Chapter 39

83 24 0
                                    

Kaagad akong bumaba para mag-breakfast.


"Good Morning, mom, dad, Leah.." Bati ko sakanila.

"Good morning son.." Sabay na bati ni Mom and Dad.

"Good Morning pangit kong kuya!" Bati naman ng haliparot kong kapatid, Tch.

"Pshh" Tanging tugon ko.

Kumuha kaagad ako ng hotdog at bacon, nagugutom na ako.

"Hayy..kailan ko kaya makikita ulit si Ate Abigail.." Malungkot na ani Leah.

"Namimiss na namin siya ni Ate Riana at Ate Athena.." Dagdag nya pa.

"Anak, Don't be sad there, babalik naman si Ate Abby, right Luke?" Si Mom.

"Yes mom, babalik siya.." Nakangiting ani ko.

Tahimik lang akong kumain ng breakfast, pagkatapos kong kumain, Nagpaalam na akong pumunta sa CIS.

"Dude!!" Kaagad na bungad Seb.

Kasama nya si Xavier, Michael at Kyline, Dito din pala nag-aaral ang  Michael at Kyline.

Todo suporta lang ako sa relasyon nina Kyline at Michael. Nawala na yung nararamdaman ko sa babae.

"Dude! Punta ka mamaya ah!" Paalala nanaman ni Seb.

"Oo nga! Pupunta ako! Paulit ulit ka kumag!"

"Sorry boss haha"

Nagbell na kaya Nagsipuntahan na kami sa Room namin.

Business Management din ang kurso ni Michael. 2nd year college na din siya. Si Kyline naman, fashion designer. Gusto niya daw kasi ng katulad kay Ate Mica.

Kaagad kaming pumunta ni Seb, Xavier at Michael sa room namin. Hindi dapat kami ma-late kasi major ang klase namin ngayon.

Lunch Break na, wala akong kasamang mag-lunch ngayon. Si Xavier, sabay daw sila kakain ng lunch ng girlfriend nya, si Shaira. Si Michael naman, Sa labas kumain ng lunch kasama ng fiancé niya, si Kyline, Si Seb namana ay hindi papasok sa afternoon class kasi tutulungan niya daw kasi ang mom niya sa paghanda ng birthday party ni Lolo Senio sa beach. Pina-excuse ko na ang kumag na yun sa mga prof namin.

Eto ako ngayon, mag-isang kumakain ng tanghalian.

'Namiss ko na talaga si Abigail..'

Hinde ko alam kung kailan babalik si Abigail. Nagtanong ako sa pamilya nya pero wala e, wala daw silang alam. E obvious naman kasi na alam nila, ayaw lang nilang sabihin. Pero ayos lang, sabi nga ni Abigail..Be patient.

"Kuya!!" Sigaw yan ng magaling kong pinsan.

"Kuya! Invited ba ako sa Party ng lol ni Seb?? Ha? Ha? Ha??" Tanong niya.

"Oo" Tipid na sagot ko.

"YEYY!! Makakasama ko nanaman si Seb!!" Parang batang aniya.

'Second year college na, childish pa din? Tsk tsk!'

"Kuya, sabay ako maglunch sayo ha? Mamaya pa namang 1pm ang class ko sa PolSci!" Aniya.

Oo, abogado ang pinili niyang kurso, Bungangera e. Grabe ang bibig niyan, Parang armalite, boses megaphone. Magaling din kasi yan sa sagutan.

At yun, sabay kaming kumain ng lunch.

"Kuya! I miss Abigail na so much!! Six years na huhu!"

'Ako rin, Miss na miss ko na din siya..'

Love leads me to SadnessWhere stories live. Discover now