Chapter 27

75 23 0
                                    

A B I G A I L


Hindi pa din ako makapaniwala sa mga nangyari. Hindi ako isang Enriquez kasi ako ay isang Williams. Hindi talaga ako makapaniwala.

Isang taon na akong nakatira dito sa mansion ng mga Williams. Bakit? Nandito kasi ako US. Oo sa US as in United States. Dito na ako ngayon nag-aaral.

Namimiss ko na sina Ate. Pati sina mom and dad na kinalakihan ko. Namiss ko din sina Mr. and Mrs. Villamor, Leah, Ria, Kuya Liam at si..L-Luke.

Enriquez pa din ang dala dala kong apeliyido. Hindi pa kasi naasikaso ni mom and dad ang birth certificate ko kaya Abigail Claire Enriquez pa din ako.

Nandito ako ngayon sa eskwelahan ko. Not bad naman ang eskwelahan, para nga akong reyna dito e. Dadaan lang ako ay mag-bibigay kaagad sila ng daan e.

Biglang mag-vibrate ang cellphone ko kaya chempre ay tiningnan ko kaagad iyon.

1 message from: Luke

Luke
12:57 pm
Hello Claire!

Kaagad naman akong numala.

Abigail
12:57 pm
Hello din Luke.

Habang tinatype iyon ay di ko maiwasang kiligin at hindi ko alam ang dahilan kung bat ako kinikilig.

Luke
12:58 pm
Namimiss na kita Claire. Uwi ka na.

Abigail
12:58 pm
Luke..Hindi pwede.

Luke
12:59 pm
Sige na Claire, namimiss ka na namin dito.

Hindi ko naman mapigilang ngumiti.

Abigail
1:00 pm
Don't worry Luke, Babalik ako.

"Talaga??"

Dahan dahan akong lumingon sa nag-Salita..

'Hala! Luke?!'

"Luke?!" Tanong ko pero ngumiti lang siya.

"Luke!" Sigaw ko at tumakbo ako papuntang gawi niya at niyakap siya.

"I missed you Luke!" Umiiyak na ani ko.

"Me too.." Sabi niya din.

Hindi ko naman napigilang umiyak.

"Hey Claire, don't cry.." Aniya at pinunasan ang mga nagbabagsakan na luha na galing sa mga mata ko.

"Bakit ka nandito sa US? May kasama ka ba?" Kaagad na tanong ko.

"Fortunately, Yes. May kasama ako, Sina Seb at Xavier"

"Ahh..Akala ko wala kang kasama.."

"Bakit? Gusto mo akong ma-solo?"

'What the?!'

"H-Hindi no! Ang feeling mobg garapata ka!" Kaagad namang sabi ko. Tumawa naman siya.

Love leads me to SadnessNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ