CHAPTER 6

2.8K 88 4
                                    

SAMARA'S POV

"SAAN mo ba ako dadalhin?" tanong ko sa kanya, takte. kanina pa n'ya ako hinihila eh.

"Wag na kasi mag tanong" mahinahong sabi n'ya.

Naglakad lang kami ng naglakad hanggang sa makarating kami sa likod ng scool kung saan may malaking park.

Naalala ko naman ang araw na nahuhulog s'ya sa puno, dahil sa gulat kakasigaw ko.

Dahan-dahan n'ya akong pinaupo sa ilalim ng puno, at tumabi din s'ya ng upo sa akin.

"Ito lang pinupunta natin dito?" tanong ko sa kanya.

Ngumiti naman s'ya at humarap sa akin. Hinawakan ng dalawang kamay n'ya ang mukha ko.

"Dahil gusto kitang masulo" Masuyo s'yang nakatitig sa mukha ko.

Ako naman, kahit naiilang, pinilit nilabanan ang mga titig n'yang nakakatunaw.

"Gusto lang kitang titigan. Gusto kong kabisadohin ang magaganda mong mukha. Kung meron palang pang dikit ng tao, bumili na ako at nilagay sa'tin para hindi na tayo magkahiwalay" sabi n'ya habang masuyong hinahaplos ang pisngi ko.

Ako naman, parang na istatwa dito hindi makagalaw dahil sa mga sinasabi n'ya. Dagdagan pa sa nagwawala kong puso. Nako naman Kai, bakit ba ganyan ka? ang cheesy mo na.

"A-Anong ibig mong sabihin?" nauutal kong tanong sa kanya.

"I'm fucking inlove with you Samara Fuentes. Hindi ako mapakali ng hindi ka makita kahit minuto lang. Matagal kong hinintay 'to. Kaya ngayong nandito ka na sa harap ko, hinding-hindi na kita papakawalan pa"

Napanganga naman ako sa mga sinasabi n'ya. Anong ibig n'yang ipahiwatig? Hinawakan ko ang dibdib ko, ang bilis ng tibok nito. parang hindi ako makahinga dahil sa bilis, at tila nag iinit ang mukha ko. tinapik ko naman ito gamit nga dalawang kamay ko.

"K-Kai, hindi mo alam ang sinasabi mo" sabi ko, habang nakayuko.

Hindi ko na kayang makipagtitigan sa kanya, baka mahalata pa n'yang nagugustuhan ko ang mga sinasabi n'ya.

Narinig ko namang tumawa s'ya ng mahina kaya hindi ko maiwasang tingnan s'ya.

OMG ang gwapo n'ya kapag tumatawa, shiit naman eh, ang cool n'ya tingnan.

"Ano kaba Samara, panong hindi ko alam ang sinasabi ko? meron bang ganun? look, hindi ko hinihiling na mahalin mo din ako. Ang hinihingi ko lang, hayaan mo akong mahalin ka, hayaan mo akong iparamdam sayo kung gaano kita ka mahal, at hihilingin ko sayong wag mong ipagkait yon sa'kin, dahil baka mamamatay ako, mamamatay ako kapag di kita makita" ang kaninang masaya n'yang mukha ay bigla nalang napalitan ng lungkot.

Nasasaktan akong makita na malungkot s'ya. Ewan ko ba, pero may part sa akin ang nagsasabing matagal ko na s'yang nakilala, seguro ito ang impact ng pagiging sweet n'ya.

Hinawakan ko ang kamay n'yang nakahaplos sa pisngi ko, at nginitian s'ya.

"Hindi ko iyon ipagkait sa yo, kung 'yon ang gusto mo, gugustuhin ko na din 'yon simula ngayon. Ipapaubaya ko sayo ang kaligtasan ko at ang pagtitiwala ko. Alam kong minsan na akong na iwan sa ere, pero hindi ibig sabihin nUn susuko na ako. Kahit pa paulit-ulit mangyari yon, hindi pa din ako mawalan ng pag-asa. Alam kong may dadating para punan ang mga pagkukulang ng taong binigyan ko ng halaga dati, hindi ko hinihilingin na ikaw 'yon, pero hihilingin kong sana pagtibayin pa ang kalooban ko para naman kahit papano handa ako sa mga mangyayari" mahaba kong paliwag sa kanya habang masuyo lang s'yang nakakatitig sa akin.

Kinuha n'ya ang mga kamay ko at masuyong hinalikan ito. Sobrang umaalpas ang sayang nararamdaman ko ngayon. Tila ba kahit napaka simple lang ng ginagawa n'ya ay sapat na sakin para magiging masaya.

The Gangster's Muse(SEASON ONE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon