Epilogue: Congrats, Ryo!

46.8K 1.6K 1.5K
                                    

#HHFM Epilogue:

Congrats, Ryo!

* * *

RYO

Almost three years later

"You'll go here next week, Ryo."

Hindi ako tumango, pero hindi rin ako umiling. Napatingin ako kay Raiko na pinipilit pagkasyahin sa bibig niya ang patayong apple slice. Nahihirapan tuloy siya. E puwede namang pahiga niya kainin para kasya sa bibig niya.

Hinayaan ko na lang. Bata e.

"Ryo!"

Bumalik ang mata ko sa screen ng laptop. "Opo," napasagot ako bigla.

Nagagalit na naman sa akin si Tita. Kaya talaga sila magkasundo ni Mommy kasi ang hilig nila akong pag-initan.

Mukha namang kumalma-kalma na siya nang sumagot ako. Hindi naman ako sigurado kung pupunta ako sa office. Hindi naman ako kailangan doon e. Saka mapapagod lang ako kababantay kay Raiko na gusto laging naglalakad paikot-ikot kapag naroon kami.

"Bring Raiko," pahabol niya.

Sinasabi na nga ba e.

"Sige po," sagot ko na lang kaysa kumontra o tumanggi. Tinanguan lang ako ni Tita bago tapusin ang tawag. After two hours, nakapag-unat din at naitago na ang laptop.

Alam ko namang hindi ako ang gusto niyang makita sa office. Alam ko ring hindi ako ang gusto ni Tito na makita sa court. Ganoon din si Mommy na pinasusunod ako sa norte gawa ng shoot. Lalo na ang parents ni Frankie na kinukulit kaming umuwi.

Hindi ako ang gusto nilang makita kundi si Raiko. Ako lang talaga ang naiipit.

"Ayaw mo na nito?" tanong ko, tukoy ko sa saging na pinabalatan niya kanina. Nakaisang kagat lang yata siya tapos binitiwan na niya. Hindi ko na nasita dahil may meeting kami kanina.

"Tsk. Patay ka sa mama mo niyan. Uubusin dapat ang food," sabi ko, pero dinampot ko rin naman para ako na ang kumain. Hindi naman kasi talaga siya ang pagagalitan—ako. Sasabihin na naman ni Frankie na hinahayaan kong magsayang si Raiko ng pagkain.

Sobrang lawak ng bibig ni Raiko kapag ibubukas at kakainin ang hiwa-hiwang apple dahil patayo niya nga kinakain. Cute.

"Akin na nga, ganito kasi." Inayos ko ang pagkakahawak niya sa apple at iginiya siyang ipasok iyon sa bibig niya. Hindi ko alam kung kanino niya natutuhan ang laging nakapatayo ang pagkain kapag kakainin niya.

Isang beses, noong may dala si Raianne dito na fries, ganoon din niya kainin kaya hirap na hirap siya. Ang nakakain lang tuloy niya ay iyong maiikli, o kaya pinuputol-putol niya. May kutob na akong si Daddy ang nagturo pero itatanggi naman n'on kapag tinanong ko.

"Lalabas ba tayo?" tanong ko. Hindi kami nausuhan ng baby talk sa bahay. Ayaw ni Frankie. Gusto niya, deretso ang pagsasalita kapag kakausapin si Raiko.

At siyempre, assignment ko na ang i-tutor ang bata araw-araw. Sabi nga ni Cali, baka raw pinupuwersa namin masyado ang bata. Pero mukhang hindi naman masyadong affected si Raiko. Maaga siyang tuwid na nagsalita at marunong na ng ilang words sa English.

"Yes," tumatango-tango niyang sagot. Patayo na naman ang hawak niya sa huling apple slice kahit inayos ko na kanina. Napailing na lang ako pero hinayaan ko na lang. Kinuha ko ang mangkok at mabilis na hinugasan, para pag-uwi ni Frankie, wala na siyang iintindihin.

Hindi namin kinuha ang apartment na dapat ay tutuluyan namin. Hindi talaga pumayag si Mommy. Halos mag-iiiyak na nga sa tapat ni Frankie para lang hindi kami roon tumira. Kaya hayun, dito kami napunta sa rent-to-own subdivision. Mas safe at mas maayos. Mas praktikal din.

Fleeting MomentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon