CHAPTER 15

1.1K 43 0
                                    

CHAPTER 15

“kamusta na ang baby?” marahan kong naramdaman ang paghimas saaking sinapupunan. Tuwing bawat madaling araw ko nalang nararamdaman ang gawaing iyon. Lagi tuwing alas kwatro ng umaga, siguro noong una ay hindi ko pa napapansin but kalaunan ay naramdaman ko rin ang pagpupuslit niya, wala naman siyang ginagawang masama but the fact na pumupuslit siya ay nakakaramdam ako ng kaba.

“I love you, Daddy loves you two so much” he sighed, sa ibang kwarto rin ito natutulog, komportable naman sa guest room dahil nalilinis naman iyon ng maigi.

“Forgive daddy for not taking care of mommy, I will court Mamang and Papang first mmm” I felt him leave a small kiss on my tummy bago ko siya naramdamang magpaalam na. Nang maramdaman ko ang paglapat ng pinto ay mabilis akong bumangon. Nakatingin lamang ako sa pintong nilabasan niya, funny how diligent he is to pursue Mamang and Papang even my other siblings. Napabuntong hininga na lamang ako at inilapat ang kamay sa may umbok ng tiyan.

“What do you think baby?” kausap niya sa tummy niya at hinimas iyon, I smiled a little before I came back to bed. In time….

..

“Hoy lalake! Diligan mo na ang mga pananim natin! Titig ba naman ng titig” ani ni Papang, napabaling ang tingin ko sa kanila at nahuli ko ang titig saakin ni Lucian na bahagyang napakamot pa sa batok dahil sa sigaw ni Papang, nailing iling na lamang ako at muling ibinalik sa binabalatang mangga ang atensyon, sila Lucian din ang may kuha noon at siya talaga ang umakyat daw dahil kanina nagparinig lang naman siya sa kuya niya na gusto niya ng maasim. Hindi ko inaakala na si Lucian pa ang umakyat daw

“Susko po iyang lalakeng iyan, dinala ko sa talipapa, abay pinagkaguluhan ng mga chismosa roon jusko!” Her Mamang told her at bahagya nitong inagaw ang binabalatang mangga sa kaniyang kamay,

“Dapat don Mang binabakuran na” parinig ni Ate Julianne atsaka nito ipinagpatuloy ang niluluto.

“bakod bakod. Baka hatawan ko iyan ng poso, inuna ang buntis bago ang kasal” ani ni mamang na nagpatawa kay ate, nailing na lamang ako at naupo sa malapit bago ko kinuha nag saw sawan, swerte ko nga na wala talaga akong cravings, wala ring morning sickness at mas lalong wala akong pinaglilihian, natatwa na nga lang ako kay Mamang kapag tinatanong niya kung buntis nga daw ba akong tunay o lumamon lang ako,

“Hoy lalake! Lumayo ka riyan! Pumasok ka sa loob!” sigaw muli ni papang dahilan para mapatingin kaming lahat roon, Lucian with his unsure smile came, mabilis na inabot sa kaniya ni mamang ang binabalatang mangga at mabilis nitong itinulak si Lucian palapit saakin

“Oh tamo, pati mga kapitbahay dinadayo ang lalakeng ito” ani ni mamang atsaka nailing iling na tinulungan si ate sa niluluto

Napailing nalang rin ako at tumingin kay Lucian na tahimik na nagbabalat, hindi na ito sobrang puti ngayon, at hula ko dahil iyon sa ginagawa nila papang sa kaniya, naging tan na ang kutis niya dahil nga sa pagbababad.

“here” anito at inilapit sa plato ko ang mga hinihiwa niyang mangga, kumuha nalang muli ako ng isang piraso at sumawsaw sa bagoong bago ako tumingin sa paligid, masyadong tahimik ang batangas at malamig lamig na rin,

“want more?” tanong nito na bahagya ko nalamang na ikinatango, muli siyang nagbalat ng mangga at bahagya na siyang naupo sa may tabi kong upuan, bahagya kong nakita ang mapangasar na tingin saamin ni ate kaya nailing iling na lamang ako at tumingin sa hinihiwa niyang mangga, I looked at his hand at bahagya akong napakunot noo dahil nakakita ako roon ng maraming sugat, hindi lang isa, as in madami, yung iba pa nga ay namumula mula pa

“your hand” mahina kong puna, he stopped for a moment bago niya ako tinitigan bago niya tinitigan rin ang kamay, he laughed a bit bago muling nagbalat uli ng panibagong mangga

“wala yan” anito, I looked at his hand for a while bago ako tumitig sa kaniya, I want to ask him kung hanggang kalian siya rito, noong minsang ganito rin ang ginagawa naming ay tinanong ko rin siya but he always answer me with a smile and a ‘kung hanggang kailan ka rin dito’, ako nalang din ang sumuko sa kakulitan nito at patuloy parin ito sa pagsunod kela papang.

“hoy lalake, ikaw ba eh kelan mo pakakasalan ang anak ko?” halos iluwa ko ang kinakaing mangga sa sinabi ni mamang, mabilis akong tumingin sa kanila at saka sila pinanlakihan ng mata, jusko naman wag namang ganito!

“Mang” nambabanta kong sabi, bahagya akong inirapan ni mamang bago niya tiningnan si Lucian

“aba! Hindi pwedeng ang apo ko ang maipit” ani ng mamang kaya mabilis akong umirap, Lucian looked at me bago siya sandaling napatigil

“oh ano? Abay may balak ba kayong ikasal?” napatigil na silang dalawa ni Lucian ng tuluyan, halos wala akong masabi sa kanila dahil hindi ko naman talaga alam, at palagay ko ay wala akong plano,

“Liligawan ko ho muna ang anak niyo, mang” halos manlaki ang mata ko at mabilis na napatingin kay Lucian, he wasn’t looking at me at kela mamang siya nakatingin

“Eh bat hindi niyo ginawa ang ligawan bago kayo gumawa ng bata? Jusko namang batang ito oh” napailing iling pa si mamang bago ako tiningnan ngunit nagiwas lamang ako ng tingin. I looked at Lucian again at tahimik na itong nakatitig sa manggang binabalatan, tumingin ako kay mamang at pinanlakihan siya ng mata, nailing iling lamang ito bago muling nagluto.

I heave a sigh bago ako tumayo na sa upuan at nagpasyang pumunta na lamang sa kwarto ko. Para akong nawalan ng gana. Tss. Mamang’s really not on the timing sometimes. Hihiga n asana ako sa kama ko nang marinig kong may kumatok roon, naghintay ako ng ilang sandal bago iyon bumukas at iniluwa si Lucian. He looked at me with his usual stoic face bago siya dahan dahang lumapit at tila kinakalkula kung papaalisin ko ba ito o hindi, I remained silent as he slowly approach my bed. He stand one meter away from my place bago siya tumingin saakin

“What?” he’s still silent, ni hindi nga ito gumagalaw o umiimik

“What is it Luccerus?” bigla itong nanlaki ang mata at tumitig sa akin, medyo awang rin ang labi nito at tila nagulat talaga sa sinabi ko,

“I.. I” hindi nito halos matuloy tuloy ang sasabihin kaya bahagya kong ikinunot ko na ang noo ko dahil sa pagaalangan nito. Nang hindi parin ito nagsalita ay bumuntong hininga na lamang ako at kinuha ang kumot bago ko ipinailalim ang mga binti roon,

“Kung wala kang sasabihin matutu—“

“I want to court you.” He cut me off and that was the biggest shock he ever said,

“Please, magsimula uli tayo” he said sa nagmamakaawang boses.

HER POSSESSIVE LOVER (COMPLETED)Where stories live. Discover now