Chapter 1: Grades

6 0 0
                                    

Chapter 1: Grades

Napailing sa inis ang adviser ni Hannah habang ibinibigay ang card matapos itong makiusap na kung sana ay siya na lamang ang kukuha no'n. Hindi pa man nakikita ang mga grado ay dismayado na si Hannah sa sarili. Panigurado ay may mga line of seven nanaman siya. Patay na naman tayo niyan kay ermats..


"Hindi ka na natuto, Hannah." kalmadong sabi ni teacher Rizel, ang adviser ni Hannah.


"Me, ma'am, doing my best." tila hirap pa ito sa pag-iisip ng tamang ingles sa sasabihin niya. Napakamot na lang siya sa ulo ng maisip na may mali sa grammar niya.


"Hay nako. Hindi ko alam ang gagawin sa'yong bata ka. Sumabay ka na sa'kin pag-uwi." tumango na lang si Hannah at tinignan ang grades niya.

Unang subject pa lang ay lupaypay na siya.

Filipino- 80

Hay, okay na rin 'yon at least hindi line of seven.

English- 79

Wala na 'kong pag-asa do'n hindi na ako aasa. Hahahaha.

Sunod niyang tinignan ang iba at lalo pang napakamot sa ulo. Sinubukan talaga niyang mag-aral at magreview. So far, tumaas naman ang grado niya ng isa mula sa nakaraang markahan. Ang Esp.


Atleast maganda ang attitude.

Nagsabay nga sila nang pag-uwi ni teacher Rizel. Si teacher Rizel ay kanyang adviser last year. Repeater kasi si Hannah dahil bumagsak siya sa subject na English. Hindi na siya nakahabol kaya nagrepeater na lang siya.


Ngayong taon kumpara sa nakaraan ay gumanda naman ang mga grades niya. Ngunit dehado pa rin dahil nalalapit na ang moving up nila at hindi siya sigurado kung makakasali nanaman siya.


"Ma'am Rizel, tingin niyo makakasama ako sa moving up sa April?" wala sa sariling tanong ni Hannah sa teacher niya. Naglalakad lang silang dalawa dahil walking distance naman ang mga bahay nila.


"Walang imposible sa taong nagsusumikap, Hannah."


Nang makauwi ay nadatnan niya ang nanay niya na nagwawalis sa labas. Nang makita siya nito at ang guro niya ay agad itong ngumiti.


"Magandang hapon po, Mommy." bati ni teacher Rizel sakanyang ina. Nagmano na lamang si Hannah sa nanay niya at pumasok na sa loob.


Doon ay naabutan niyang nakahilata sa sofa ang kanyang ama at mukhang nakainom nanaman. Nilapitan niya ito at nagmano kahit pa tinataboy nito ang kamay niya.


"Huwag mo akong hawakan! Wala kang dulot sa pamamamahay ko! Huwag mo akong hawakan!" sigaw nito habang nakapikit.


"Lasing ka na naman tanda. Hay nako." Napangiwi na lamang si Hannah ay pumasok sa kwarto niya tsaka nagbihis.


"Hannah! Lumabas ka riyan!" Eto na, sermon time na po...


"Ano itong grade mo ha? Bakit may line of seven pa rin diyan? Esp lang ang tumaas at iisa lang ang itinaas! Hindi ka ha nahihiya sa mga kaklase mo'ng bata ka? Ang tanda mo na at dapat senior high ka na pero eto at nagrepeater ka pa!" inis na inis na hinagis ng kanyang ina ang card nito sa lamesa. Bungad na bungad ang mga grades niyang palakol. Hayst.


Switched SoulsWhere stories live. Discover now