Chapter 02: Cravings

40.6K 1.3K 544
                                    

#HHFM Chapter 02:

Cravings

* * *

"Magsalita ka naman."

Parang walang narinig si Cali at panay pa rin ang tingin sa mga gamit sa kuwarto. I sighed and put my laptop in sleep mode bago iyon ilagay sa mesa. Kanina pa siya manghang-mangha sa lahat ng nakikita niya, at kulang na lang ay kunan niya ng picture lahat.

I couldn't blame her, though. The room looked like it was made for royalties. Hinahanda pa nga ang kuwarto pagkarating ko rito sa bahay nina Ryo kaya doon ako sa kuwarto ni Raianne tumambay, which is a lot bigger than this. Ryo brought all of my clothes here at buong gabi ay inayos ko ang mga damit ko sa wall closet. Wala pa nga yata sa one-fourth ang sinakop ng damit ko. I have a few shoes left sa apartment, pero kahit na ilagay ko iyon dito, ang dami pa ring space. Hindi nga ako makapaniwalang may taong mapupuno ang ganito kalaking aparador.

The bathroom has a small tub. Wala iyon masyadong laman bukod sa common necessities na feeling ko nga ay imported pa. Nakalulula talaga. Solo ko rin ang malaking kama.

Finally, napirmi rin si Cali at umupo na sa may dulo ng kama. Ilang saglit pa ay ibinagsak niya ang katawan sa kutson. "Hindi ko gets. Pa'no mo 'to nagawang tanggihan?"

I stood up and put on the slides Ryo brought here this morning. When he saw that I was awake, iniwan niya lang doon sa may pinto at walang sabi-sabing lumabas na. Pabor naman ako roon. Umagang-umaga ba naman kasi, mukha talaga niya ang makikita ko?

"Baka nakalilimutan mong bahay 'to ng ex ko," I reminded her. She snorted loudly.

"Kahit pa, Frankie. Mas okay na nga 'yung dito ka, lalo na't buntis ka pa."

Kinuha ko ang paper bag na dala ni Cali na laman ang mga gamit kong naiwan namin ni Ryo dahil nga atat na atat siyang ilipat ako rito sa bahay nila.

"Nga pala. Pa'no ka? Magre-resign ka ba?"

Napatigil ako. I sighed and put the sticky notes on the drawer. "Ayaw ko. Hindi ko pa alam. Hindi pa naman kami nag-uusap ni Ryo e."

He wasn't here during breakfast. Tita told me that he was out for a morning jog. Hindi na rin ako aware kung anong oras siya bumalik kasi umakyat na ako ulit dito sa kuwarto dahil hindi ako komportableng mag-stay roon sa living room. May TV rin naman dito sa kuwarto na hindi ko pa nga alam kung paano buksan. Buti na lang dumating si Cali at siya ang nagbukas n'on. Nakatatakot naman kasing mangialam ng gamit! Sure akong kapag nasira ko, baka kuba na ako sa pagtatrabaho, hindi ko pa rin nababayaran pabalik.

Kaninang lunch, wala siya ulit. Ang sabi ni Rai, umalis daw sila ni Tito at nagpunta ulit sa gym, so I guess he was really going for his dream. Noong kami pa, ilang beses ko nang narinig sa kaniya na gusto talaga niyang pumasok sa professional team. I had always been supportive. Doon siya masaya e.

Hindi ko pa alam kung paano nga ako magpapaalam kay Tita na may trabaho pa ako. I already have a feeling na . . . well, kokontrahin niya agad ako. Aside sa fact na feeling ko e sobrang praning siya sa ipinagbubuntis ko, I work for the rival company. I landed a job sa kabilang kompanya since I declined Ryo's offer na ipasok akong staffer doon sa magazine na mina-manage ni Tita.

Isa pa, I don't think I'm ready to be part of Lure, an established lifestyle magazine. Hindi ko ma-imagine kung gaano kataas ang standards nila roon dahil kung tama ang pagkakaalala ko, sa 30 countries na nagsi-circulate ang editions nila. Until now, I'm not even certain yet if Ryo's mother owns the whole company! I can't cross out the possibility dahil sa New York din naka-base ang Bright Lights Media, at nasabi sa akin ni Ryo na laging naroon ang pamilya niya dati. It's either his mother owns a part of it, o baka isa lang siya sa mga importanteng tao sa team dito sa Pinas.

Fleeting MomentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon