CHAPTER 14

1.1K 42 1
                                    

CHAPTER 14

Hindi ko na alam kung ano ba ang nangyari nitong nakaraang araw magmula ng umalis si Lucas, hindi ko na halos namamalayan lahat ng nangyayari sa paligid ko dahil sa pagbubuntis. Mayat maya akong nakakatulog kung saan nalang ako makahilig na talaga namang ikinababahala ko dahil minsan na akong nakatulog sa isang taxi at buti na lamang at mabuting loob ang driver at mabilis akong ginising ng minsang makaidlip ako. Grabe ang pagpapasalamat ko kay Manong at binigyan siya ng malaking tip dahil doon.

Tahimik. Iyon ang nangyari sa nakalipas na araw magmula noon. Lucas left. He decided to handle their company ni L.A, noong umalis siya ipinangako niya na tatawagan niya ako at kakamustahin ng panay but he didnt. I also understand how he became distant to me, ganoon din naman ako dahil sa nangyari but I just let it.

Saglit kong pinagmasdan ang sarili ko sa salamin at nagdesisyon na lang na bumaba. I am here in Batangas, on our Old House kung saan mabilis ring nagsiuwian ang aming mga magulang maging ang pamilya ng aking mga kapatid ko to hear a good news from me. Ngunit ng makarating ako roon at sinabi ang nangyari maliban sa rape thing, nagalit ang mamang at sumama ang loob sa nangyari, they know Lucas completely at sino ba namang hindi magugulat kung ang kapatid nito ang iuwi ko.

“Kain na bunso” iyon ang nabungaran ko sa sala pagkababa ng hagdan ate Juana readied my seat atsaka niya ako pinagsandukan ng kanin

“Kumain ng marami” bahagya akong tumango sa kaniya at inabot ang ulam na nakahanda nang marinig ang sigaw ni kuya mula sa labas. Napabuntong hininga na lamang ako dahil alam ko kung sino ang sinisigawan nila. Ate Juana looked at me at bahagya na lamang ako tinanguan.

“Kumain ka muna bago ka lumabas. Ibinilin ka ni Mamang saakin, kumain ka daw ng marami” anito at mabilis pa akong ipinagtimpla ng gatas. I know ate Juana is also disappointed with me, hindi  ko naisabi ang katotohanan because I want a peace of mind. I told everyone of them that Lucas and I broke up and Lucian came and there, a baby happened. Naiintindihan naman ata ako ni Papang at ni Kuya at hindi na ako pinagtuunan ng pansin. Yun nga lang.

“Hoy lalake, bilisan mo ang pagsisibak. Hinding hindi ka makakapasok ng bahay ng hindi mo natatapos iyan!!” Its now Mamang’s voice at mukhang pati ito pinahihirapan na si Lucian.

“Mamang decided to build a new garden, ayan nakita si Lucian pinag araro at pinagsisibak ngayon” ani ng kaniyang at Juana na ikinatango ko nalang. Siya ang may gusto noon sa totoo lang, nagulat nalang ako ng gusto niyang sumama saakin sa probinsya at gusto raw ako samahan, kahit malayo raw ito saakin basta sasama siya, hindi ko siya mapaalis noon at wala na rin akong nagawa dahil ipinakilala ko na rin siya bilang ama.

We weren’t really talking, kahit pa minsay nagkakasalubong kami ay hindi ko ito iniimikan dahil nagkaroon na kami ng paguusap na wala ni isa sa Yutengco ang dapat na magpakita saakin, hindi ko naman maiiwasan na hindi siya Makita dahil gusto niya noon, but we clearly agreed that he shouldn’t talk nor touch me.

“Aba Bilis bilisan mo magtatanghalian na tapos hindi ka pa nakakakalahati” napabuntong hininga na lang ako at tinapos na ang pagkain, pagkatapos makainom ng gatas at vitamins ay tinungo ko agad ang likod bahay kung saan ako tumatambay dahil may duyan doon at don ako nagpalipas ng oras. I’m still hearing Mamang’s voice shouting sa hindi kalayuan dahil malapit lang ang lupa na pinag tataniman naming, dahil malawak na lupa ang nabili ni Papang noon kaya nang makatapos ako ay nagpatayo agad kami ng bahay.

“Hulya” mabilis kong nilingon ang boses na galing sa bahay, it is ate Julianneat buhat buhat nito ang panganay na anak na sobrang cute talaga.

“Kawawa naman iyong manliligaw mo, jusko, si Papang, si Juanito atsaka si Mamang nag joined forces” pati ako ay nailing nalang din

“pang pang” cute na cute na ani ng baby ni Ate dahilan para pisilin ko ang pisngi na tinapik naman ni Ate

“lalawlaw, ano ka ba” anito atsaka inayos ang baby niya sa kaniyang kandungan

“Pero bilib din ako jan sa manliligaw mo, aba sumusunod agad” nilaro nilaro ko nalamang ang kamay ni Baby Jorge, cute things about baby’s ay ang cute nilang mga kamay na humahawak sa isang daliri mo, tapos mahigpit nila iyong hinahawakan na talaga namang nakakaaliw, I was about to pinch his cheeks again ngunit tinapik na agad ako ni ate

“Tsk. Ang kulit.” Natawa na lamang ako at marahang kinuha si baby Jorge kay ate na hinayaan lang naman nito at nagpaalam na may aasikasuhin lang sa kusina, I looked at the him at bahagya siyang hiniga sa lap ko, ang cute talaga. Siguro ganito rin ang baby ko, but surely mas cute iyon.

“Ang cute cute mo” naaliw kong ani, bahagyang ngumiti ang baby at patuloy ang pagbangggit ng ‘pang’ ng paulit ulit. Hayy, I cant wait to see my baby.

Nakaramdam kong parang may nakatingin sa akin at hindi na ako magtataka kung sino iyon, I raised my head at nagkasalubong ang mga mata naming, he looked tired. Madungis rin ito at nakasuot siya ng lumang damit ni papa, I surely knows na sobrang babad na ito sa araw nitong mga nakaraang araw dahil lagi siyang pinapahirapan ni Kuya, pinagiigib ng tubig eh may sarili kaming tangke, pinagaararo eh may mga makinarya kame, may pa garden ding nalalaman si mamang pero noon ay may tiyaga naman niyang ginagawa iyon magisa dahil wala siyang pinagkakaabalahan.

He smiled on me at bahagyang tinitigan ang baby sa kandungan ko, saglit itong tumitig lamang bago siya muling tinawag ni Mamang. He left at napabuntong hininga na lamang ako at muling ibinalik ang tingin kay baby Jorge.

Gusto ko mang ipatigil sa kanila ang pagpapahirap ay siya rin ang may gusto ng ginagawa na hindi ko talaga maintindihan. Muli kong naalala ang gabi ng kaniyang pagmamakaawa. Tell me, paano ako makakakuha ng peace of mind kung ganito ang palaging naalala ko. Damn.

HER POSSESSIVE LOVER (COMPLETED)Where stories live. Discover now