39. Because She Is Now In A Better Place

345 28 14
                                    

Chapter 39: Because She Is Now In A Batter Place

Landon

Isinama na namin si Kuya Cody sa pag-pi-pillow fight, bigla kasi kaming nag-ilangan ni Zara pagkatapos namin marinig ang mga sinabi niya. Saka, ayaw kong baka biglang asarin pa niya ako rito kung hindi namin siya pinansin. Ngunit, maya-maya nang makaramdam kaming tatlo ng pagod, tumigil na rin kami agad. Lalo na ako, kailangang sandali lang ang paglalaro datapwat bawal akong mapagod nang husto dahil baka umatake ang sakit ko.

Tumawa na lang kami nang tumawa habang nakaupo na lang. Pero nang mahagip ng paningin ko sina Mama at Tito Ferdy, napakunot ako ng noo at gumuhit naman sa labi ko ang ngisi.

Ninguso ko si Kuya Cody. "Kuya, tingnan mo sila Mama, oh."

Hindi pa kami napapansin nila Mama na tumigil na sa pag-pi-pillow fight dahil tuloy pa rin sila sa paghaharutan ni Tito Ferdy. Nanatili kaming tahimik habang taimtim silang pinapanood sa sopa, hinihintay na mapansin din kami agad. Wala kaming balak pang istorbihin ang pag-e-enjoy nilang dalawa.

"Bagay sila," natatawang sambit ni Zara. "Pero a-asaan ba 'yong tunay niyong t-tatay?" nag-aalangang tanong niya sa amin.

Natigilan kaming dalawa ni Kuya Cody at dahan-dahang nilingon si Zara. Hindi pa pala niya alam 'yong tungkol sa tatay namin.

"Ayos lang bang malaman? Kung hindi, ayos la—"

"Nasa kabit niya," matigas na sabat ni Kuya. Pagkatapos, nagbuga siya ng kaunting hangin sa labi niya.

Napaawang ang bibig ni Zara. "Ganoon ba? Sorry."

"Pero kapatid ni Tito Ferdy si Papa," sabat ko.

Halos lumawa naman ang mga mata niya. "Tunay? Akala ko sad'yang tinatawag niyo lang ng 'Tito' si Tito Ferdy. Grabe, bakit parang ang sama naman ng tatay niyo? Si Tito Ferdy pa 'yong tumutulong at nag-aalaga sa inyo, imbes na 'yong kapatid niya. Ang bait talaga niya."

Napabuntong-hininga ako. "Oo. Magkabaliktad talaga sila ng ugali. Pero ayos na iyon, wala na naman kaming pakialam ngayon sa tatay namin. Hindi man namin alam kung nasaan siya o baka nga may bago na siyang anak ngayon pero sana, huwag na siyang magpakita pa. Galit kaming lahat sa kaniya, pati na rin si Tito. Para kasing iniwan niya lahat 'yong resposibilidad niya bilang ama sa kaniyang kapatid. Ang laki kaya ng utang na loob namin kay Tito. Isipin mo, halos lahat ng sinuweldo niya bilang isang seaman, sa pampagamot ko napunta. Kaysa sa tarantadong unggoy naming tatay, ni-walang pakialam at sustento sa amin. Mas gugustuhin ko pa ngang si Tito na lang ang naging tatay namin, eh."

Mariing natawa si Kuya Cody dahil sa sinabi ko at nakipag-apir pa sa akin. "Hoy! Hindi imposible na maging tatay natin si Tito Fedry! 'Di ba, Mama?"

Sa wakas, dahil sa hudyat ni Kuya Cody, tumigil din sila sa paghahampasan ng unan sa mukha. Saka lang nila napansin na tapos na kami sa paglalaro. Kung kanina ay halos maubusan na sila ng hininga katatawa, ngayon naman ay halos mamula-mula na sila gaya ng kamatis. Tahimik silang nag-iwasan ng mga tingin at pumunta sa magkabilang dulo ng sopa. Halatang naiilang sila sa amin. Bahagya naman kaming natawa sa mga inaakto nila.

"Ano iyon, anak?" tanong ni Mama.

"Puwedeng maging kayo ni Tito, 'di po ba?" diretsong tanong ni Kuya.

Nalaglag ang panga ni Mama at ganoon din si Tito Ferdy. Samantalang kami, taimtim na naghihintay ng sagot ni Mama. Halatang nabigla silang dalawa sa tanong.

"Anong klaseng tanong iyan?"

"'Ma, dali na! Oo at hindi lang 'yong sagot," pagpipilit ko.

Pansin naming nagkatingin pa sila pareho. Ramdam ko ang tensiyon na numumuo sa pagitan nilang dalawa. Hindi man aminin ni Tito, alam namin na gusto rin niyang marinig ang sagot ni Mama. Una pa lang, halata na naman namin na may pagtingin na siya sa rito. Walang kaso sa amin iyon, bagkus payag na payag pa nga kami roon.

wish i could see your smileWhere stories live. Discover now