CHAPTER 30

1.1K 56 1
                                    

SAMARA'S POV


Bahagya kong tiningnan ang paa kong may konting sugat. Ngunit sandali lamang iyon dahil binalik ko agad ang paningin ko sa lalaki. Ngunit Laking dismaya ko nalang dahil wala na ito sa harapan ko.

Nag pa linga-linga pa ako nag babakasakaling makita ko uli yung lalaki, ngunit humaba nalang yung leeg ko, hindi ko pa din siya nakita.

Parang pamilyar siya sa akin. Sa tindig palang kahit nakatalikod,  nahuhulaan ko nang si Kai iyon. Ngunit bakit hindi niya ako kinausap? Posible kayang siya 'yon? O baka namamalik mata lang ako.

*Bogsshh*

"ARAAYY" malakas na sigaw ko dahil sa lakas ng pagtama ng kung ano mang bagay sa ulo ko.

Mabilis akong lumingon at hinanap kung sina mang impaktong gumawa nun sa akin.

"Sam?"

Imbis na magalit, ay saya ang nararamdaman ko nang makita ko si Ethan na nakanganga habang nakatitig sa akin.

Sa wakas nakita ko na rin ang isa sa kanila. Baka kasi may alam sila tungkol kay Kai. Gusto ko lang malaman kung saan na siya ngayon.

"Ethan. Nagkita din tayo" kahit medyo masakit pa din ang ulo ko dahil sa pagtama ng bola na dala ni Ethan, ngunit hindi pa din maipagkaila ang saya na nararamdaman ko. Isa lang ang naisip ko ngayon.

PAG-ASA!

Pag-asa na baka, ito na ang panahon na muli kaming magkikita ni Kai. Hindi naman masamang umasa diba? Kaya kahit malabo, gora pa din ako.

"Sam. Ang payat mo ngayon!" Lumapit siya sa akin at sinuri ang kabuohan ko.

Napakagat labi naman ako, dahil nahihiya ako. Baka akalain niya na sobra akong nasaktan kaya pati pag kain nakalimutan ko na, na siya namang totoo.

"Ano bang ginagawa mo sa katawan mo? Tingin mo ba matutuwa si Prime kapag nakita ka n'yang ganyan?"

"Bakit? Saan ba siya? May alam ka ba, Ethan? Pwede mo bang sasabihin sa akin kung nasaan siya?" Lumapit pa ako ng konti sa kanya para hawakan ang balikat niya.

Gusto ko lang malaman. Desperada na akong makita si Kai.

"A-Ahh, e-e w-wla! Wala talaga Sam. Sige, d'yan kana" mabilis niya akong tinalikuran at humakbang paalis.

Ngunit binilisan ko din ang lakad ko para mahabol ko siya. Hindi maaring mawawala nalang bigla ang konting pag-asa ko. Hindi ako pwedeng mabigo.

"Please Ethan, sabihin mo sa akin. Alam kong may alam ka, may alam kayo. Kaya pwde ba? Sabihin mo sa akin kung saan si Kai ngayon?" Nag simula na namang tumulo ang mga luha ko. Dahil pakiramdam ko, konting pagkakamali ko lang, mawawala nalang bigla ang pag-asang pinanghahawakan ko.

"Please. Alam mo ba kung gaano ako kasaya ngayong nakita kita? Ethan. Ikaw lang yung pag-asa ko. Ikaw lang yung nag iisang pag-asang pinanghahawakan ko ngayon" pinahid ko muna ang luhang nangilid sa pisngi ko, saka hinarap uli si Ethan. "Pwede bang, kahit ikaw man lang, wag nang mag lihim sa akin? Pwedeng kahit ikaw man lang,  magsabi kung saan na si Primo ngayon! Please Ethan, nag mamakaawa ako sayo"

Lumuhod ako sa harap niya para lang pagbigyan niya ako. Desperada na talaga ako. Pakiramdam ko, mamamatay ako kapag hindi ko makita si Kai.

"Sam, don't do that" hinawakan niya ang balikat ko at marahan akong pinatayo, ngunit desedido na talaga akong gawin to. Kung ito lang ang paraan para malaman ko kung saan si Kai ngayon, pwes gagawin ko.

"Tell me please. Ethan, please. I'm begging you"

"Sam, tumayo kana diyan! Ano bang ginagawa mo?"

"SABIHIN MO NA SA AKIN. DESPERADA NA AKO ETHAN! Sabihin mo sa akin, saan na si Kai ngayon?" Bigla nalang pumiyok ang boses ko dahil sa mga bumabara sa lalamunan ko.

Blurd na din yung paningin ko dahil sa mga luhang nag uunahang umagos pababa sa pisngi ko. Hindi ko na din alam kung ano na naman itong ginagawa ko, basta ang alam ko lang ay iyong, gusto ko lang naman siyang makita, kahit isang beses lang. Bawal ba 'yon? Hindi ba pwedeng hilingin 'yon? Bakit ipinagkait 'yon sa akin?


Vote.

The Gangster's Muse(SEASON ONE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon