CHAPTER 44

1.1K 44 1
                                    

SAMARA'S POV


Gulat akong nakatingin sa lalaking naka topless at may suot na apron habang nakatalikod ito sa akin. Kita ko ang namawis-pawis n'yang likod at sumasabay pa sa pag galaw n'ya ang pag galaw ng mga muscles n'ya.

Napatampal nalang ako sa noo ko dahil sa mga naisip ko.

Tumikhim ako para maagaw ko ang pansin n'ya. Seryoso kasi s'yang nagluluto, at mukhang masasarap naman ang mga niluluto n'ya. Amoy palang, nakakatakam na.

"Good morning, baby. Pinagluto kita" nilapag n'ya ang sandok at kinuha ang tuwalyang nakasabit sa ref at pinunasan ang noo n'ya.

Nag flashback naman sa isipan ko, noong araw na pinagluto n'ya ako ng marami at ako ang nagpunas ng pawis n'ya sa noo.

Ipinilig ko nalang ang ulo ko. Dahil ayaw ko nang iisipi yon.

Marahan akong tumango at tiningnan ang mga kamao n'yang may sugat.

"Diba may sugat ka? Ba't ka nag luluto" tanong ko sa kanya. Umupo ako sa upoan at tiningnan s'ya uli.

"Kaya ko naman. Sisiw lang naman ang pag luluto" nginitian n'ya ako, kaya lumabas ang dimple n'ya na nag papa dagdag sa kakisigan n'ya.

Tumango ulit ako at tumingin sa harapan.

"S-Si Karina, naging kayo ba?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya.

Hindi ako tumingin sa kanya habang nag hihintay ng sagot. Alam ko naman na hindi n'ya sasagutin kaya bakit ko pa s'ya tingnan-

"Walang kami" napalingon naman ako sa kanya dahil sa mabilis n'yang pag sagot sa tanong ko.

"Pero, para sa kanya. May chance na magiging kayo" sabi ko habang nakatitig ng deretso sa mga mata n'ya.

Bumuntong hininga s'ya at nilapag uli ang sandok at pinatay ang stove. Lumapit s'ya sa lamesa at umupo sa harap ko.

"She's crazy"

"She's crazy? So ibig sabihin walang katotohanan ang sinasabi n'yang kalagayan mo?"

Tila nagulat naman s'ya sa tanong ko, kaya mas na dagdagan pa ang kagustuhan kong malaman kung ano ba talaga ang tinatago n'ya.

"Kung ano man ang sinasabi n'ya, walang katotohanan yun" umiwas naman s'ya ng tingin sa akin.

"Sabi n'ya, mahal ka n'ya. Pinagbantaan n'ya akong gawin lahat, makuha ka lang. Ano ba talaga kayo? Ano ba ang nangyari noong panahon na nawala ka?"

"Baby, i'm here to spend time with you. Hindi ako nandito para lang sa wala. Gusto kong makasama ka ng matagal, kaya pwede ba? Wag yan ang pag uusapan natin?"

"Kaya nga Kai. Gusto mong makasama ako, ngunit sa tingin mo ba, matatahimik ako habang iniisip ko kung anong nangyari sayo noong panahong nawala ka? Sa tingin mo ba, ganun lang ka dali na ipag sawalang bahala ang lahat gayung may babaeng baliw na naghahabol sayo? I just want to know the datails. Sumulpot kalang bigla dito, at kahit ni isang paliwanag hindi mo ginawa. Gusto ko alamin kung ano ba yang kalagayan na pinagsasabi nung baliw mong pinsan" mahabang sabi ko.

Tumayo naman s'ya at nagpunta sa likuran ko. Medyo nagulat nalang ako dahil niyakap n'ya ako mula sa likuran.

"Please, hayaan mo muna akong alagaan ka. Yung wala kang ibang iniisip. Gusto ko lang talagang bumawi. Kung ano man ang mga nangyayari ngayon, promise! Wala lang talaga yun baby. Baliw lang talaga si Karina, kaya please, wag kanang mag isip ng iba. Okay?"

Kinalma ko nalang ang sarili ko at bahagyang tumango. Siguro tama si Kai. Isasantabi ko nalang muna ang mga bagay na gumugulo sa isipan ko.

Na realize ko kasi, na wala namang ibang ginawa yung tao kundi alagaan ako. Bakit ko ba ipinag kait sa kanya ang simpleng bagay na hiniling n'ya. Siguro, panahon na, para bigyan ko s'ya ng second chance. Ika nga nila, everyone deserves a second chance. Wala naman sigurong mali kung susugal ulit diba? Besides, may kasalanan din naman ako. Kung hindi ko s'ya iniwan noon pansamantala, hindi mangyayari to. Hindi ko naman kasi alam, na ganun pala s'ya ka sensitive.

"O-okay" tanging usal ko.

Kumalas naman s'ya mula sa pagkayakap sa akin, at naglakad patungo sa stove. Kinuha n'ya ang niluto n'yang paborito kong adobong manok.

Hmp! Nakakatakam talaga ang amoy. Yung simpleng adobong manok lang, parang ang sarap kainin kapag ang lalaking minahal mo ang nagluluto nito.

"Kumain kana, baby. Alam kong gutom ka, hindi ka kasi kumain kagabi" nilapag n'ya ang dala n'yang ulam sa lamesa, at pagkatapos ay kinuha n'ya ang plate ko at nilagyan ito ng kanin at ulam. Pagkatapos nilagay niya ito sa harap ko. "Just eat. Manunood lang ako"

"Ano ba, sabayan mo kaya ako" nahihiyang saad ko.

Hindi kasi ako sanay na kumakain ng may nakatingin sa akin. Parang awkward naman kung ganun.

"Para sayo talaga yan. Besides, kumain na ako kanina. Hindi na kita ginising, kasi alam kong pagod ka kahapon"

Tumango nalang ako at itinuon ko nalang ang buong atensyon ko sa kinakain ko.

After a minutes, natapos na din akong kumain kaya liligpitin ko na sana ang pinagkainan ko, ngunit pinigilan ako ni Kai.

"Ako na d'yan, baby"

Nakanganga nalang akong nakatingin sa kanya habang nililigpit ang mga pinagkainan ko. Ganun ba talaga s'ya bumabawi? Ituturing akong isang prensesa? Sabagay, dati pa naman akong nagbubuhay prensesa sa pangangalaga ni kuya, at noong kami pa ni Kai. Prensesa na talaga ang turing ng lahat sa akin, maliban kay Cheska at sa mga alipores n'ya.

Naisipan ko nalang na umalis ng kitchen. Hindi ko kasi kayang tingnan s'ya habang nag lilinis ng kusina, kahit andito naman ako. Ako dapat ang gumagawa n'yan, kasi ako ang babae, pero ayaw talaga n'ya. Nakakahiya lang.

Nagpunta ako ng sala at binuksan nalang ang television. Wala naman akong ibang gawin ngayon. Wala kaming pasok, at wala din akong trabaho ngayon, kasi sabi ni Myka, dapat daw mag papahinga ako, para sa byahe namin bukas. Bored kong inangat ang paa ko at isinandal ito sa maliit na upoan.

Nakakaramdam naman ako ng antok at hindi ko napigilan ang sarili kong humikab. Ano ba naman to, ke aga-aga inaantok na naman ako. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko, at hindi din nag tagal ay tuluyan na akong nilamon ng dilim.



VOTE.

The Gangster's Muse(SEASON ONE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon