Chapter 33

80 24 0
                                    

Naghahanda ako ngayon para sa Birthday party ni Xavier. As usual, tinulungan nanaman ako ni ate na manamit.

"This pink sleeveless dress and white heels is perfect for you sis!" Ani Ate Mica sabay pakita sakin ng susuotin ko sa party ni Xavier.

"Thank you Ate Mica!"

"Your welcome!" Masayang sabi naman ni ate.

Sinoot ko kaagad ang dress na yun at heels.

Nagpamake-up ako kay ate pero light lang. Ayaw ko ng makapal na make-up, Magmumukha akong clown e.

"Kyaa! My Sister is so Beautiful!" Paghanga ni Ate sa akin.

"Thanks ate.."

Sabay kaming bumaba ni Ate papunta sa sala.

At pagkababa na pagkababa ko, nakita ko kaagad si Luke na nakaupo ni sofa namin at halatang naghihintay. Naka black suit at blue necktie siya. Ang gwapo naman talaga.

Ng makita niya ako ay hindi sa pagiging assumera ah? Pero kasi..

'Luhh? Pangit ba suot ko?'

Lumapit kaagad ako sakanya at tulala pa din siya sa akin.

"Woi? Tulala ka? Pangit ba suot ko?" Kaagad na tanong ko. Umiling inling naman siya.

"Anong pangit? Ang ganda ganda mo nga" Nakangiting aniya.

'Aysus!'

"Psh! Bolero!" Sigaw ko sakanya.

Tumawa naman siya.

"Aiish! Totoo talaga, ang ganda mo" Masigalang sabi nya.

"Okay.."

He chuckled "Pshh! Anong okay?"

"Okay..thank you, ang gwapo mo ren" Nakangiting sabi ko.

Tinitigan ko ang mukha ni Luke.

'Hala? Namula?'

"H-Hoy Love?? Okay ka lang ba??!" Natatarantang tanong ko.

"H-Ha??"

"Namumula ka e! May sakit ka ba?" Nag-aalalang tanong ko.

"A-Ahh okay lang ako, n-no problem! Haha!" Aniya sabay kamot ng ulo.

'May kuto?? Charot!'

Hayy! Buti na lang nakabili ako ng regalo para kay Xavier. Kanina kasi, ng matapos na ang classes ko, pumunta ako ng mall at bumili ng regalo para kay Xavier.

Maya maya lang ay bumaba na din si Michael. Naka-suit din siya tas pula ang kulay ng necktie.

"Oh? Michael? Mag-usap kayo ng maayos ni Xyreil ah??" Mahinang ani ko sa kapatid ko.

"Yes Ate" He said.

'Hayss! Sana maging ayos na sila mamaya..'

Love leads me to SadnessWhere stories live. Discover now