasi nagugutom daw siya. Kailangan ko siyang pagbigyan. At gutom lang siguro ito kaya hindi rin ako makatulog.

Napatingin siya sa akin nang mapansin niya akong tumayo.

"Tara," yaya ko sa kanya.

Agad siyang bumangon mula sa pagkakahiga at inayos ang sarili. Kinuha niya ang kaniyang dilaw na hoody at isinuot ito. Pagkatapos, sabay kaming lumabas ng kuwarto.

"Saan ba tayo kakain?" tanong niya sa akin habang naglalakad kami papuntang front door.

"Bawal tayong lumabas ng subdivision nang ganitong oras, 'di ba? At wala ka rin namang pagkain rito sa bahay mo kaya sa bahay na lang namin tayo kakain."

"Okay. Pero Landon, request ko, gusto kong pumapak ng gatas. 'Yong powdered. Puwede ba?"

Napakunot ako ng noo. "Sigurado ka? Akala ko ba, gutom ka? Iyon lang pala ang gusto mong kainin, eh. Hindi ka mabubusog doon."

"Sinabi ko bang iyon lang? Gusto ko rin kayang kumain ng kanin. Sana nga may tira pa no'ng hapunan na kinain natin kanina."

"Ang takaw mo," natatawa kong sambit.

"Hayaan mo na. Hindi naman ako nataba."

-

Pagkatapos niyang kumain ng kanin ay agad niyang nilantakan 'yong powdered milk. Mabuti na lang kasi meron kaming stock na ganoon dito sa bahay kahit wala sa amin nina Mama, Tito at Kuya na mahilig magtimpla no'n. Kadalasan kasi kami ay kape.

Kumain lang ako ng kanin at hindi na naisipan para makipapak din ng gatas. Kasalukuyan kaming nakatambay muna ngayon dito sa sala namin para magmunimuni. Kanina, nahirapan pa kaming pumasok dito sa loob ng bahay kasi akala ko'y wala akong susi ng pintuan. Mabuti't naalala kong binigyan ako ng spare key ni Mama na nasa loob lang ng bag ko. Hindi na namin sila nadatnan no'ng pumasok kami rito, siguro kasi mahimbing na silang natutulog ngayon. Kaya kung maaari, iniiwasan naming ni Zara na gumawa ng ingay para hindi sila maabala sa pagtulog.

wish i could see your smileWhere stories live. Discover now