CHAPTER 28

1.1K 53 0
                                    

SAMARA'S POV


"Lucas?" gulat na gulat ako habang nakatitig sa gwapo niyang mukha. Totoo ba'to? Andito na si Lucas?

Kinurap-kurap ko pa ang mga mata ko, baka namalik mata lang ako, ngunit wala namang nagbago. Nanatili lang siyang nakatitig sa akin habang nakangiti.

"Sammy, bakit tila gulat na gulat ka?" natatawang saad niya habang pinipisil ang pisngi ko.

Nanlaki ulit ang mga mata ko dahil sa pangalan na tinawag niya sa akin.

"Oh My, totoo nga! ikaw nga yan Lucas, nagbalik ka nga" sa sobrang saya ko, bigla ko nalang siyang niyakap ng mahigpit.

OhmyGhad! How i miss this man, this freaking bestfrind of mine.

"Haha, di ka pa din nagbago Sammy, napaka sweet mo pa din" naramdaman ko namang gumanti siya ng yakap sa akin kaya napangiti nalang ako.

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya, at tinitigan siya sa mata. Grabe, ang gwapo niya ngayon. Gwapo naman siya noon, ngunit mas gumwapo siya ngayon.

"Halika" hinila ko siya sa cafeteria, para naman makapag usap kami ng maayos.

"Wala kana bang pasok?"

"Meron, pero aabsent ako para sayo. Ngayon kalang bumalik, papalagpasin ko pa ba?"

Tila nakalimutan ko ang pag-iyak ko kanina. Isasantabi ko muna 'yon. Ayaw ko munang iisipin 'yon, dahil baka tuluyan na akong mabaliw.

Mabilis lang kaming nakarating ng cafeteria kaya agad kaming naghanap ng bakanting upuan.

"Here" hinili ko pa din siya at iginaya sa nakita kong upuan na bakante.

Umupo din ako sa harap niya, at ngumiti. Ngumiti din siya at pinisil uli ang pisngi ko. Alam kong hobby niya ito noon, ngunit di ko alam na pati pala ngayon.

"Mas lalo kang gumada ngayon, Sammy"

Ngumuso naman ako, pagkatapos ngumiti din.

"Bakit ngayon kalang?" may pagtatampong saad ko. E kasi naman, 15 years old pa ako noong umalis siya at nagpuntang ibang bansa, kasama parents niya. Akala ko nga hindi na talaga siya babalik.

"Di ba sinabi ko sayo noon na babalikan kita? Sobrang na miss kita, kaya di ko na napigilan ang sarili kong umuwi dito"

Mejo na touch naman ako sa sinasabi niya. Crush ko talaga noon si Lucas, ngunit di ko pinahalata sa kanya dahil  bata pa kami noon. Ako yung tipong hindi nag labas na kahit anong emosyon sa harap ng lalaking nagugustohan ko. Kaya walang ka alam-alam si Lucas na hinangaan ko siya dati.

"Salamat naman, at naisip mo pa ako no! Akala ko pa naman, tuluyan mo na akong nakalimutan" ngumuso ulit ako at kinagat-kagat ko pa ang pang ibabang labi ko.

Bahagya naman siyang natawa dahil sa sinasabi ko, kaya inirapan ko lang siya.

"Sorry naman at natagalan, inayos ko pa kasi yung problema sa mga negosyo ni daddy"

Matanda siya ng dalawang taon sa akin. Isang taon naman ang tanda niya kay kuya. Close sila ni kuya dati, ngunit mas close si Kuya at si Cookie.

Napalunok nalang ulit ako, dahil sa mga naisip ko. Kakasabi ko lang kanina na wag ko munang isipin ang tungkol sa kanya, ngunit- Arrgghh! Kainis naman.

"Sammy, nagkita naba kayo ni Ano?"

Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinasabi ni Lucas. Hindi ko alam kung sino ang pinupunto niya, ngunit pakiramdam ko, tama ang nasa isip ko.

"Sino?" deritsang tanong ko sa kanya.

Pinanatili ko ang mga titig ko sa kanya. Matagal-tagal bago siya nag sasalita uli. Para bang may pag alin-alangan.

"Si Cookie, nagkita na kayo?"

At ganun nalang ang pagbagsak ng mga balikat ko dahil sa pangalang binibigkas niya.

Ngumiti ako ng mapait at yumuko habang nilalaro ko ang mga daliri ko.

"Yes, but it's a long story"

Hinawakan naman niya ang kamay ko na nakapatong sa lamesa. Para bang alam niya kung ano ang nangyari sa amin ni Cookie ngayon.

Tatlo kaming mag babarkada noon, pang apat si kuya. Ngunit hindi gaanong sumali sa amin si kuya, dahil pa iba-iba ang mood niya noon. Si Cookie at Lucas lang yung kalaro ko palagi dati.

Si Lucas ang crush ko, Pero si Cookie ang mahal ko. Oo,  sa murang edad ko noon, natoto na akong magmahal, at 'yon ay si Cookie. Ngunit dahil nga iniwan niya lang ako bigla ng hindi ko alam kung ano ang dahilan, at hanggang ngayon wala pa din akong alam sa totoong dahilan.

"Hindi ko man alam kung ano ang nangyari sa pagkikita niyo ulit, ngunit nandito lang ako Sammy. Nandito na ako para protektahan ka at punan ang mga pagkukulang ni Cookie"

Napangiti naman ako dahil sa mga sinasabi ni Lucas. Siguro nga tama si Norine, na meron pang mas magandang mangyayari na deserve namin, at siguro, ito na ang simula.


Vote.

The Gangster's Muse(SEASON ONE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon